Chapter 6

27 1 0
                                    

"wahahaha! tapos dai? di siya nahiya teh? wahaha!"

aish, ang ingay talaga ng baklang to, nandito nga pala kami sa ice cream parlor, sabado kase ngayon. tas kinwento ko yung pinabili ko si shiro ng napkin, ang bakla namang ito! parang NAKALUNOK NG MIC  sa laki ng boses! kanina pato! sarap sapakin. 

pagkatapos naming mag bonding ni paola ay pumunta muna ako sa bahay nila shiro, bago ako pumunta sakanila bumili muna ako ng paborito ni shiro na Bubble tea, yung taco flavored. paborito namin to eh. ayun nga, dumeritso agad ako sa bahay niya. pagdating ko, nadatnan ko siyang nandidilig sa halaman nila. 

"espreeeen!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sakanya tsaka ko siya tinalunan! kaya natumba kaming dalawa, ang nangyari pa ay, nakapatong ako sakanya. mga ilang seconds din yun. pero tumayo ako bigla kase naman ati ang lapit na ng mukha namin, kulang nalang mahalikan ko siya sa labi niya. pagtayo ko kinuha ko ang bubble tea na nasa bench tsaka ko binigay sakanya.

"salamat espren! i love you na talaga!" napatingin naman ako sa huling sinabi niya. pero bigla siyang ngumiti at nag peace sign.

"joke hehe" sabi niya. ngumiti nalang ako. pagkatapos naming ubusin ang bubble tea. nagpatuloy siya sa pagdidilig ng mga halaman, habang ako naman kinukulit siya, kase nman! gusto kong mag movie marathon kami! siya naman puro mamaya ang sinasabi! kaya kanina pa ako dito sa likod niya. 

"mamaya na kase espren" oh see? -__-

"aiish! sige na please! espren please!" sabi ko tsaka ako sumakay sa likod niya! 

"ano ba espren! bumaba ka nga dyan!" sabi niya, habang umiikot'ikot habang hawak yung hose. hhmp! bhala ka jan!

"sigeee na kase!" pangungulit ko,

"ayaw mo talagang bumaba jan sa likod ko noh?" tanong niya. 

"ayoko talaga!" pagmamatigas ko. nabigla ako nung bigla niyang hinarap saken ang hose, kaya nabasa ako at napabitaw sa likod niya. waaaaaaah! basa na ako! tumawa naman siya. kaya kinuha ko naman yung isang hose. tsaka ko hinarap sa mukha niya. hmp! akala niya siya lang ha? so, ang nangyari nagbasaan nalang kami. tawa, takbo yan lang ginawa namin dito sa garden nila. basang basa na nga kaming dalawa eh. 

pagkatapos nun, nandito kami sa kwarto niya. magbibihis na kami. 

"oh yan suotin mo!" sabi niya tapos binigay saken ang white t-shirt at tsaka jersey short na black. huhubarin ko na sana ang suot ko na basa kaya lang bigla kong naalala nandito pala si shiro. pagtingin ko sakanya, naka topless nalang siya, kaya dali'dali akong tumalikod namula nga ata ako eh! kase naman, ang ABS niya teh! >////< 

"hoy espren! magbihis kana!" sabi niya, nakatalikod parin ako.

"t-tapos kana ba?" tanong ko sakanya

"oo, kaya magbihis kana! giginawin ka pa niyan!" 

"p-pano ako magbibis eh andyan ka! umalis ka nga muna!" 

"suuuuuus! nakita ko naman yan lahat eh!" 

nang init naman mukha ko sa sinabi niya. waaaaaah! ~ 

"WAAAH! YOU'RE SUCH A PERV! LABAS! SHOO!" sigaw ko habang nakanguso. tumawa naman siya at lumabas. kaya nagsimula na akong nagbihis. ang laki ng t-shirt ko pati narin tong jersey! -_- aish, okay nato kesa naman maghubad ako. kaya lumabas na ako sa kwarto niya. linapitan ko naman siya sa kusina,

"hoy, anong ginagawa mo?" tanong ko saka ako umupo dito sa kitchen counter katabi ng kitchen sink nila. 

"nag titmpla ng kape! obvious ba espren?!" sarcastic na sabi niya. ay, oo. umuulan na pala. kaya ang ginaw. binatokan ko nalang siya.

"aray! ajuju. napaka sadista mo talaga!" sabi niya sabay nguso. asuuus! ang kyot! hihi.

"tara na sa salas?" shiro

"buhatin mo ako!" sabi ko tas nag pout dagdagan mo pa ng beautiful eyes. wahaha >:P

"kahit anong pakyut mo jan di kita bubuhatin!" sabi niya tas dinala ang kape dun sa salas. waaaaaah! di siya na kyutan! >3< 

bumaba nalang ako dunn sa counter tsaka lumakad ng padabog papuntang sala. hmp! tampo mode activated! umupo ako dun sa sofa tsaka nag cross arms tsaka ngumuso. 

"anlaaa?! tampo mode lng ang peg espren?" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. tinignan ko nalang siya ng masama. 

"halika ka nga dito! gusto mo talagang magpabuhat ha?" sabi niya habang nakangisi, tsaka siya lumapit saken at binuhat. yung parang baboy na buhat ba? -_- kaya nagtatadyak'tadyak ako kahit di ko naman siya masipa. 

"waaaaah! sinabi ko bang parang baboy na buhat shiro ha?! waaaaah! baba mo ako!" sigaw ko, siya naman nag ikot'ikot. waah! tae ka shiro! 

"ito gusto mo diba? wahaha!" waaah ~ 

"shiro?! tae ka talaga! pag di mo pa ako binaba! patay ka saken! pagbilang ko ng Isa?! dalawa?! tatlo?! waaaaaaaaaah!" ikaw ba naman ihulog sa sofa! 

"wahaha!" tawa niya, sabay takbo! patay ka saken! ugh! kumuha ako ng malaking unan, tsaka ko siya hinabol! paikot'ikot kami dito sa dining table nila. tumakbo naman siya papuntang CR kaya dali'dali ko siyang sinundan at shooot! timing! nakapasok ako sa CR! wahaha! nag evil smile nalang ako habang papalapit sakanya, siya naman paatras ng paatras. at shooooot! na slide siya, tatawa na sna ako pero kumapit siya sa kamay ko kaya na slide rin ako, at sa ngayon! siya na ang nakapatong saken. nag titigan kami sa isat'isa habang hinahabol hininga namin dahil sa kakatakbo. naamoy ko pa ang hininga niya ang bango ~ nabigla ako nung bigla siyang pumikit at dahang dahan linapit ang mukha saken. oh nooo ~ kaya pumuikit rin ako at naghihintay sa gagawin niya. . kaya lang, parang ang tagal! kaya binuksan ko ang nakapikit na mga mata ko, pag mulat ko ko, nag evil smile siya at hinalikan ako sa pisngi, 

"ang cute mo" tsaka siya ngumiti. 

*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG!* 

Bestfriends To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon