CHAPTER II.

1.5K 100 10
                                    

Nakarating na rin ako sa wakas sa bahay ng hambog na lalaking iyon. At nang makita ko ang laki ng bahay nila ay napalunok ako. Pinapasok ako ng guard pagkatapos mag inspect ng mga gamit ko.

"Wow"

Bulong ko sa sarili ko na parang pumasok sa isang museum.

"You must be Morgan, welcome", salubong sa akin ng isang napaka elegante at napaka gandang babae. At di lang siya basta ibang babae, siya si Mrs. Edward, ang isa sa mga boss namin at nanay ng tukmol na yun.

"Hello po ma'am, good morning ho"

"Awwe, you can call me Tita nalang hija. You know, you will become part of the family since you're nursing my son"

Nursing your son, family?? Ano ba tong pinasok ko.

"Oh nandito na pala ang bagong punching bag ni Ed!", salubong sa akin ng isa ko pang boss, ang daddy ni tukmol, si Mr. Barber. And wait? Punching bag??? Nanakit ba siya?

"Joke lang yun ng sir mo, honey wag mong takutin si Morgan!"

"I'm sorry Morgan, I was just kidding. But I hope magtagal ka sana dito. You've been the tenth nurse this year na mag aatempt sa anak namin", paliwanag ni Sir.

"You can call her tito Morgan. Don't be shy around us, okay?",huling paliwanag ni Ma'am bago sila umalis at hayaan na akong magbantay sa little monster nila.

*****

Sa laki ng bahay nila ay nakailang libot pa ata ako hanggang natunton ko na rin ang kwarto ng tukmol na hambog.

"Sir Ed.. good morning. Si Morgan po ito, can I come In?", mahina kong katok sa bukas na niyang pintuan.

"Geez.. I don't know Morgan.. what do you think?"

Ang sarcastic talaga.

"Okay, to clear things between us. I am your nurse and I will be performing my duties to you with respect so might as well you return the favor..sir."

"Yup. I know. But here's the thing Morgan, you work for me, so anything I say or do is none of your business. Okay?"

"*sigh.. okay, so let me start by checking your vital signs sir"

"It's done."

"Po?"

"Ang sabi ko, tapos na akong kumuha ng vitals ko. May mga digital akong apparatus dito"

"Okay... have you eaten already your breakfast?"

"Do I look like a baby to you? Of course I'm done eating"

Kunti nalang talaga.

"Ahh..okay.. so, uminom ka na ng mga gamot mo sir. Ito kukunin ko"

"Tapos na"

Titirisin ko na talaga to eh.

"So what am I supposed to do here if everything is done,sir?", lumalaki na ang butas ko sa ilong dahil sa inis.

"Nothing. Just be with me"

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon