18:Really?

98 5 1
                                    

FROM ENEMY TO BESTFRIEND
(Bestfriend to Lover?)

3 months later...

Mackie's POV

"Diba Mackie, birthday ni Krystal noong Sabado?" tanong ni Sam

"Oo, pero nagcelebrate daw sila sa Italy kaya wala siya noong Biyernea, pero papasok na rin daw siya ngayon. Message niya sa'kin" sagot ko sa kanila

"Diba ang sabi niya kapag 15 na siya, pwede na maging kayo" tanong nanaman ni Sam

"Yon ang sabi niya pero di ko alam kung may pag-asa talaga ako" sagot ko ulit

"Hay naku bilisan mo na, ang bagal mong kumilos" biglang sabi ni Keifer

"Alam mo panira ka talaga!" sagot ko naman kay Keifer

At dumating na rin si Ma'am kaya pumasok na rin kami sa classroom...

Pero nagtataka ako kung ba't wala pa si Esang, kadalasan kasi siya pa ang nauuna sa akin...

Kaya tinanong ko na si Sheena...

"Sheena?, wala pa ba si Esang?" tanong ko sa kanya

"Hindi ko nga rin alam, siguro nalate lang siya" sagot naman niya

"Bakit Mackie? miss mo na si Ms. Transferee?" biglang tanong ni Keifer

"Hindi naman, pero nagtataka lang ako ba't ang tagal niya" sagot ko na lang

"Hay naku! huwag mo muna siyang alalahanin, at isa pa malakas yon kaya chill ka lang" sabi pa niya

At bigla ng dumating si Krystal pero nag-iba na ang buhok niya, dati kasi kulot siya  ngayon ay straight na

"Ayan na pala si Krystal, pero ba't siya nagpa straight ng buhok?" tanong ni Keifer

"Hindi ko alam, ba't ako tinatanong mo?" sagot ko naman

"Siguro dahil 15 na siya" sabat naman ni Sam dahil magkakalapit lang kami ng upuan

"O baka sign na yan na pwede na siyang magkaboyfriend" biglang sabi ni Sheena

"Oo nga no, siguro nga pero dapat mamayang lunch break tanungin mo na siya kaagad kung pwede na" dagdag nanaman ni Keifer

"Sige"

sagot ko nalang pero wala pa si Esang hanggang sa natapos na lahat ng klase namin sa umaga at Lunch Break na...

"Basta Tol, yayain mo na si Krystal sa Canteen susunod na lang kami at tanungin mo siya kung pwede na" sabi ni Keifer

"Oo, wala si Esang ngayon kaya kami muna bahala sa'yo" sunod na sabi rin ni Marco

" Sige, pero pwede niyo bang tawagan si Esang kung ba't wala siya ngayon" sabi ko sa kanila

"Oo kami na bahala sa kanya, tatawagan namin siya mamamaya" sagot naman ni Awra

"At sabihin niyo na ring may parusa siya sa'kin kung ba't di siya pumasok" loko ko kong sabi sa kanila

"Sige, sasabihin namin" sagot naman ni Francis

Kaya pinuntahan ko na si Krystal sa upuan niya para ayain siya na mag lunch sa Canteen...

"Krystal, pwede ba kitang yayain na kumain ng lunch sa canteen" tanong ko sa kanya

"Oo naman" sagot niya

Kaya lumabas  na kami sa room at nag thumbs up sila Mackie sa akin at ngumiti na rin ako

"Hindi ba sasama mga kaibigan mo?" tanong niya

KIESANG LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon