ahhh basta ito lng ang update kasi kailangan na nilang magkaayos ayaw kong gumagawa ng kwento na hihigit sa chapter 15.. :) o sobrang haba tapos ganun din ang ending. Katamad din kasi minsan mag-imagine na ikaw ang bida. lolllllzz,
sana magustuhan niyo, thanks for reading
_______________________________________________________
Punong-puno ng bisita mula sa showbiz industry at pulitika ang kasalan na maituturing na isa sa wedding of the year. Maayos na naidaos ang garden wedding sa hacienda nang mga Roxas sa Tagaytay. Marami ang bumati sa bagong kasal at abala sa pictorial pagkatapos ng seremonya. Samantalang ako ay hindi mapakali sa pag -alala para sa aking kaibigan dahil hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin nakakarating.
“Chrezzy wala pa ba si Joni? Hindi man lang ba nag text o tumawag sayo? Lowbat kasi phone ko eh” nag-aalala kung tanong.
Mukhang nabalisa din naman siya sa sinabi ko. Alam kong na trauma din siya sa pagkidnap kay Joni noon. Siya ang president ng organization na tumutulong sa nangangailangan kung saan naging member kami nila Joni. Sinisi siya ng pamilya nito dahil sa pagsama kay Joni. “malapit na daw siya nasiraan daw ng gulong hindi raw niya sinama yung driver niya kaya naghanap pa siya ng mag-aayos.”
“ganun ba, paki-text mo nga ulit. Itanong mo kung nasaan na siya. Nag-aalala lang kasi ako eh, alam mo naman ang history baka mamaya nahostage na naman yun at baka patayin ako ni Hitler pag may nangyari sa kanilang unica hija ako pa ang sisihin.” Birong-totoo kung wika. Si Hitler ay kuya ni Joni, super guwapo naging crush ko nga pero nawala din agad ang sungit kasi.
Nabakasan ko siya ng lungkot pero saglit din lang. “Hindi na kailangan, ayan na ohh.” Sabi niya sabay nguso sa direksiyon ni Joni.
Nakahinga na ako ng maluwag. “buti naman dumating ka na pinag-alala mo ako.”
“na traffic kasi ako palabas ng Manila tapos inabot ng malas na flat tire pa. Buti nga may tumulong sa akin eh.” sagot niya.
“Ahh ganun ba. Kung bakit naman kasi hindi pa sumama si Shyne at Dave sana may kasama ka.” naghimutok kung wika.
“Hayaan mo na okay lang naman ako. Intindihin mo nalang si Shyne todo bantay yun kay Dave at Sheena.” Nakangiti niyang sagot sa akin.
“Sabagay. Teka gutom ka na siguro kumain ka na kaya muna.” Sabi ko.
“Loka ka, pakakainin mo ako hindi ko pa nga nababati yung bagong kasal. Kung makapag-aya kang kumain na ako parang ikaw ang gumastos sa kasalang ito ah.” Natatawa niyang biro sa akin.
Natampal ko naman ang noo ko. “Hahaha oo nga pala. Hindi mo pa pala na meet yung groom ano? Si Aliyah palang kilala mo. Halika dalhin kita sa kanila para mabati mo.” Hinila ko ang kamay niya para dalhin sa direksiyon kung nasaan ang bagong kasal na kasalukuyang kausap si Robert na nakaharap sa direksiyon namin pati si Aliyah. Agad naman siyang ngumiti ng makita kaming palapit. Si Ivan naman ay nakatalikod sa amin at isa pang lalaki na sa tantiya ko ay kaedad lamang nila pero hindi ko makita ang mukha.
“Joni, I’m glad na nakarating ka na. Kanina ka pa namin hinihintay ni Aludy.” Bati ni Aliyah sa aking kaibigan sabay halik sa pisngi.
“Oo nga eh, medyo nagka-problema lang sa daan kaya na-late.” sagot niya pagkatapos nilang magbatian.
“Ganun ba I’m glad all is well now. Anyway, guys I’d like you to meet Joni Montelibano part time owner of Squisito and good friend of Aludy.” Pagpapakilala nito sa aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
FREUNDE SERIES 2: Lost In Your Eyes (Completed)
NouvellesHindi alam ni Aludy kung bakit madalas siyang lapitin ng away, gulo at kung anu-ano pang kamalasan sa buhay simula ng makilala niya ang arrogant fil-am na si Robert. Hanggang sa bumalik ang kanyang long time suitor na si Miguel at sa tuwina ay sinas...