FROM ENEMY TO BESTFRIEND
(Bestfriend to Lover?)2 weeks later...
Esang's POV
Nandito ako sa kwarto ko ngayon, Katatapos ko lang kumain ng hapunan at inaayos ko na rin mga gamit ko para bukas dahil Bukas na ang First Day of School ko sa TEU, hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon, halo-halong kaba at takot dahil don sa mayabang na lalaking nakabunggo ko na may- ari ng school...
Sandali lang at i alarm ko nga tong phone ko ng 5:30 a.m para maaga akong magising...
5:30 AM "I'm so sick of this Fake Love Fake Love Fake love, I'm so sorry but its Fake Love Fakr Love Fake Love"
"Ang ingay!!! Umaga na pala" at nagising na ako. Bumangon na rin ako sa aking higaan, at nakita ko si Lola na nagluluto sa Kusina, kaya tinawag ko na si Kuya
At tapos na kaming kumain kaya naligo at nagbihis na rin ako ng aking uniform.
Nasa labas na kami ni Kuya at Nagpaalam na kami kay Lola. Naglakad na lang kami dahil malapit lang naman na ang school
Nandito na kami pero pagpasok ko pa lang sa loob ng Campus, parang may masama ng mangyayari sa akin pero bahala na kung Ano mang gawin sakin ng lalakeng yon, DI KO TALAGA SIYA UURUNGAN...
Tapos na ang Flag Ceremony at nagkahiwalay na kami ni Kuya dahil alam naman na namin kung saan ang classroom namin
Papasok na ako sa classroom pero tinignan ko muna pangalan ko sa harap ng pintuan para sure na doon talaga ang room ko at ayon na nga DE TORRES, TELESA MARIE C.
Pagpasok ko pa lang sa loob may mga naririnig nanaman akong mga bulong at nakatingin sila sa akin...
"Diba sya yung girl noon?"girl 1
"Hala Oo nga" girl 2
"Mukhang galing sa Probinsya kaya walang alam sa kinakalaban niya" girl 3Yan yong mga narinig ko sa mga tatlong babae tungkol sa akin pero may tumawag sa'king pangalan...
"ESANG!!! Halika rito, tabi tayo" sigaw niya galing sa kanyan upuan. Nakilala ko na siya noong enrollment pero Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Kaya pumunta nalang ako dahil siya palang naman ang kakilala ko rito
"Naaalala mo pa ba ako? Si Sheena?" tanong niya
Oo nga pala Sheena pala pangalan niya
" Ah Oo Sheena pala pangalan mo, nakalimutan ko na kasi" sagot ko sa kanya
"Ang bilis mo naman makalimut, pero BTW meet Lyca, Awra and Francis, my bestfriends" sabi niya
"Sana maging bestfriend ka rin namin" sabi ni Lyca
"Oo nga sali ka sa grupo namin, mas marami mas masaya" sabi naman ni Francis
"At isa pa mga babae naman tayong lahat, kaya walang problema" sabi naman ni Awra
"Ha?" gulat kong tanong sa kanila
" Huwag ka nang magulat pa, Halatado naman dba?" sabi naman ni Sheena
At nagtawanan kaming lahat hahaha...
Pero may napansin akong magandang babae sa gilid na may hawak na libro at binabasa ito kaya bigla kong natanong kay Sheena kung sino siya
"Sheena, sino yong maganda na maputing babae don sa gilid?" tanong ko sa kanya
"Ah yon ba? Siya si Krystal pero snob nga lang siya. Siya kaya pinakamatalino dito sa SSC 9, at kapag recognition lagi siyang W/HIGH HONOR" sagot naman niya sa'kin
" At alam mo rin bang napakarami niyang manliligaw pero binabasted niya lang mga ito" singit naman ni Francis
"Talaga?" gulat na tanong ko sa kanila
"Napakaswete nga niya kasi si Mackie ang manliligaw niya" sabi rin ni Awra
"Mackie? Sino yun?" tanong ko sa kanila
" D mo sya kilala?" tanong naman ni Awra
"Si Mackie lang naman yong pinaka gwapo at pinakamayaman dito sa room natin at May mga kaibigan rin siyang apat bale Lima silang magbabarkada at lahat sila ang Gugwapo!!!" biglang singit ni Francis na tinitili
" Hindi lang yon! Alam mo bang si Mackie ang leader nila, at sila rin ang uupo jan sa mga bakante jan sa harap natin at Siya rin ang anak ni Mr.Empuerto na may-ari ng school na pinapasukan natin" sunod rin na sabi ni Lyca
"Tama!" singit rin ni Sheena
"Naku!, anjan na si Mrs. Arellano" biglang sabi ni Awra
Huh? D na ako nakapagsalita buti nalang anjan na adviser namin at bumati kaming lahat sa kanya ng...
