FROM ENEMY TO BESTFRIEND
(Bestfriend to Lover?Esang's POV
Papasok na ako sa school ngayon, may sinat nalang kunti pero kaya ko naman na kaya papasok na ako...
Kapapasok ko palang sa room namin at nakita ko sila Sheena, Awra, Frans, at Lyca sa upuan nila at nag-uusap kasama ang mga boys pero except kay Mackie...
"Esang, pumasok ka na pala. Magaling ka na?" Alalang tanong ni Sheena
"Oo naman, OK na ako may sinat nalang ng kunti" sagot ko
"Kung ganun halika na muna dito, magkwentuhan muna tayo" sabi naman ni Lyca
"Ano ba yang mga pinag-uusapan niyo at parang ako nalang ang wala jan?" tanong ko sa kanila
At tumabi na ako kila Lyca at nakipagkwentuahan na rin
"Pinag- uusapan lang kasi namin sila Mackie at Krystal" sabi ni Francis
At sabay turo sa kanila sa harapan na magkatabi
"Ang sweet nila noh..." sabi ni Awra
"Maghihiwalay rin mga yan" biglang sabi nalang ni Keifer
"Pa'no mo naman nasabi yan?" tanong ko
"Sa mga panahon ngayon, wala ng nagtatagal sa isang relasyon" sagot naman niya
"Alam mo napaka advance mo ring mag-isip. Sa tingin ko seryoso naman siya, malay niyo magtagal rin" sabat naman ni Sheena
"Pero si Krystal, seryoso ba?" biglang tanong naman ni Keifer
At natigilan kami doon ng kaunting segundo
"Seryoso naman siguro silang dalawa sa isa't isa o baka ikaw ang di seryoso sa love" sagot ni Noel sabay tingin kay Keifer
"Loko ka rin ano, at isa pa seryoso na ako ngayon" sabi naman ni Keifer
"Ha? Sino naman yan? Kayo na ba?" tanong rin Sam
"Hindi pa kami, pero magiging kami rin" sagot naman ni Keifer
"Eh sino nga?" tanong naman ni Marco
"Hindi ko pa alam kung sino talaga, pero minsan kasi nasa tabi tabi lang sila. Malay niyo katabi lang pala natin ang destiny natin" sagot ni naman ni Keifer sabay tingin kay Sheena (magkatabi sila)
"Hindi ikaw tinutukoy ko" nakangiti niyang sabi
"Eh sino?" tanong naman ni Sheena
"Ah basta yong... kadate ko mamaya" sagot niya
"Ano? May kadate ka? Ba't di mo kami sinabihan!" tanong naman ni Noel
"Ah basta" sagot nalang ni Keifer
"Anjan na si Ma'am" sigaw ng kaklase namin
Kaya nagsibalikan na kami sa aming upuan...
"Esang? Magaling ka na?" tanong ni Mackie sa akin
"Oo, OK na ako" sagot ko
"Anong Ok? patingin nga" bigla nalang niyang sabi
At hinawakan ang noo at leeg ko kung may sinat pa ba ako o wala na
"O diba, wala na. Malakas kaya ako" mayabang kong sabi
"Ang yabang mo na ha" nakangiti niyang sabi
"Mukhang masaya ka yata ngayon?" bigla kong tanong sa kanya
"Oo naman, sino bang hindi magiging masaya na girlfriend ko na ngayon ang gusto ko lang noon" sagot naman niya ng nakangiti
"Parang bata!!!" sabat ni Keifer
BINABASA MO ANG
KIESANG LOVE STORY
RandomTHIS IS MY FIRST STORY SO YAH IF U LIKE IT VOTE FOR IT AND THIS WILL ONLY CONTAIN TAGALOG SO YAH AND THE TWO MAIN CHARACTERS ARE "RHODMARC MACKIE SUIZO EMPUERTO AND TELESA MARIE ESANG CASTILLEJO DETORRES SOO YAH.IF YOU DONT LIKE IT GO MAKE UR OWN ST...