Chapter 23

15 0 0
                                    

December 18, 20XX. Bukas birthday ko na. Masaya ako dahil mag se-seventeen na ako. Pero kulang parin eh. may kulang talaga. Si Shiro Dela Reyes. San na kaya yun? ilang buwan na siyang di nagpaparamdam ah? magpapasko na nga eh. Walang Text, walang tawag, wala wala wala. Shiro? san kana? di ko na rin siya nakikita sa school. Ang sabi naman ni Lauren, mukhang nag transfer daw. Pero hindi! hindi ako maniniwala. di ako iwan ni shiro. di ako iiwan ng bestfriend ko. pero bat' di ko na siya nakikita sa campus? si rise naman pag nagkikita kami, di niya ako pinapansin. ano kayang nangyari?

"Bebelabs!" napatingin ako dun sa tumawag. tama nga hinala ko, si Jaype.

"Ano na naman ha?" tanong ko sakanya sabay irap. nandito kami sa classroom ngayon. wala pa kase ang last subject namin eh.

"Mukhang malungkot ka ah?" sabi niya sabay nguso. nasa lahi ba talaga nila ang ngumuso everyday?

"Wala. wala ka na dun" sabi ko naman. ngumuso na naman siya. peste. durugin ko nguso nito eh! di ko nalang siya pinansin. busy parin siya sa pangungulit sakin. ako naman nakatingin lang sa board. wala talaga ako sa mood ngayon.

may bigla na naman akong naramdaman na sakit sa mga buto ko. Letche. paulit ulit na to ah? minsan nga bigla nalang sasakit ang ulo ko. gumaan rin daw ako sabi ni daddy. pumayat daw naman ako sabi ni mommy. sobrang nag-aalala na nga sila eh. siguro, pagod lang talaga ako.

napahawak naman ako sa braso ko na biglang sumakit, tinignan ko naman ito. hala? may pasa. di naman ako nakipag suntukan ah?

"Jaype? tignan mo, may pasa ako" sabi ko kay jaype. napatingin ito sa braso ko. hinawakan niya agad ito.

"Hala? anong nangyari dito bebs?! gusto mo dalhin kita sa hospital?!" alalang-alalang sabi niya. OA rin nito. sana di ko nalang sinabi.

"Aray!" binatukan ko nga. "Ang OA mo rin noh! may pasa lang! di naman ako mamamatay nito" sabi ko sakanya. sabay irap.

*****

Natapos narin ang klase namin. hinatid narin ako ni jaype sa bahay. pinauwi ko na nga eh, ayokong nandito siya palagi sa bahay. mukha kaseng nababahaan ang kwarto ko pagnandito siya! sobrang gulo. kaya ayun, umuwi rin naman.

"Anak, ready na ang susuotin mo para bukas sa birthday mo. nandun na sa kwarto mo" sabi ni mommy habang nakangiti. nakakatakot talaga pag ngumingiti si mommy. umakyat nalang ako sa kwarto ko para tignan.

Wow. ang ganda. Cocktail lang naman siya, color black na may mga silver dust, as in puno talaga ng silver dust. pero nakikita parin ang pagka black nito. simple lang naman siyang tignan. di naman kase sosyal ang birthday ko. mag seseventeen lang naman ako! di pa ako mag dedebut. pero dahil maarte si mommy, magpapa party daw siya. kahit ayaw ko. hayy. di naman ako makakatanggi sakanya eh. may sakit pa sa puso si daddy, kaya ayoko talagang magpa dagdag ng problema.

'ildeohagi ileun gwiyomi

ideohagi ineun gwiyomi

samdeohagi sameun gwiyomi

gwigwi gwiyomi gwigwi gwiyomi

sadeohagi sado gwiyomi

odeohagi odo gwiyomi

yukdeohagi yugeun jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi'

Aish. nakakainis na ringtone! si jaype kase nag set niyan. ni record niya sa phone ko at sinet na ringtone -_-

"Ano na naman?!"

(Ganun mo ba babatiin ng Hello ang gwapo mong asawa?)

"Pwe! asawa ka jan! nakakadiri ka talaga"

(Bebs? ready ka na bukas? sigurado naman kase akong bukas na ang huli mong pag-iyak. kaya itutuloy ko na talaga. ayoko ng makita pa kitang nasasaktan dahil sakanya)

Toot toot toot toot

Ha? ano? di ko talaga naiintindihan! anong huling pag iyak? ang gulo naman. nasasaktan dahil sakanya? piste naman to.

'ildeohagi ileun gwiyomi

ideohagi ineun gwiyomi

samdeohagi sameun gwiyomi

gwigwi gwiyomi gwigwi gwiyomi

sadeohagi sado gwiyomi

odeohagi odo gwiyomi

yukdeohagi yugeun jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi'

(Halooooo ateng!)

ay si paola lang pala.

"Oh ano?"

(anong susuotin ko bukas? mag gogown ba ako? hihi)

"Ha? pwede rin"

(Wag nalang! baka matalbugan ko ang beauty mo bukas. pag bibigyan muna kita! bwahahaha!)

"Aba ewan ko sayo! sige na! busy ako"

(Charot! osige! babosh!)

Toot toot toot toot

Invited kase yung baklang yun. ano kayang susuotin nun bukas?

humiga nalang ako sa kama ko. nakatitig lang sa kisame. namiss ko talaga siya. magpakita ka na shiro oh? kahit yun lang ang regalo mo. malaking regalo na yun. magpakita ka lang. grabe ka talaga.

"Anak? are you crying?" ay si dad. umiiyak ba ako? pinunasan ko naman mukha ko at umupo sa kama. lumapit naman si dad at umupo sa tabi ko.

"Dad?" yinakap ko siya at umiyak. di ko na talaga mapigilan eh. namimiss ko talaga siya. tinapik-tapik naman ni daddy ang likod ko.

"Dont worry anak. nag desisyon na ang mommy mo. and I think, makakabuti yun sayo. makakalimutan mo na siguro siya. And we're just doing the right thing. sasaya ka sakanya. di kana namin makikitang umiiyak." sabi ni dad tsaka lumabas na sa kwarto.

WHAT? Naguguluhan na talaga ako! ano bang nangyayari? Saan ako sasaya? tsh. mabuti pang matulog nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon