Kabanata 1: Ang takdang panahon

62 7 4
                                    



Maaga pa lang gumigising na ako para pumasok sa eskwelahan. Mga 3:30 pa lang ng madaling araw gising na ako para maghanda at mag-ayos ng sarili, pero pakiramdam ko ayaw ko ng gumising kahit kalian. Bakit? Kasi ikaw ba naman ang gumising ng ganyan kaaga, pero nasanay na rin ako dahil sa paulit ulit na nakagawian ko mula nung pumasok ako sa kolehiyo. Pero kung may isang taong mas maaga pa sa madaling araw gumising –Yun ay si Felipe Olivarez Reyes, na mas kilala bilang 'Mang Ipe'.

"O hijo, gising ka na pala! Halika na at mag-almusal ka dahil malayo ka pa, at tsaka sumabay ka na rin sa akin dahil may aasikasuhin ako kina Mang Ondoy." Kitams?

Nasabi pa niya yun kahit tulog pa ang haring araw at mahimbing na natutulog pa ang mga mamamayan ng Aguinaldo Poblacion.

"Ay salamat na lang ho 'tay..." Nahihiyang sagot ko.

"May kotse naman po ako tsaka di pa naman po trapik kasi madaling araw pa naman." Pagdadahilan ko.

(*Natawa si Mang Ipe)

"Coding ka ngayon iho. Nalimutan mong Lunes ngayon." Tumawa ulit si Mang Ipe

Hays. Di ko akalain na wala pa rin siyang pinagbago, pero nung tinuruan niya ako ng mga self-defense, at humawak ng baril napaka-seryoso niyang tao kahit ang paglipat ng balisong sa kamay naturo na niya sa akin. Siya ang taong tumulong para patatagin ako mula nung pagkabata hanggang sa tumanda ako kasama ko siya. Kahit mula nung mangyari ang nakakagimbal na trahedya ng pagkawala nila Mama at Papa, iniligtas niya rin ako at hindi iniwan sa kapahamakan nung maganap iyon.

"Gising ka na rin pala Roni. Lunes na Lunes bakit parang Biyernes Santo na agad ang mukha mo?" Pabirong gising ni Mang Ipe sa anak niya.

"Wag mo akong biruin ng ganyan 'Tay gulpihin kita dyan ehh." Sagot ni Roni

"Sige nga gawin mo. Ni isang suntok mo nga hindi pa nakapagpatumba sa akin." Pang-aasar ni niya.

Ganyan talaga sila kahit kailan... Ganyan nila ipinapakita ang relasyon nila bilang mag-ama kahit saan. Tuwing Sabado ng umaga nag-eensayo sila at kasama na ako doon, pero minsan bihira lang ako sumama dahil madami akong ginagawa.

"Siya nga pala Toshiro, sa susunod na linggo na ang anibersaryo ng pagkamatay ng magulang mo. Kailan ka pupunta?" tanong ni Mang Ipe sa akin

"Mauuna na kami ni tatay papunta sa Lucena para kumustahin ang lugar" dagdag ni Roni

"Ahhmm susunod na lang ako doon. May aasikasuhin lang ako tapos magpapaalam lang ako sa teacher ko na isang linggo lang ako mawawala." sagot ko.

Bigla na lang akong natulala habang nanguya ng pandesal, muling nagbalik sa akin yung mga alaala kung paano pinatay sila Mama at Papa. Naiipon na naman ang galit ko dahil sa trahedyang iyon.

(Tinapik ako ni Roni)

"Wag masyadong mainit Toshi... Maghintay lang tayo ng konti, malapit na tayong bumawi sa kanila." sambit ni Roni

"Kalma lang hijo, ito na ang takdang panahon para pagbayaran nila ang pagkamatay ng magulang mo" nag-iinit na sinabi ni Mang Ipe.




A/N: Hey wassup!!! This is my first story and hope you like it. Please don't forget to vote, and yung chapter 2? Mamayang tanghali na lang yata, madaling araw pa lang ngayon ehh. 
Hahahaha oo nga pala... Good morning ;) 

Mga Maskarang MapanlinlangWhere stories live. Discover now