5. The Lie

7.9K 209 4
                                    

hahaha,. psshh ... na-ipublish ko ito under freude series 3.. hay naku isang malaking wrong kaya ito ulit,.. hayyy

salamat sa lahat ng dumaan para pansinin ang storyang ito.. :) ______________________________________________

Nakangiti akong naglalakad patungo sa kinapaparadahan nang aking sasakyan. Katatapos ko pa lamang makausap ang dating kaklase sa highschool at gusto nitong kunin ang serbisyo ng Squisito para sa catering ng kasal nito. Madali naman kaming nagkaayos sa detalye kaya mabilis na natapos ang aming usapan.  Akmang bubuksan ko na sana ang kotse nang maramdaman kong may tumilamsik sa akin and when I survey myself I was stunned. Hindi lang basa ang suot kong damit kundi may mga dumikit rin na putik dito. Sinundan ko ng tingin ang dahilan ng aking kapahamakan. Isang black K9 Sedan na agad namang pumara sa unahan ng aking sasakyan. Nakahanda na sana akong magbitaw ng maanghang na salita pero nabitin lamang iyon ng mapagsino ko ang palapit sa akin. No other than the arrogant himself Robert Greystone. Napasimangot ako ng sumunod na bumaba si Miss Stiff Neck na kung maglakad animo ay rumarampa sa catwalk.

“Oohh lady dwarf it’s you again. My….my… You look aahhmm disaster” sabi nito sabay tawa. Naningkit naman ang aking mga mata. Of all people and dalawang ito pa ang salarin ng pagkadisgrasya ko. When I look at Robert I noticed that he is suppressing a smile so I give him a deadly.

“Aren’t you gonna say you’re sorry?” sabi ko sa kanya.

He cleared his throat to speak and I was expecting him to say sorry but on my dismay iba ang lumabas sa bibig niya. “Bakit naman dyan mo ipinarada ang kotse nakita mo naman na may lubak yung kalsada. Ayan tuloy naputikan ka”

I was taken aback of what he said. Bakit parang ako pa tuloy ang may kasalanan samantalang ako itong halos maligo sa putik. “How dare you? ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa ang may ganang manisi.” I yelled at him.

“Look dwarf, hindi na namin kasalanan kung naputikan ka. It is your stupidity at dyan ka pa nag park ng sasakyan. Pero you know what lady dwarf, that kind of style suits you best.” sabad naman ni Miss stiff neck. Pagkatapos ay binalingan ng tingin ang binata. “Robert, honey let’s go ayaw ko mahuli sa meeting with your lolo dahil lang sa dwarf na yan. I can't wait na pumirma ng contract to model your company.” Maarteng sabi nito at sabay talikod sa amin.

Robert looked at me with a poker face. “let’s talk about this some other time. We have to go and meet lolo.” sabi ng binata sabay talikod sa akin at sumunod sa modelo.

Naiinis ako sa dalawa at maging sa sarili ko. Pakiramdam ko kinakawawa nila ako. Ngunit higit sa lahat hindi hindi ko maintindihan ang umuusbong na kakaibang pakiramdam sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang sakit na aking nararamdaman sa mga sandaling iyon. For the second time, he chose her and not me and it hurts deep inside. Heck., why am I feeling this way? Hindi ako ito. Pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha pero bakit para tuloy itong gripong sira na hindi naisasara. Geezz,.. bakit pati gripo naisali ko pa. Natatawa at naiiyak ako sa mga naiisip ko.

“Ayy tingnan mo yung babae, sayang anu? Ang ganda pa naman baliw nga lang.” narinig kong wika ng isang dalagita sa binatilyong kasama nito.

Dali-dali kong pinahid ang aking luha. Napagkamalan pa tuloy akong baliw. “tseee,. Hindi ako baliw noh?,. ganda kong ito” sabi ko sa dalawa.

“sori po ate, umiiyak kasi kayo tapos tumatawa eh. Ang putik niyo pa man din” sabi ng binatilyo.

“may malas kasi sa buhay ko. Siya ang may kagagawan nito.” Sabi ko sa dalawa.

FREUNDE SERIES 2: Lost In Your Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon