Uno

4.7K 80 2
                                        

Chapter 1

Candice

"Hoy! Tulala ka diyan?" Natauhan ako when Emily snapped her fingers on my face. Busy kasi ako sa pag-iisip sa nangyari sakin a month ago.

"Huh? Lagi naman akong tulala sa pagkakaalam ko." I laughed at inayos ang eyeglasses ko. Sa mata ng iba, isa akong modern day Maria Clara.

Alam ko namang mag-ayos dahil siyempre isa akong office worker. Ang mahirap lang daw kasi sakin, masyado akong mahinhin, mabait at madaling bolahin.

"Dali na lunch na tayo." She said and grabbed my bag on my table.

"Dahan-dahan lang Emily mataas takong mo." I said habang pilit ko siyang hinahabol. Napatingin ako sa wristwatch ko it's already quarter to twelve.

Mabilis ang lakad niya na parang sanay na sanay na siya sa 6 inch high killer heels niya. Habang ako halos sumasakit na ang paa ko sa 2 inches lang.

"Candice Dianne! Dali na masasarhan na naman tayo ng elevator!!" She giggled. Tinanggal ko na ang sapatos ko at hinabol siya papasok sa elevator kung saan kapapasok lang ng CEO namin.

Lahat sila napatingin sakin, agad akong sumiksik sa pinakalikod, pinandilatan ako ni Emily na swertehang nakatabi ang Big Boss. Dahan-dahan kong ibinaba yung sapatos ko at sinuot yun.

11:45, exact time kung kailan pumapasok ang Big Boss dito sa elevator at halos siksikan ang lahat para makatabi lang siya.

Hindi siya maarte sa mga kasiksikan niya sa elevator, wag lang masyadong masikip at maingay.

"How about my appointment with Mr. Chan?" Halos mapatili lahat sa buo at sexy'ng boses nito. Si Emily patuloy ang pagpapacute sa gilid.

"Sir, he cancelled it a while ago, due to some personal matters." Sagot naman ng may itsura ding secretary nito. Si Rico, matalino ito at hardworking, papasa na rin ito sa pagiging model at artista pero gaya ng boss nito, masyado itong cold and snob.

"Better, I don't want to consider any of his proposals in the later." Matigas na sabi nito habang inaayos ang necktie.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi, napakainconsiderate at napakainsensitive naman nito?

Bakit kaya hindi niya na lang pakinggan yung rason kung bakit nito pinakacancel yung meeting?

"Then, what do you think it is? Is it something more important than being part of Olympus?"

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatingin na silang lahat sakin. Shet!! Naisatinig ko pala yung iniisip ko.

"So, miss? What can you say about this?" He grinned. Napalunok ako at tinanggap na lang ang mga dagger looks ng mga kaopisina ko.

"A-ah eh a-ang point ko lang naman p-po. Siguro may importanteng rason lang si Mr. Chan, like he's caught in a life or death situation? You should consider his excuse, cause maybe his proposal can benefit your company--"

Naramdaman kong may sumiko sakin kaya natigilan ako. Napatingin ako kay boss na ang sama na ng tingin sakin. Ngayon, sana mag-open yung floor at lamunin na ko!

Ang daldal mo Candice!

"What's your name miss?"

"C-Candice G-guerrero po." I gulped and fixed my glasses.

"Well, miss Guerrero, I don't fuckin' care about what you feel and thinking. And what ever Mr. Chan's damn reason is out of your fucking business. So stay out of this and shut your mouth." He said.

I froze as the elevator's door open. Nalaglag ang panga ko at tulala na lang habang nagsisilabasan na ang mga kaopisina ko.

"Halika nga dito!" Natauhan na lang ako ng hilahin ako palabas sa elevator ni Emily at halos itulak sa pader.

ZEUS: Bachelor's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon