Chapter 9

26 0 0
                                    

(Aiko's P.O.V)

pagkatapos kong mag GM. tumawag agad si Paola. kaya sinagot ko agad.

(Haloooo teh! anyare sayo?! bat badtrip?)sabi niya.

"Ugh. kase, bumalik na ang 2nd Bestfriend ni Shiro" walang ganang sagot ko.

(Aba! may ganun na ba ngayon?! 1st, 2nd, 3rd?! may ganyanan na pala ngayon? bwahaha! aba matinde kayo!)

"Onga e. yung feeling na, pag andyan yung isa, iiwanan agad yung isa! kaasar nu?"

(Ah. kaasar nga teh! bat ka naiinis?)

"naiinis ako pag nakikita ko silang dalawa mag kasama"

(bat' ba teh? Nagseselos ka?)

"si Aiko Salazar? mag seselos? never"

(Che. nagseselos ka lang teh. kase pag balik ni 2nd Bestfriend eh iniwan ka agad ni Shiro. O baka nagseselos ka sakanilang dalawa, kase may Feelings churva ka kay shiro?)

Feelings Churva?! tss.

"Fckyou paola. nakakadagdag ka ng kabadtripan e!"

tsaka ko inoff ang tawag. kainis lang! anong selos?! anong feelings?! ugh. noway! tss. matulog na nga.

~

*Riiiiiiiiiiing

-_-

-_o

o_-

-_<

>_-

>_<

O_O

aish. natutulog pa e! tss. maligo na nga! ito na, ingay naman ng orasan nato! kaya ginawa ko agad ang Morning Routines ko. deritso naman akong bumaba. haaaaay. ang tahimik naman dito sa bahay. kelan pa kaya uuwi sila mommy't daddy? tanging si Yaya Moning at si Manong Tuning lang kasama ko dito sa bahay e.

"ya? san si manong tuning?" tanong ko kay yaya moning habang umiinom ng gatas.

"Ay naku baby aiko, pinaayos ang sasakyan e! may nasira daw?" sabi ni yaya moning habang inaayos buhok ko.

"Ah. ya, i-pony tail mo nga buhok ko" kaya ginawa naman agad ni yaya. pagkatapos nun, sumakay nalang ako ng jeep. pagsakay ko, minalas ako agad, nauntog kase ako! haaaay~ matangkad problems :3 excuse me! 5'4 ako! nyahaha! mataas na yun nu! nauntog nga ako e. pagtakbo ng jeep. Aba! feel na feel naman ni ate ang pagpapalipad ng buhok niya! kanina ko pa kase nakakain ang buhok nya e. tss. mga ilang minuto, nag para na ako kay manong driver.

"Manong para po" aba? parang di ako narinig ah? bingi

"Manong para!" ay bingi! ilang araw kabang di naglilinis ng tenga ha?! may kutsara pa naman ako dito. baka gusto mo, ito.gamitin panglinis ng tenga mo manong?! ew

"MANONG! PARA!" kaya napapreno agad si manong kaya napasubsob mukha ko kay ate.

"Ay sorry" kaya ako bumaba agad. naku! di na talaga ako sasakay ng jeep! swear!

pagpasok ko sa Ehigh. sinalubong agad ako ni Shiro. tsaka niya ako inakbayan. Hmp! dun ka kay Lauren! che~

"Oh espren? badtrip?" sabi niya habang nakaakbay ang isang kamay niya saken saka nakapamulsa ang isang kamay niya.

"actually, kahapon pa!" tsaka ko siya tinignan at sinamaan ng tingin at nag cross arms.

"Oh. by the way, bat' ka nawala kahapon sa canteen?!" tanong niya tsaka kami huminto sa paklalakad. tinignan niya naman ako na parang Anak niya habang senesermonan.

"pake mo? eh sa naoOP ako e. tsaka bat' mo pa ako pinasama kahapon? kung kayo lang pala mag uusap?! parang may sariling mundo nga kayong dalawa e!" sabi ko sakanya tsaka ko sinuntok ang dibdib niya. naiiyak na kase ako e. pag naiinis kase ako, napapaiyak ako.

"Ay. sorry naman espren o? wag na magselos!" sabi niya saken sabay yakap saken. wala na, naiyak na talaga ako. di na mapigilan ni Luha e. naiinis na kase talaga ako!

"A-anong selos?! che! kelan pa nagseselos si Aiko Salazar?" sabi ko habang umiiyak sa dibdib niya.

"Aish. I know you aiko. wag na mag selos. number one ka naman sa puso ko eh" napakalas naman ako sa yakap at tinignan siya ng 'Ha? Look' ngumiti naman siya at nag peace sign.

"Hihi! joke! I mean, number one sa List ng bestfriends ko!"

dafuq. akala ko ba ano?! aish! tsaka niya pinahiran ang luha ko, at inayos ang bangs ko. Oo, may bangs nga ako. Haha, cute naman e!

"Nadulas ako dun ah?" bulong ni shiro. narinig ko naman yun kase ang lapit niya saken, di ko naman siya naintindihan. saan siya nadulas?

"Ha? nadulas saan?!" tanong ko sakanya

"Ha? a e i- s-sa CR! oo! nadulas ako sa CR kanina. hehe" sabi niya, tsaka nya ako hinila. aish ewan ko sayo.

Bestfriends To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon