Kabanata 5: Mga kasama!

44 3 9
                                    

So abala ang buong Journalist para sa susunod na isusulat namin sa dyaryo, at upang maipakilala ang mga estudyanteng nakilahok sa mga kumpetisyon. Una ang Team Captain na si Vinnie na kinakausap tungkol sa pagkapanalo ng kanyang team sa Men's Volleyball League sa Regional na kung saan siya ay iniinterview ni Alexa sa court ng Campus. Matulis ang dila niya sa pagsasalita habang nakaka-panayam marami ang naiinis sa kanya, pero may isang babaeng nakatitig sa kaniya habang kinakausap siya ng mga Journalist... Cute siya, singkit ang mata, at maputi ang kanyang balat. Siya ang spiker ng Girls Volleyball --walang iba kundi si Anya. 

Balita ko may pagtingin ito kay Vinnie dahil lagi niya itong tinititigan kapag may training sila. Minsan na silang magkasama sa isang Practice game, isang beses nakita ko sila magkausap sa hallway, at sumunod naman sa cafeteria. 

"Vinnie may laro ka ba mamaya?"

"Oo kailangan ko kasi mag-training andun mga fans ko ehh. Nood ka ahh para makita mo ako kung paano ilampaso ang kalaban ko. Hahahaha" ang hangin ni Vinnie habang nagpapagpag sa polo niya. Ang sagwa hindi bagay.

Ang sumunod naman ay si Andrei na kung saan bumida ang kanyang Obra Maestra sa CCP nung nakaraang araw. Kinakausap naman siya ngayon Kate at kumukuha ng litrato si Venise sa kanyang Obra Maestra. Ngunit nasisira ang pag-interview sa kanya dahil sa tuwing dadaan si Anya ay nababaling ang kanyang atensyon. Hays. Isa nga lang siyang taga-pinta ng imahe, at hindi ng isang tadhana. (Humugot pa)

Akalain mo nga naman hindi rin magpapakabog ang ultimate heart-throb MVP ng Basketball. Walang iba kundi ang matalik kong kaibigan na si Roni. Pagdating niya sa gym nagtitilian na ang mga dilag sa dala ng ka-pogian ng taong ito. Imbis na makahirit ang Journalist na si Tristan naaapakan dahil sa mga nagtatakbuhan na mga babae. Buti na lang andun si Sophie para tulungan siya at hindi lang yun sinamahan pa sa Clinic ang kaawa-awang Tristan.

"DESTINY" Wala namang masama sa kanila, si Sophie: Maputi ang balat, balingkinitan ang katawan, mala-rosas na labi, may mahabang buhok, at nakakabighaning mga titig ng kanyang mga mata. Samantalang si Tristan... Makikita sa hitsura niya ang mga pisikal na katangian ng isang lalaki ang problema lang, may pagka-lampa kumpara kay Sophie na talagang palaban. 

Aminin ko man o hindi may posibilidad na magustuhan nila ang isa't isa. Sige tama na nga ito at masyado ng umiinit ang tensyon sa gym dahil sa pagiging "HEART-THROB" ni Roni, kaya pupunta na ako sa Journal's Office para gumawa ng article tungkol sa pagbawas ng mga gawain ng mga guro. Habang papunta ako sa Office naririnig ko ang pagtugtog ng isang piano... Nanggagaling iyon sa Music Room... Napaka-lumanay ng tugtog ngunit tila itong awit na kay lungkot. Isa lang ang kilala kong ganito tumugtog --walang iba kundi si Ellie ng BS Computer Science. 

Lagi ko siyang naririnig tumugtog, nakaka-gaan ng pakiramdam ang pag-tugtog niya subalit napaka-bigat ng dinadala niya... Parehong nasa abroad ang mga magulang niya at siya lang ang mag-isa ang bumubuhay sa sarili niya. Nagpapadala naman ang mga magulang niya pero nagkukulang siya sa pagmamahal ng pamilya, magkapareho kami ng ugali pero magkaiba kami ng dahilan kung bakit kami nangungulila.

Hindi ko na siya masyado pinansin dahil kailangan ko magmadali. Dali-dali na akong tumatakbo sa hallway dahil pagtapos nun ay didiretso na ako sa klase ko, pero sa sobrang pagmamadali ay nabangga ko na naman ang numero unong kalaban ko sa Campus. Siya lang naman ang sikat na Bise-Presidente sa Campus --si Angela De Guzman. Nagtinginan lang kami at umalis na pero...

"Hoy ikaw!" napatigil ako bigla

"Hindi ko pa nalilimutan yung ginawa mo manyakis ka." 

Ako? Manyakis? Ehh ilang beses kong uulitin na siya yung na-aksidente at hindi ako ang humalik sa kanya dahil hindi yun sadya. Hayss bahala na nga, ayoko masayang ang oras.

A/N: Isa na namang Kabanata! Siguro dito na lang muna, baka maging busy ako dahil sa school kaya siguro pahinga muna. Wag kang mag-alala mahal kita (mahal ka ba?) pagbalik ko magsisimula ulit tayo. Alam mo yan. Wag ka nga lang lumimot na mag-Vote at magcomment kung ano ang nais mong sabihin o kung ano ang iyong nararamdaman wala akong problema dun. Mahal kita :D






Mga Maskarang MapanlinlangWhere stories live. Discover now