Kabanata 7:

17 2 2
                                    

Roni's POV

Nasa ospital kaming lahat at hinihintay magising si Eli, yung iba ginagamot dahil may mga pasa at sugat. Mabuti at dumating yung School nurse namin at na-gamot agad si Eli.

"Ayos ka lang? May pasa ka, teka hihingi ako ng yelo para maagapan," pag-aalala ni Anya, "Wag mo akong intindihin. Maliit lang 'to kaya wag ka mag-alala... Ikaw dapat ang gamutin dahil nakita kong sinaktan ka ni Kyle kanina," sabi ni Andrei, "Kung hindi ako dumating baka napano ka... Sa susunod mag-iingat ka na baka ano pa ang gawin nila sayo ehh... Hindi ako papayag na mawala ka." 

(Namula bigla si Anya at ngumiti naman si Andrei)

Nakita ko naman si Toshiro naka-upo at hinihintay si Eli gumising, makikita mo talaga na may malasakit siya sa kaibigan. Ako naman hindi ko pa rin malimutan ang nangyari at yung muntik na akong madisgrasya kung hindi humarang si Eli ehh sigurado ako yung naka-higa ngayon at walang malay.

"Huy! Ang lalim ng iniisip mo ahh, meryenda ka muna. Ito hotdog sandwich tsaka softdrinks," binali ni Vinnie yung pag-iisip ko sabay abot ng meryenda, at umupo siya katabi ko, "Iniisip mo pa rin yung nangyari? Alam mo pasalamat ka sa kanya kung hindi dahil sa kanya ikaw na yung naka-higa dyan..." dagdag pa niya, "Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi niya yun ginawa baka kung saan pa ako humantong."

Maya-maya dumating na si Sir Jonathan at Ma'am Mapagmahal... Mukhang may masamang balita, masama kutob ko dito. "Kayong lahat, makinig. Kumalat yung video sa Internet at agad na pumunta ang mga magulang ng mga naka-sagupa niyo at pati na rin ang mga magulang niyo. Ngayon sila ay nasa Dean's Office at nag-uusap." ang anunsyo ni Sir Jonathan sa aming lahat

"Pero, paano yu--,"

"Tinatawagan na namin yung magulang ni Eli, subalit hindi pa sila sumasagot sa amin. Pero sa ngayon babalik tayo sa Campus at pupunta sa Dean's Office para magbigay ng pahayag tungkol sa nangyari," ang sabi ni Ma'am Mapagmahal

"Isa ka pa Toshiro. Kailangan mong mag-report sa akin dahil ikaw ang nakakita sa nangyari bago ang trahedya." Sabi ni Sir Jonathan

Bago kami umalis nang biglang...
"Toshiro... Salamat." Si Eli yun.
Ngumiti kami sa kanya bago umalis, ganun din ang ginawa niya pabalik.

-After 2 Months-

Medyo bumalik na rin sa dati ang lahat, nakaka-attend ng mga meetings ng club, nakakapagbasa ng libro (ng tahimik at walang nag-iingay), at may nadagdag. Sila Vinnie, Andrei, Anya, at Eli.

Madalas na namin silang kasama ni Toshi after ng nakaraang gulo. Speaking of nakaraang gulo, na-kick out na sila Kyle Steven sa school. YES. TOTOO PO ANG NABABASA NIYO.

So ngayon tuwang-tuwa ang lahat dahil wala ng manggugulo, at ako naman ay nagyayaya na pumunta ng Bar kaming lahat . Mamayang gabi, at sinabi naman ni Vinnie magsuot daw kami ng something nice.


A/N: Wala lang gusto ko lang uminom. Anyways, good morning.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Maskarang MapanlinlangWhere stories live. Discover now