" GOOD MORNING MRS. ARELLANO"
" Ok class, may bagong transferee ngayon. Ms De Torres, maaari mo nang ipakilala sarili mo ngayon" - Mrs Arellano
" Good Morning classmates, I am..." Magpapakilala na sana ako nang biglang may dumating na mga lalake kaya napatingin kaming lahat sa likod at dumaan lang sila sa gitna na wala man lang Good Morning? Ang babastos ha, Sila pala yong mga mayayabang lalo na yong Mackie na yon.
Umupo na sila sa kanilang upuan sa harapan namin
"Ms. De Torres, maaari ka nang magpakilala" biglang sabi ni Ma'am
" Hi! I'm Telesa Marie De Torres but you can call me Esang" yan lang ang mga nasabi ko dahil kanina pa kasing nakatingin yong Mackie na yon sa akin na parang galit kaya umupo nalang ako
" Boys and Girls, meet your new classmate. Wala muna tayong masyadong gagawin ngayong araw na ito kaya Maaari na muna kayong pumunta sa labas para malibot niyo muna ang buong campus at para makilala niyo pa ang isa't isa at Bukas kayo magsisimula na magklase at makikilala niyo na rin kung sino mga bago niyo teacher / subject kaya CLASS DISMISS!" sabi ni Ma'am sa amin
"GOODBYE MRS. ARELLANO" paalam namin sa
Nakakabastos lang talaga ha, wala man lang galang yong mga nasa harapan namin, Di man lang sila tumayo para magpaalam sa Teacher namin
"Guys tara na, libutin muna natin tong buong campus" sabi ni Sheena
"Oo nga, para makita na rin ni Esang buong itsura ng campus" sabi naman ni Awra
" O sige , tara na" sabi ko naman
Papalabas na sana kami pero may narinig kaming...
"MS. TRANSFEREE" sigaw galing sa likod
Liningon ko kung sino pero si MACKIE?
" O bakit, anong kailangan mo?" galit na sabi ko sa kanya
"Nakalimutan mo na bang may kasalanan ka sa akin?" "Kaya humanda ka na sa parusa bukas" sabi niya sa'kin na parang may balak na masama
Pero di ko nalang sila pinansin at umalis nalang kami nila Sheena, Awra, Francis at Lyca
"Magkakilala na ba kayo ni Mackie?" tanong ni Lyca
"Oo nga bat niya sinabi na may parusa ka? singit ni Awra
"Huwag mong sabihing hinahamon ka niya at kung hinahamon ka man niya, ikaw na siguro ang unang babaeng kakalaban sa kanya" sumunod din si Francis
"O baka naman may gusto siya sa'yo, Yiee!!!" singit naman ni Sheena
"What? NO WAY!!!" bigla kong sabi sa kanila
"Hala! Nagreact?" sagot naman niya
" Hindi ganito kasi yon..." at yon nga ikinwento ko na sakanila ang buong nangyari kung bakit ko siya nakilala
Next Chapter: Mackie's POV na
Abangan Guys...Vote and Comment Guys...(salamat sa mga nagbabasa ng story ko...)
BINABASA MO ANG
KIESANG LOVE STORY
RandomTHIS IS MY FIRST STORY SO YAH IF U LIKE IT VOTE FOR IT AND THIS WILL ONLY CONTAIN TAGALOG SO YAH AND THE TWO MAIN CHARACTERS ARE "RHODMARC MACKIE SUIZO EMPUERTO AND TELESA MARIE ESANG CASTILLEJO DETORRES SOO YAH.IF YOU DONT LIKE IT GO MAKE UR OWN ST...