thank you sa mga nagtyang magbasa. at thank u sa friend ko na siyang inspirasyon ko sa pagsulat ng estoryang ito dahil based ito sa kanyang tunay na buhay. Thanks thanks thanks,... im glad you are happy now and finally married after 5 years of living with him :) geezz he found the guts to marry u after all..
____________________________________________________
Pakiramdam ko ay namamanhid ang aking mga kamay at paa. Para bang may kung anong bagay ang nakakabit sa mga ito at hindi ko ito maigalaw. Inaantok man ay nakuha kung pilitin ang sarili ko na dumilat. Ganun na lamang ang aking nararamdamang kaba ng makita kong nakatali ang aking mga kamay sa may bakal na nasa may headboard ng kama. Ang aking mga paa ay nakatali sa dalawang paanan nito.
Kinakabahan ako hindi ko alam kung anu ang nangyari at paano ako nakarating dito. Naalala ko lang ay ang bachelorette party ni Shyne. Ang paglabas ko sa penthouse ng lasing dahil tinawagan ako ni Miguel. Sinabi ko naman sa kanya na kailangan kung lumayo para mapag-isa. Kailangan kong mag-isip kong tama pa bang manatili ako sa piling ni Robert kung may Althea itong minamahal. Napagkasunduan namin na magkita sa may garahe. Shit, naalala kong nawalan ako ng malay dahil sa kalasingan. Automatiko akong napaharap ako sa pinto ng ito ay nagbukas . Nagulat ako na si Miguel ang pumasok.
“Kumusta na ang aking magandang bihag.” Nakangising animoy drug addict nitong sabi.
“Mi..Miguel,. anu ang ginagawa mo? Anu ba ito joke? Pakawalan mo ako dito.” Kinakabahan man ay nakuha kong magsalita.
“Joke? Iyan ang tingin mo sa lahat ng bagay Aludy? Para sa iyo lahat pwede daanin sa joke.” Nanlilisik na matang sagot niya sa akin.
Napalunok ako dahil sa pinipigilan ko ang maiyak. “Bakit mo ako ginaganito. Wala akong kasalanan sa iyo.”
“wala nga ba Aludy? Minahal kita ng sobra-sobra. Pero anu ang ginawa mo, pinaglaruan mo lang ako. Pinag mukhang tanga. Bakit ALudy ha, dahil ba sa isa akong nerd kaya mo iyon nagawa sa akin?” nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang sinasabi lahat iyon. Nakaramdama ako ng sobrang takot. Ngayon ko lang nakita si Miguel na ganito.
“hindi kita maintindihan, hindi ko alam ang sinasabi mo. Parang awa mo na Miguel, pakawalan mo na ako dito.” Di ko na mapigilang umiyak.
Humalakhak naman ito “hanggang ngayon best actress ka pa rin. Pero sige Aludy, ipapaalala ko sayo ang ginawa mo sa akin noon. Mula first year hanggang second year wala kang ginawa kundi ipahiya ako. Pinapasunod na parang aso. Tagabitbit ng mga gamit mo. Taga-gawa ng assignments at projects mo. Ginagawa nyong katuwaan ng mga kaibigan mo. Ang sabi ko sa sarili ko okay lang basta malapit lang sayo dahil mahal kita ehh mahal na mahal.” His expression softened a bit at naalala ko lahat ng mga sinasabi niya. Yaahh I must be damn cruel to him.
“I’m sorry Migs,.. I didn’t know it was that bad. Bata pa kasi tayo noon and I do it dahil sa reputasyon ko sa school. But I’ve change MIgs,. If only I could turn back time I wouldn’t do it you. I’m sorry I really am.” Hilam sa luha kong paghingi ng tawad sa kanya.
“sana nga ganun lang kasimple yun Aludy.?” Hinubad niya ang kanyang damit “see this? This happened because of you” Sabi niya habang itinuro ang ibat-ibang pilat na nandun at isang pilat na may mahabang tahi.
“Hindi kita maintindihan. Bakit ka may ganyan? Paano yan nangya….?” bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay napahiyaw ako sa sakit dahil sa sampal na binigay niya sa akin.
“Cut the crap you fu*ckin bitch.” At sinampal niya ang kabila kung pisngi. Pakiramdam ko ay namanhid ako sa sakit na naramdaman ko. “you fuckin liar. Anu ang hindi mo maintindihan? Na pinaasa mo ako. Natatandaan mo pa ba ng third year tayo? sinagot mo ako. Ako ang pinakamasayang lalaki sa araw na iyon. Ang sabi mo pa nga tayo ang magiging partner sa ating junior’s prom hindi ba.? Ako naman itong si uto-uto naniwala sa iyo. Pero anu ang ginawa mo? Pagdating pala sa prom may kapareha ka nang iba at pinagtawanan nyo ang pagka uto-uto ko. Pati larawan ko na umiihi ay pinagkatuwaan niyo pang ipakita sa screen sa araw mismo ng prom. Hindi ka pa nakuntento ay pinabugbog mo pa ako sa boyfriend mong maangas pati ng barkada niya. Muntik na akong mamatay Aludy. Itong mga piklat na toh Aludy, ito ang nag silbing ala-ala ng kalupitan mo.” Nanlilisik sa galit niyang kwento sa akin habang ako naman ay umiiyak at hindi makapaniwala.

BINABASA MO ANG
FREUNDE SERIES 2: Lost In Your Eyes (Completed)
NouvellesHindi alam ni Aludy kung bakit madalas siyang lapitin ng away, gulo at kung anu-ano pang kamalasan sa buhay simula ng makilala niya ang arrogant fil-am na si Robert. Hanggang sa bumalik ang kanyang long time suitor na si Miguel at sa tuwina ay sinas...