Chapter 2
I want her
Napakurap-kurap ako ng marinig ang maingay na tunog ng kalawanging gate namin. Hindi ko na maalala kung pano ako nakauwi, kung pano ako nakaalis sa building at kung pano ako nakaalis sa harapan ni boss.
Saan ko nga ba nilagay yung prinint ko kanina?? Arrggghhh!! Candice malala ka na.
"Candice ikaw na ba yan?" Rinig kong tawag sakin ni Nanay mula sa loob.
"Opo!"
Agad naman itong lumabas at sinalubong ako ng hampas sa balikat. Ganyan kacool ang Nanay ko na napagkakamalang ate ko. Ganun na ba ko katanda tignan? O talagang babyface lang si Nanay?
I'm already 21 and si Nanay nasa 39 pa lang. Mapagkakamalan talaga kaming magkapatid sa age gap namin. Maagang nabuntis si Nanay noon at tinakbuhan pa siya ng lalaking nakabuntis sa kanya at ang mas malala, itinakwil pa siya nina Lolo. Galit ako sa mga magulang ni Nanay at sa walang kwenta kong Tatay. Kung pwede lang sana wag na silang magpakita sa amin.
Ayoko silang makita, wala silang karapatan samin at wala na rin akong pakealam sa kanila.
"Bata ka! Anong oras na ah?!" She yelled at hinampas ulit ako sa balikat. Adik si Nanay sa mga koreanovela kaya pati ang mga pananakit sa mga bata dun nagagaya na niya,
"Yaahh! Nanay naman eh! Sinabi ko na inyong wag mo kong sasaktan sa labas ng bahay! Pano kung may makakita sating kapitbahay?!"
"Anong oras na kasi bakit ngayon ka lang?!" Hinampas ulit niya ko sa balikat kaya napatakbo na lang ako papasok habang minamasahe yung balikat ko.
"Nanay naman eh! Pagod ako! Nagovertime kaya ako kasi napagdiskitahan na naman ako ng manager namin!" I pouted habang inilalagay yung bag ko sa sofa. Tinanggal ko yung sapatos ko at siniksik sa ilalim ng couch.
"Oh ano? Eh kumain ka na? Dapat sana nagtext ka kasi!"
"Nay." I said and hugged her. "Parecharge muna ng energy Nay, I'm exhausted." Naramdamn ko na lang ang banayad na paghaplos ni Nanay sa buhok ko.
Dadalawa na lang kami ni Nanay sa buhay, siya na ang nag-iisang bumuhay sakin since nabuntis siya. Wala siyang natanggap na tulong mula kina Lolo, yun lang 2 million pesos na naiwan sa bank account niya, na pinampuhunan niya sa negosyo niyang botique. I just can't imagine how hard her life is habang pinagbubuntis niya ko. Kung saan si Tita Miley lang ang kasama niya, Tita Miley is Emily's Mom.
"Nay anong niluto mo?"
"May gana ka pa bang kumain?"
"Kailan ba ko nawalan ng gana sa luto niyo?" I grinned kaya tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Nagmana ka talaga sa Tatay mong bolero." She chuckled.
Natigilan ako sa sinabi niya. Etoh na naman, sawang-sawa na ko sa topic na yan. Magkwekwento na naman yan kung ganu kagwapo ang Tatay ko, kung gano kasweet, kung gano kabait, etsetera.
"Nay, kumain na lang tayo. Bawal magmura sa harap ng hapagkainan." Narinig ko siyang bumuntong hininga bago tumayo at kumuha ng isang pitsel ng juice sa ref.
"Kailan mo ba mapapatawad ang Tatay mo, Candice?"
"Nay, please. Ayokong pag-usapan toh." I almost rolled my eyes.
Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga ni Nanay. Ayoko na siyang nakikitang nasasaktan at nahihirapan sa kakaisip sa walng kwentang lalaking yun, sa walang kwentang pamilya niya.
We ate quietly, I know kating-kati na ang dila niyang magsalita pero alam kong natatakot din yang magalit ako.
"Ako na maghuhugas Nay, magpahinga na lang kayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/21188325-288-k791621.jpg)
BINABASA MO ANG
ZEUS: Bachelor's Game
Fiction généraleThis is my first GenFic story, may contain parts that are not suitable for very young audiences parental guidance is strictly adviced. XD Olympus Trilogy, first story. First story po dahil as usual Trilogy nga XD. OLYMPUS TRILOGY ZEUS: BACHELOR's G...