4:Deal Or No Deal?

124 3 0
                                    

FROM ENEMY TO BESTFRIEND
(Bestfriend to Lover?)

Esang's POV

Uwian na pala, at nagpaalam na ako kila Sheena, Lyca, Francis at Awra

"Bye Guys!!!, bukas ulit " paalam ko sa kanila

" Sige Bye, kitakits" sabi nila sa akin

At kinuha ko na yong phone ko para itext si Kuya na magkita nalang kami sa baba

Habang naglalakad ako ay may biglang humila sa akin at tinakpan tong bibig ko kaya d ako nakasigaw . Di ko alam kung sino yon dahil ipinikit ko na lang yong mata ko nong isinandal niya ako sa pader

Pero nagulat ako nang pag mulat ng mata ko, si Mackie? Akala ko ba bukas pa yong parusa niya sa'kin? Pero tinanggal niya rin yong kamay niya sa bibig ko

Pero isinandal niya yong dalawang kamay niya sa pader sa pagitan ng katawan ko kaya hindi ako makalabas

"Tulong!!!" sigaw ko pero bigla nanaman niyang tinakpan yong bibig ko

" Kapag sumigaw ka, hahalikan talaga kita" sabi niya ng seryoso kaya natigilan ako sa sinabi niya

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya

Pero wala man lang siyang sinabi at...

Inilalapit niya ang mukha niya sa aking mukha  at kunting- kunti nalang talaga magkakadikit na ang aming mukha

"Ano bang...?" tanong ko sa kanya pero di ko na naituloy dahil sa sinabi niyang...

"LET'S BE FRIENDS" sabi niya  at inilayo na rin niya ang kanyang mukha

"Huh?" Gulat kong tanong

"Yes! Gusto kitang maging kaibigan para tulungan mo ako na mapalapit kay Krystal at ang Kapalit non Wala na akong parusang gagawin sa'yo" seryoso niyang sabi

Mukhang OK na rin yata yon para wala ng parusang  mangyari sa'kin pero naaawa lang ako kay Krystal baka saktan lang niya lalo nat honor student siya

"O, ano? Deal?" tanong nanaman niya

"Pag-iisipan ko" inis na sabi ko sa kanya at Tinulak ko siya kaya nakawala na rin ako sa kanya

"MS. TRANSFEREE, bukas ang sagot", sigaw niya habang tumatakbo ako

At sa wakas nakaalis na rin ako sa kanya pero Hindi ko alam kung papayag ba ako

"Bunso! ,bat ang tagal mo?" ah ayon na pala si Kuya hinihintay na niya pala ako

" Ah wala, may kausap lang ako na kaibigan doon"  panggap na sabi ko sa kanya

"So kumusta, first day mo dito?" tanong niya

"OK lang naman, e ikaw" sagot ko sa kanya

" Ako? Syempre napakasaya, maraming magagandang babae" sagot naman niya

"Buti ka pa" malungkot kong sabi

"Anong sabi mo?" bigla niyang tanong

"Ah wala, ang sabi ko uwi na tayo baka hinahanap na tayo ni Lola" sabi ko na sa kanya

"O sige tara na nga" sabi naman niya

At nakuwi na nga kami.

At tapos narin kami naghapunan kaya naghilamos na ako

Pagkatapos ay humiga na ako sa kama para matulog pero naisipan ko munang i add friend sila Sheena, Francis, Awra, at Lyca sa FB at agad namn nila itong inaccept at gumawa narin sila ng groupchat namin at nag-usap usap kami hanggang sa nag OFF na sila...

Pero ako, hindi pa ako makatulog. Siguro iniisip ko pa rin yong sinabi ni Mackie kung papayag ba ako o hindi

At may tumunog sa Notif. ko at may Nag friend request, tinignan ko Rhodmark Mackie Empuerto, "Ano nanaman bang gusto ng lalaking to"

Di ko siya inaccept pero may nag Message Request sa Messenger ko. Tinignan ko siya nanaman kaya sineen ko lang at ang sabi niya "Ano? Deal na ba? Tandaan: Kung di ka mag Deal, get ready nalang sa parusa ! Hahaha... Goodluck!!!"

Nakakainis kaya nag Off nalang ako para matulog, inaantok na rin kasi ako

•{Day 2}•

Papasok na kami sa school ni Kuya, at Nakita ko na sila Francis at Awra sa room at nag "Good Morning Esang" bati nila

"Good Morning rin, wala pa ba si Sheena at Lyca?" tanong ko sa kanila

"Andon lang sila sa labas, pero papasok na rin sila mamaya"  sabi naman ni Francis

"Ms. Transferee!" biglang sumingit naman yong Mackie na yon

"Ano nanaman bang problema mo?" tanong ko naman sa kanya

" Ano nang desisyon mo? Deal na ba?" sabi naman niya

Inirapan ko lang siya at Buti na lang anjan na adviser namin ( Mrs. Arellano) teacher namin siya sa Science(first period) kaya nagsipasok na rin lahat ng kaklase namin

" OK class, bago tayo magsimula. May sitting arrangement kayo" sabi ni Ma'am sa amin

"Ma'am! Pwede niyo po ba akong itabi kay Ms. De Torres?" biglang tanong ni Mackie

"Huh?" gulat na sagot ko sa kanya

"Ayiee!!!" malakas na sabi naman ng mga kaibigan niya

"O sige, pwedeng pwede. Saan niyo ba gusto umupo?" tanong ni Ma'am kay Mackie

"Doon nalang po sa likod Ma'am" sabi naman niya

Ano? Katabi ko siya? Hindi ba porket siya may -ari ng school na'to ,pwede na siyang magdesisyon kung sino ang katabi niya? Talagabg nakakainis

Wala na talaga akong nagawa kundi lumipat nalang din sa likod

Inilipat rin sila Sheena, katabi niya si Keifer. Si Lyca naman, katabi si Sam. Si Awra naman ay si Noel at Francis, si Marco naman. At nailipat na nga kaming lahat pero buti nalang malapit lang sila Sheena sa amin, nasa harapan lang namin sila.

" Deal na ba?" pangungulit na tanong ni Mackie

Hindi ako kumibo kaya ginulo niya tong buhok ko

"Ano ba?" sigaw ko sa kanya

" Ms. De Torres, may problema ba?" sabi ni Ma'am sa amin sa likod

"Ma'am si..." sabi ko pero d ko naituloy

"Wala po Ma'am" biglang singit na sabi ni Mackie kaya hindi ko na naituloy yong sasabihin ko

" Ano? Deal na ba? D kita titigilan" sabi ni Mackie sa akin ng mahina

Huminga nalang ako ng malalim

at sinabi sa kanyang...

"DEAL!" sabi ko sa kanya para Tigilqn na niya ako

Ngumiti lang siya at Tumigil na rin

(Abangan niyo po mamaya yong Next Chapter)

Vote and Comment below!!! Salamat po sa Pagbabasa😍

KIESANG LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon