13:WalWal Day

78 2 3
                                    

FROM ENEMY TO BESTFRIEND
(Bestfriend to Lover?)

6 hours later...

"BUNSO!!! Gising na" sigaw ni Kuya

"Ano ba? ang ingay mo. Ba't  ba ang aga mong nagising" sabi ko sa kanya

" Hoy!!! 1:30 na po ng tanghali" sigaw nanaman niya

"Huh?" tanong ko naman

At tinignan ko yong wall clock ko sa taas, 1:30 pm na talaga kaya bumangon na ako

" Ba't ba ang tagal mong nagising ha? tanong niya

"Kuya, nagising na'ko kaninang mga 7:30 am pero itinulog ko nanaman. Masarap kasing matulog kaya natulog nalang ako" sabi ko

" Ang sabihin mo Tamad ka talaga" sabi nanaman niya

" Ikaw kaya pinakatamad sa atin" sabi ko rin

"Anong pinakatamad, ako kaya nagluto ngayon ng tanghalian natin" mayabang niyang sabi

" Huh? Nagluto ka? Himala, ngayon ka lang ata nagluto" sabi ko sa kanya

" Inspired kasi ako eh" nakangiting sagot niya

" Huh? Kanino?" tanong ko

At pinakita niya yong picture sa'kin sa phone niya

"Eto oh, ganda niya diba?" sabi niya

"Oo, pero sino ba yan. Kaklase mo?" tanong ko nanaman

"Oo, pero Huwag ka nang maraming tanong at Bumangon ka na para kumain ng tanghalian sa baba" sabi nanaman niya

Bumaba na kami at Inihanda na niya  ang kakainin ko...

"Ano ba tong ulam, ba't parang sunog? tanong ko

"Tocino yan at Huwag ka nang umangal pa, pasalamat ka tinirahan pa kita ng ulam" sabi niya

At kumain na'ko

Oo nga pala, Hindi pa ako nakapagpaalam para bukas kaya tinanong ko na siya kung papayagan niya ako

"Kuya magpapa-alam sana ako sa'yo bukas."

"Bakit, saan ka pupunta?" tanong niya

"Mamasyal lang kami sa Mall kasama mga kaibigan ko, Nagyaya kasi sila" sabi ko

" Sige, Pwede naman. Pero sino ba yang mga kasama mong kaibigan?"

"Sila Sheena, Lyca, Francis, Awra, Mackie at mga kaibigan niya" sagot ko

" O sige, basta kasama mo mga kaibigan mo at Sila Mackie, OK lang" nakangiti niyang sabi

"At isa pa pinagkakatiwalaan ko si Mackie para sa'yo. Pero mag-iingat ka pa rin, mga lalake pa rin sila" sabi nanaman niya

"Oo naman Kuya, Mag-iingat ako at Baka Sila ang mag-ingat sa'kin" mayabang ko sabi

At biglang ginulo ni Kuya tong buhok ko...

"Alam mo talagang napaksayang kung tibo ka, Ang ganda ganda mong babae at sayang Gustong gusto ko pa naman si Mackie para sa'yo" sabi niya ng ganyan

"Kuya! Si Krystal ang gusto niya" sabi ko

"Pero Gusto mo siya?" tanong niya

"Hindi! Big NO" sabi ko nalang kahit alam kong gusto ko na rin siya

" O sige, d na  nga kita kukulitin. Oo nga pala wala si Lola ngayon, binisita niya kasi yong factory ni Lolo sa Marikina at baka sa Lunes pa daw ang balik niya kaya tayong Dalawa lang ang nandito sa bahay" sabi niya

KIESANG LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon