CHAPTER XXXV

1.1K 88 10
                                    

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Ed pagkatapos nung nangyari kanina sa hapag kainan. Kasi naman di na siya nakasagot nung tinanong ko siya kung sino bang girlfriend niya dito or kung gusto pa ba niya si Cindy.

Nakakalito talaga minsan ang mood niya. Minsan gusto niya si Cindy, kadalasan ako, pero yung totoong nasa isip at puso niya? EWAN.

Kahit sa byahe namin ay wala parin kaming kibo sa isa't isa.

Pumunta kami sa office niya. May emergency meeting daw siyang iheheld. Syempre sinuri ko muna kung nasa kondisyong ba ang vital signs niya. Pero di niya parin ako iniimik.

Tong tukmol nato! Kung makaasta siya pa ang agrabyado sa lagay na yan! Kaloka!

Nang makarating kami sa office niya ay sinimulan niya agad ang talakayan. Habang ako ay nasa isang gilid lang na malapit sa may pintuan ng conference room nila.

Seryoso ang usapan nila. Business minded lahat ang nandun. Ako lang yata ang naiiba sa grupo. Ako lang ang medical.

Sa tagal ng meeting nila ay bigla kong naramdaman na nanghina ang mga tuhod at bisig ko. Yung tipong biglang napagod ang katawan mo ng walang dahilan? Yung tipong nakaupo  ka lang ha pero bigla kang napagod ng todo na parang binugbog ang katawan mo.

Siguro nagutom na naman ako, siguro bumaba ang sugar level ko sa katawan dahil sa ka boringan ng discussion nila. Di ko kasi ma gets yung trip ng discussion nila eh, heheh.

So nagdesisyon akong lumabas na muna sa office. Magoahangin at irefresh ang utak ko.

Tatayo na sana ako ng biglang...

Umikot ang mundo at.....

Blaggggg!!

*****

"Morgan? Morgan? Are you okay?"

"Tumama ba ang ulo niya sa sahig sir Ed?"

"Bakit ba siya hinimatay?"

"Kawawa naman siya"

Mga munting tinig sa aking paligid habang pilit kong binubuka ang aking mga mata at bumalik sa aking ulirat.

"Morgan? What the hell happened??",usisa ni Ed na siyang una kong nakitang nakakalong sa akin sa may sahig.

Dali dali ako napaupo sa hiya dahil may maraming tao na nakapalibot sa akin. Nakiki chismis.

"A..anong nangyari? Ed?"

"You fainted Morgan"

"Ha?"

"Hinimatay ka. May sakit ka ba ha?"

"W-wala naman", dahan dahan kong tayo mula sa sahig na nahihilo pa ng konti.

"Nadisturbo ko yata ang meeting niyo Ed. I'm sorry"

"No. It's okay. Tala na dadalhin kita sa ospital"

"No!", biglang pag aayaw ko.

"Anong no? Employee kita, kargo ko pag may nangyari sayong masama"

"No. It's okay I'm fine Ed. Siguro napagod lang ako sa party kagabi. Fatigue lang to"

Nakatitig pa rin si Ed sa akin na may pag aalala sa kanyang mukha.

"Morgan"

"Ed. Please. I'm okay, promise",naka smile kong sabi para gumaan ang loob niya.

"Tuloy niyo ng meeting niyo! Okay na ako guys! Salamat!", pangisi kong sabi sa lahat ng tao na nakapalibot sa akin.

Isa isa ng nagbalikan sa conference room ang mga empleyado ni Ed maliban sa kanya.

"Oh? Bakit Ed?"

"Namumutla ka pa. Seriously hindi ka okay!", he sounded annoyed.

"Ano ka ba? First time mong makakita ng nurse na hinimatay? Di ba pwedeng napagod lang??"

"Sa akin?"

"Haha. Patawa ka ano?"

Seryoso ang kanyang mukha.

"Hindi ako pagod sayo Ed. Sa party nga to kagabi, siguro na dehydrate ako kaya bumagsak ako", nakangiti kong assurance sa kanya.

"Pag uwi natin dumaan tayo kahit sa clinic Morgan"

"Ed. Ang kulit mo naman eh. Okay nga lang ako!"

"Nag aalala ako sayo Morgan"

"Mas nag aalala ako sayo Ed, mastrstress ka nyan eh, naprapraning ka lang", kinidatan ko siya habang pumasok ako ulet sa conference room nila.

Bumuti naman ang pakiramdam ko makalipas ang ilang minuto. Siguro napagod ako ng husto at nadehydrate lang ako sa pag walwal namin kagabi.

Last na talaga yun, promise.

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon