Kabanata 4: Magsanay para lumaban

28 4 1
                                    

Nasa puntod na kami nila Mama at Papa kasama si Roni at Mang Ipe. Yung iba susunod na lang daw dahil may hinanda sila Tiyo para mamayang hapunan... Nagsindi na kami ni Mang Ipe ng kandila at naglagay ng bulaklak pagtapos nun umupo na ako sa tabi ni Roni para magpahinga. Ang ganda ng bukang liwayway sa tuwing nasisilayan, habang nakatitig kami umakbay si Mang Ipe sa aminng dalawa.

"Ang ganda noh?" sambit ni Mang Ipe

"Oo nga ehh, parang nakakawala ng problema." sabi ni Roni

"Ito ang tatandaan nyo... Sa kabila ng lungkot dahil sa mga nagdaang pagsubok o problema, alam mong napapagod ka na. Alam mong nanghihina ka na at ayaw mo ng lumaban. Pero sa kabila ng lahat ng iyon laging sisikat ang araw para bumangon ka... Para pangitiin ka... Sabihin na lalaban ka at babawi ka kahit nanghihina ka na." pangaral niya sa amin

Napangiti ako dahil sa sinabi niyang iyon dahil tinamaan ako. Bakit? Mula nung mawala sila Mama at Papa nalimutan ko na ngumiti, tumawa, at sumaya kahit pansamantala. Naging bato ang isang kagaya ko... Sa madaling salita "BITTER" sabi ng karamihan. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil andyan sila para pasayahin ako... Para gumaan ang bigat na dinadala ko.

Isang linggo ang nakalipas

Nakabalik na kami sa Imus, Cavite pero hindi pa ako pumapasok dalawang araw na ang nakalipas. Ewan ko hindi ko rin alam, pero lumabas na ako ng kwarto bumaba na para mag-almusal at maghanap ng pagkaka-abalahan. Paglabas ko ng terrace nakita ko si Roni nakikipag-sparring kay Mang Ipe...

Mabilis ang mga suntok ni Mang Ipe at talagang tumutunog sa hangin, (A/N:woah hahaha) samantalang si Roni ang malakas sumipa mahina naman ang depensa. Dahil sa bilis ng mga suntok hindi niya magawang umilag.

*Pak* -masakit na suntok yun... Sa panga nadali

"Argghhh!!!" pagsugod ni Roni nagpakawala si Mang Ipe ng right-straight punch pero nakailag siya at sumuntok sa sikmura. Hays sa wakas naparuhan din si Mang Ipe, nanginginig ang mga tuhod niya dahil doon.

"Paano ba yan 'tay. Tumatanda ka na." pang-aasar ni Roni

Sumugod si Mang Ipe para bumawi pero biglang -- *tuugshh* sinipa sa tadyang na talagang nagpa-bagsak kay Mang Ipe.

"Argghh!!!" namilipit sa sakit si Mang Ipe

Dali-dali akong tumakbo para tulungan siya pati na rin si Roni.

"O Toshi, magandang umaga." bati ni Roni

"Ano hijo, tutal wala kang pasok handa ka ba mag-sparring? Sige na, para makapag-ehersisyo ka" paanyaya ni Mang Ipe

"Oo nga Toshi, para matanggal ang stress mo dahil sa sandamakmak na gawain sa Campus." dagdag ni Roni

"Sige payag ako." Yun napa-oo rin ako. Tutal matagal ko na rin hindi nakasama mag-sparring ang dalawa, kaming dalawa ni Roni ang magkasama sa pagsasanay ni Mang Ipe kahit nung bata pa kami.

"At yung sinabi mo sa akin na tumatanda na ako, nagkakamali ka kaya ko pa." bawi ni Mang Ipe

"Tignan natin." sabay namin sinabi ni Roni

Makalipas ang 3 minuto natalo kami ni Roni kahit natamaan na siya sa tadyang nakalaban pa rin siya. Napagsabihan tuloy kaming dalawa sa mga pagkakamali namin.

"Roni, ang lakas nga ng mga pag-sipa mo pero kulang ka sa depensa."

"Toshiro, konting bilis pa." Pangaral ni Mang Ipe sa amin

"Sa buhay hindi lang kayo dapat laging bumira, matuto kayong dumepensa para hindi kayo laging bumabagsak at mananatiling matatag." Iyan ang huling binitawan ni Mang Ipe sa amin ngayong araw na ito.

Kinabukasan nag-desisyon na ulit ako pumasok at para harapin ang panibagong yugto ng buhay ko. Naalala ko bigla yung sinabi ni Mang Ipe nung nasa Lucena kami... "Laging sisikat ang panibagong araw kasama ng pagbangon mo sa buhay, at darating din ang oras na ito'y lulubog gaya ng pagtatapos ng laban mo. Sa susunod siskat ulit ito para lumaban ka muli at mauulit pa rin ito ng mauulit hangga't hindi natitigil ang pakikipaglaban mo." Teka, sa totoo lang sinabi ko lang ang pagkakaunawa ko sa sinabi niya pero hindi ito yung totoong sinabi niya.

Magandang umaga, halina kayo at bumangon! Harapin ang bagong yugto at ibigay ang makakaya mo hanggang matapos ito.



A/N: Magandang umaga sa inyo! Ayun nga po ang oras po ngayon ay 4:50 ng umaga at naiisip ko na po ulit ang susunod na Kabanata dahil sa mga susunod na araw ay matagal na naman po akong hindi makakagawa. Ang sakit! Pero pangako babalik ako para sa inyo dahil mahal ko kayo. ;) Sana magustuhan niyo at paki-usap "Click Vote" para sa Kabanatang ito, at paki-follow ako here in Wattpad and also... Di bali na lang.

GOD BLESS and GOOD MORNING!

Mga Maskarang MapanlinlangWhere stories live. Discover now