Araw ng Linggo at tinawagan ako ni Shyne at niyayang lumabas na kasama siya. Pinaunlakan ko naman dahil halos hindi na rin kami nagkakasama dahil pareho kaming busy sa aming mga trabaho.
Tumitingin si Shyne ng mga damit at mukhang maaliwas ang mukha. Natutuwa akong makita siyang ganyan dahil alam kong hindi madali para sa kanya na malayo si Dave. “Ang saya ko talaga nitong nakaraang Linggo friend. Alam mo napanaginipan ko si Dave na nasa kwarto ko daw at pinagmamasdan akong natulog. Alam mo yung parang totoo lng kasi naramdaman ko yung hinahaplos niya yung buhok ko tulad ng dati pag nahirapan akong matulog.” tuloy-tuloy niyang kwento sa akin habang namimili ng mga damit sa paborito naming boutique. "At ito pa, eehh hinalikan niya ako sa lippsss..." kinikilig niyang sabi na pinipigilang tumili.
Lihim akong napangiti sa sinabi niya. “Tulog mantika ka kasi kaya akala mo panaginip lang” sabi ko na halos pabulong lang. Alam ko kasi na hindi nanaginip ang aking kaibigan. Napakunot noo naman siya marahil ay narinig pa rin niya ang sinabi ko.
Tiningnan niya ako. “anu ang sabi mo?" kunot-noo niyang tanong.
Nginisihan ko siya. "Sabi ko tulog mantika ka." pang-asar ko ko sa kanya.
"Gaga hindi ako tulog mantika noh. Kung inaasar mo ako sori ka na lang dahil hindi ako AFFECTED. Ang saya ko lang kaya para masira mo lang ang mood ko." parang timang niyang sabi na may malapad na ngiti sa labi. "Atsaka friend, noong nagising ako wala naman siya. Pero parang naamoy ko yung pabango niya. I missed him na sobra” sabi niyang may himig kalungkutan sa kanyang boses.
Naawa naman ako sa kanya. Alam kong mahal na mahal niya si Dave. "Okay lang iyan friend, miss na miss ka din noon."
Ngumiti naman siya. "Yeah, i know right. Mahal kaya ako noon." Sabi niya na ikinatawa naming dalawa.
“Shyne, panu mo ba masasabi kung inlove ka na talaga?” tanong ko.
Namilog naman ang kanyang mga mata. "“ohh my.. are you inlove”? balik tanong niya sa akin habang parang kumikislap na bombilya ang mga mata nito na naghihintay sa aking kasagutan.
Napalunok naman ako at napa-isip sa tanong niya. “Inlove nga ba ako?” hindi naman siguro. Ang alam ko lang ay naiinis ako kay Robert dahil sa tuwina ay hindi naiialis sa akin ang paraan ng paghalik niya. Naiinis ako sa kanya dahil lagi kong naaalala ang halik na pinagsaluhan namin. At lalo akong naiinis sa kanya dahil sa tuwing tinitikman ko ang aking mga niluluto naiisip kong ang kutsarang dumadaiti sa labi ko ay ang mga labi niya. Arrghh minsan naiisip ko nababaliw na yata ako samantalang ang matinong bahagi ng utak ko ay nagsasabi na marahil dahil sa gwapo siya at masarap siyang humalik kaya ako nagkakaganito. Tama,.. Yun lang siguro yun but that doesn’t mean na mahal ko siya.
“Hoy,.. nasa love planet na ba yang isip mo” tinig ni Shyne ang nagputol sa aking pag-iisip.
Sinimangutan ko siya. “Gaga hindi noh,. Hindi rin ako inlove at saka kanino naman ako maiinlove aber?” sagot ko na lamang habang kinukuha ko ang damit na naka hanger. Hindi ko alam pero nahihirapan akong tumingin sa kanya habang sinasabi ko iyon.
“hhmmpp.. sabagay sa ating tatlo ikaw yung walang puso. Kung makapagpalit ka ng boyfriend parang nagpapalit ka lang ng damit.” sabi naman niya pero mataman akong tinitingnan na parang may mali sa akin.
“Ouch naman" I said faking a hurt expression habang inilalagay ko pa ang kamay ko sa dibdib ko. "ganun ba talaga ako? anu ang magagawa ko eh sa maganda ako. Boys come and chase me, at saka walang masama kung pagbigyan ko ang sarili kong mapaligiran ng mga gwapong nilalang.” pabiro kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
FREUNDE SERIES 2: Lost In Your Eyes (Completed)
Cerita PendekHindi alam ni Aludy kung bakit madalas siyang lapitin ng away, gulo at kung anu-ano pang kamalasan sa buhay simula ng makilala niya ang arrogant fil-am na si Robert. Hanggang sa bumalik ang kanyang long time suitor na si Miguel at sa tuwina ay sinas...