Kabanata 6: GAME OF THE DAY: BASAGAN NG ULO

25 2 2
                                    

Toshiro's POV

Malapit na mag-alas singko ng hapon at naglalakad na ako sa hallway papalabas ng Campus nang biglang narinig kong may nag-susuntukan sa likod ng building. Boses ni Kyle Norman yun, at nagulat ako sa nakita ko --si Eli ginugulpi habang hinahawakan ng dalawa niyang alipin. "Ano? Papalag ka? Akala mo kung sino ka, 3rd year ka lang dito." Sambit ni Kyle, "Eh ikaw 2nd year ka lang. Porket inaanak ka ng Senador kaya mo ang lahat? Sira ka pala ehh." Sinapak ulit siya dahil sa sinabi niyang yun. Pinagtatawanan siya ng dalawang alipin na naka-hawak sa kanya, isama mo na yung dalawang alipin na nanonood din. 

"Eh ano ang paki-alam mo? Tsaka bakit ka ba pumasok sa school na ito? Loser ka alam mo ba yun?" Sabay tawa ng malakas kasama ang mga alipin niya. Mga demonyo talaga itong mga hayop na ito. "Sige lumuhod ka na lang. Kung ayaw mo papipiliin kita sa dalawa: BUGBOG O DIGNIDAD?" Pinapili pa talaga si Eli ng mga demonyo "Ayaw mo magsalita. Sige bugbog na lang, lalagyan ko ng twist para enjoy" Tumitig lang si Eli "You are so weak! Hindi mo kami kaya dahil walang tutulong sayo. MAG-ISA KA LANG."

 Pagtapos niyang sabihin yun binitbit niya ang isang baseball bat at nakahanda na siyang hampasin si Eli nang biglang sumugod ako. "Anong iskandalo ito?" Nagulat silang lahat sa pagdating ko, "Sira ka ba? Wag kang makiki-alam dito baka gusto mong matulad sa talunan na ito. Ay, sabagay mukha ka rin palang talunan! HAHAHAHA!!!" Hindi na ako nakapag-pigil, agad ko na siyang sinapak at pinaligiran na ako ng apat na alipin. Hindi na kami nagsalita dahil nagkakagulo na sa likod ng Campus, ako lang ang lumalaban sa apat at si Kyle? Nanonood habang nilalabanan ko ang apat, si Eli nakatitig lang dahil hindi makapaniwala sa nagaganap.

*Bugsh* 

"Anong nangyayari dito?!" Sa wakas dumating din si Roni, "Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala nakikipag-basagan ng ulo." "Pasensya na! Pauwi na ako nang biglang nakita kong ginugulpi ng mga ungas na ito si Eli." Pagdadahilan ko sa kanya. Sa ngayon kaming dalawa na ni Roni ang pumupulbos sa apat, dahil din doon sumama na sa away ang demonyong Kyle. Muntik na akong mahampas ng baseball bat buti naka-ilag ako at pinigilan siya para bitawan ang bat. Hinablot ako ng isang alipin sa likod at bumagsak ako bigla, tatadyakan na sana ako kaso may tumulak sa kanya.

"Hays! Toshiro bakit kayo lang ang naglalaro? Hindi niyo ako sinasali rito ehh." Agad sumali si Vinnie sa gulo at tinatadyakan ang mga alipin ni Kyle... Ewan ko kung tumutulong ba ito o nakikigulo lang para makahanap ng sakit ng katawan. Sinapak tuloy siya at nagdugo ang labi niya... 

"Hoy!!! Wag niyo sila sasaktan!!!" Anya? Kung asan talaga si Vinnie naroon din si Anya eh, ngunit sa kasamaang palad sinampal siya ni Kyle. Bigla namang sumulpot si Andrei at binigyan ng flying kick si Kyle, dumating din pala ang ibang estudyante kasunod niya, pero imbis na umawat nanood pa at kumukuha ng mga litrato at videos. Parang WWE, Live pa via Live Stream sa Facebook. Pero hindi pa rin tapos ang gulo pero salamat at dumating sila Vinnie, Andrei at Anya? Para tumulong pulbusin ang limang demonyo ng Campus... 

Maya-maya biglang naglabas ng balisong ang isa sa mga alipin at sasaksakin si Roni nang biglang... 

"HUWAG!!!" 

"Ahhh!!"

"Hoy!! Tigil!!!" Dumating sila Sir. Jonathan at Ma'am Mapagmahal kasama ang Dean ng Campus.

"Hindi pa tayo tapos!!!! Tandaan mo yan." Huling salita ni Kyle sa akin bago siya tumakas kasama ang apat na alipin niya.

"Toshiro! Si Eli!" Bigla akong nagimbal dahil si Eli ay walang malay at may saksak sa tagiliran. "Sir! Dalhin natin siya sa clinic." Agad naming binuhat si Eli papuntang kotse, binigay ko kay Roni ang susi para kunin ang kotse ko sa parking lot para madala si Eli sa ospital.


A/N: So kumusta mga kaibigan!!! Ako'y muling nagbabalik at humihingi sa inyo ng paumanhin. Kung bakit ang tagal ng aking update sa kadahilanan ay... Medyo naging busy ako sa school at medyo nawalan lang ako siguro ng: INSPIRASYON, ORAS, AT LAKAS NG LOOB upang hindi ako makapag-update. Tsaka medyo natagalan ako dahil nag-iisip ako kung paano na mahahanap ni Toshiro ang pumatay sa magulang niya, pero PANGAKO!! MALAPIT NA! MALAPIT NA MALAPIT NA.

Sa ngayon bubuhayin ko lang muli ang kwento dahil tila nangungusap na rin sa akin si Toshiro at ang mga taong mahalaga sa kanya para tapusin ang kwento... Kaya heto ako ngayon pinagpapatuloy ko ulit. Kaya samahan niyo akong muli at tulungan si Toshiro na hanapan ng sagot ang mga katanungan sa kanyang isipan, sa pagkamatay ng kanyang magulang, at kung sino ang nasa likod ng mga pangyayaring ito.

GOD BLESS AND WELCOME BACK TO ME ;) 

Mga Maskarang MapanlinlangWhere stories live. Discover now