FROM ENEMY TO BESTFRIEND
(Bestfriend to Lover?)Esang's POV
(Friday)
Uwian na galing school at mamayang mga 6:00 PM ay magbibiyahe na kami papuntang Batangas sa Resort nila Mackie
"Basta guys, maghanda nalang kayo sunduin nalang namin kayo sa bahay ninyo mamaya" sabi ni Mackie sa amin
"Sige, basta kita kita nalang tayo mamaya" sagot ko nalang
"Sige, babye" paalam na naming lahat
At naglakad nalang kami pauwi
Nandito na ako sa bahay at ibinaba ko na ang mga gamit ko, Nakaimpake na rin kasi ako kagabi pa dahil excited na rin kami
Katatapos ko lang nakaligo at nagbihis na rin ako ng pang alis na Maong na pantalon at nag sweatshirt nalang ako para hindi na ako magjajacket pa pero si Kuya, pinabaunan pa rin ako ng jacket at malamig daw kasi sa biyahe kaya nagbaon nalang ako hahaha...
Nakalipas ang ilang minuto...
May narinig na akong bumusina sa labas at siguradong sila na nga yon...
At tinawag na ako nila Kuya...
"Bunso! Anjan na mga kaibigan mo" tawag ni Kuya sa akin
Kaya bumaba na ako
"Sige Kuya, punta na ako. BABYE!!!" paalam ko sa kanya
"O sige mag-iingat ka, kumpleto na ba mga gamit mo? May pera ka na ba?" tanong pa ni Kuya
"Oo Kuya, meron na" sagot ko sa kanya na nakangiti
At lumabas na ako
"O sige mag-ingat kayo, pasalubong ko ah" sigaw na sabi ni Kuya sa labas
"Oo Kuya, babye!!!" sagot ko sa kanya
At sumakay na ako sa Van nila Mackie...
"O basta dating pwesto, parang noon" sabi ni Mackie
"Sige" sagot ko nalang
At umandar na ang sasakyan papuntang Batangas
At ako nalang ang nahuli, andun na silang lahat sa loob
"O guys, excited na ba kayo?" tanong ni Sam
"Oo naman, excited na akong maligo sa dagat" sagot naman ni Awra
"Ako rin, napakarami ko ngang dinalang mga gamit eh" sunod na sabi rin ni Awra
At tinignan ko sa likod namin, halos mapupuno na yata sa dami ng mga travelling bag eh at may maleta pa..
"Kanino tong maleta dito" tanong ko sa kanila
"Sa akin yan✋" sagot naman ni Lyca
"Ang dami naman yata" tanong ko na naman
"Syempre alam mo na, talagang gusto kong maligo sa dagat eh" masayang sagot nanaman ni Lyca
Pero tong katabi ko si Mackie, cellphone lang ang tinitignan
"Busy ka yata?" nakangiting tanong ko sa kanya
"Ah wala, Busy lang kay Bae. Miss na daw niya kasi ako eh" mayabang na nakangiting sagot niya
"Bae? CS niyo ni Krystal?" tanong kong bigla
"Oo, diba ang cute" sagot naman niya
"Anong cute don? Pangbata masyado?" sabat bigla ni Keifer
"Hininhingi ko ba opinyon mo Keifer ha?" tanong naman ni Mackie sa kanya
"Pero totoo? Sino ba nakaisip ng bae na yan?" tanong nalang din ni Keifer
"Si Krystal" sagot naman ni Mackie
"Mas maganda sana kung Love" sabi naman ni Keifer
"Pang -asawa naman yang naiisip mo, ayos naman yong Bae" singit na sabi rin ni Sheena
"Oo nga, at isa pa High School palang sila at pwede naman din nilang palitan pag sila na talaga" sabi ko na rin sa kanila
"Siguro, pero kung magiging sila talaga" sunod na sabi naman ni Keifer
"Guys, alam niyo bang may Meteor Shower bukas ng gabi(Sabado)" biglang sabi ni Sam sa harapan
"Talaga?" tanong naming bigla dito sa likod
"Oo mga 11:00 daw ng gabi, sabi nila" sagot naman ni Sam
"Ang saya naman at nagkataong dagat ang pupuntahan natin" sabi naman ni Francis
"Oo at maganda talaga ang view niya pag sa dagat tayo maghihintay" sagot naman ni Noel sa harapan
"Wow, nakakaexcite naman yan" sabi rin ni Sheena
"Pero Guys, alam niyo bang pag nakita ng isang Lalake at isang Babae ang Meteor sa iisang lugar, sila na daw ang magkaforever?" sabi ni Keifer sa amin
"Talaga? Kahit hindi sila?" tanong naman ni Lyca
"Oo basta, kahit sila lang ang nakakita, magiging sila daw forever" sagot naman niya
"So naniniwala ka?" tanong ni Sheena sa kanya
"Di ko alam, sabi lang nila eh pero siguro totoo rin naman" sagot rin niya
"Ha, basta kalimutan niyo nalang mga sinabi ko tungkol jan" dagdag pa ni Keifer
"Oo nga, huwag niyo nalang pansinin mga sinabi niya at isa pa malayo pa tayo kaya matulog muna tayo" sabi na ni sheena
"Oo nga, inaantok na rin ako" sagot rin ni Lyca
"Ako rin" agad na sabi rin ni Francis
After 15 minutes...
Nakatulog na silang lahat, Ako nalang yata ang gising at Syempre ang driver nitong Van(driver nila Mackie) pati rin si Mackie, nakatulog na rin kaya natulog na rin ako. Ihiniga ko nalang ang katawan ko sa upuan except sa paa ko dahil maliit lang naman ang space dito sa upuan namin kaya kalahati lang ng katawan ko hanggang sa naipikit ko na ang mga mata ko...
Thanks sa pagbasa!!!
Kung nabitin kayo, sorry guys Sobarang busy ko lang kasi
Abangan niyo lang Guys!😍😊😘😉
BINABASA MO ANG
KIESANG LOVE STORY
De TodoTHIS IS MY FIRST STORY SO YAH IF U LIKE IT VOTE FOR IT AND THIS WILL ONLY CONTAIN TAGALOG SO YAH AND THE TWO MAIN CHARACTERS ARE "RHODMARC MACKIE SUIZO EMPUERTO AND TELESA MARIE ESANG CASTILLEJO DETORRES SOO YAH.IF YOU DONT LIKE IT GO MAKE UR OWN ST...