Chapter 12

20 1 0
                                    

(Shiro's P.O.V)

[JAYPE TAN'S MULTIMEDIA]

(Shiro's P.O.V)

Tangina this! anong nakain ko at nagawa ko yun sa Harap nila?! Shiro naman! eh kase naman, di ko mapigilan na halikan si Aiko eh. parang may tumutulak kase saken na halikan si Aiko, kaya ayun. natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahalik na kay Aiko. Tangina this talaga!

nandito nga pala kami sa loob ng bahay ni Aiko. nag sSnack lang. nagkwekwentuhan rin kami, este sila lang pala. nanatili lang akong tahimik dito. nakakahiya kase yung ginawa ko. katabi ko ngayon si Lauren at Lance. habang si Aiko at Jaype naman ang magkatabi. tss.

"Bespren?" tawag saken ni lauren habang hindi nakatingin saken. tumingin naman ako sakanya. pero di ako nagsalita

"Sorry na oh?" sabi niya, this time nakatingin narin siya saken.

"Okay lang. sorry na din" matamlay na sabi ko.

"Bespren? y-yung kanina?" tungunu naman oh! bakit kelangan ipaalala pa saken!

"Uh, bespren! s-sorry nga pala nung di kita hinintay. tsaka di pa ako nag reply sa mga text mo. sorry" pag-iiba ko sa usapan.

"ahh. okay lng yun, tsaka sorry din. kase nakipag away pa ako kay aiko kanina" sabi niya tsaka siya huminga ng malalim. gusto ko sana silang pigilan kanina. kaso huminto na sila ng pag-aaway nun eh. lalapit na sana ako nun

"Bakit saken ka nag sosorry? bespren, dapat kayo ang mag-usap. humingi ka ng tawad sakanya" sabi ko kay lauren.

"O-okay" tsaka niya pinagpatuloy ang pagkain niya sa Chocolate cake.

"Bro! grabe yung kanina ah!" sabi saken ng katabi ko na si Lance. Tsk! paulit-ulit?! nakakahiya na~

"Shet ka bro. bakit kelan ipaalala pa ha? suntukan nalang oh?" sabi ko, pero syempre biro lang yun na makipag suntukan ako sakanya.

"woah. chillax bro! haha! maganda nga yung ginawa mo eh. sigurado akong malaki ang grade natin sa Mapeh! Bwahahaaha" -____-

di ko nalang pinansin ang sinabi ni Lance. pumunta nalang ako sa kusina para manghugas ng kamay, pagdating ko dun, nakita ko si aiko na nanghuhugas din ng kamay.

"Uh, hi e-espren?" mautal'utal na sabi ko. tumingin siya saken saglit, tsaka rin niya binalik ang tingin niya sa hinuhugasan na kamay niya.

"Espren? s-sorry na" sabi ko sabay tingin sa Baba.

di pa rin niya ako sinasagot. pag angat ko sa ulo ko, wala na siya. Aish. grabe, bat nga pala ako nag sosorry? di naman kami nag away ah? tsk. oo, ganyan yan si Aiko. pag nag-aaway kami, di niya ako pinapansin. pero alam ko naman na magkakasundo rin kami. yun pa? di ako matitiis ni Aiko eh! sa gwapo kong to? tss. makahugas na nga ng kamay.

pagkatapos kong maghugas ng kamay, bumalik agad ako sa salas. nakita ko silang nakaupo ng pabilog. kaya nakisali rin ako sa pag-upo.

"okay, so ganito lang ang gagawin natin. kung saan naka harap ang takip ng bote siya yung tatanungin, at kung saan naman naka harap ang ibaba sa bote siya yung mag tatanong. got it?" sabi ni Zerl. kaya tumango nalang kami bilang sagot. pag-ikot sa bote, naka harap kay Lauren ang takip at kay Fatima naman nakaharap ang ibaba.

"Lauren, truth or dare?" tanong ni fatima sakanya.

"Uh, dare" sabi niya.

"Umm. halikan mo si Dann sa lips" utos ni fatima sakanya. whuuut? nabigla ako nung tumayo siya at pinatayo niya rin si Dann, pagkatapos hinalikan niya nga ito sa lips. si Dann naman, parang wala lang. Cold kase yan. grabe, di ko akalain na magagawa yun ni lauren. parang ang dali-dali lang yun para sakanya. umupo na si lauren, tsaka siya na ang nag ikot sa bote. ang target ng bote ay si Lance at aiko.

"Truth or dare?" tanong ni lance sakanya.

"Truth n-nalang" sabi ni Aiko na para bang kinakabahan.

"Isang tanong, isang sagot. Kinilig ka ba nung hinalikan ka ni Shiro?" nakangising tanong ni lance. gegu talaga tung si lance kahit kelan no? tss. hinintay namin ang sagot ni Aiko. ang tagal naman, kaya di na ako nakapag hintay sa sagot niya. tumayo nalang ako, tsaka lumabas na. Tsk, ayaw kong marinig ang sagot niya. basta, parang kinakabahan ako sa sagot niya. ewan ko, sumakaya nalang ako sa sasakyan ko, at dumiretso sa Secret Place namin ni Aiko. gusto ko lang magpahinga dun. pagdating ko dun, umupo nalang ako sa ilalim ng puno, yung puno na may nakalagay na 'AIRO PROPERTY' madilim'dilim narin. matulog nga muna ako saglit.

~

*Riiiiiing

nagising naman ako sa pag ring ng phone ko, teka may tumawag.

Zerl Manuel Calling . .

(Yah! shiro!? please help me, lasing silang lahat! pati narin si Aiko. kanina pa nga nila pinapasayaw si Aiko eh! Waaaah! hel-)

di ko na pinatapos ang sinabi ni Zerl. tumakbo ako papuntang sasakyan ko at dali'daling pinaandar. pagdating ko sa Bahay ni Aiko. nanghina ang tuhod ko sa nakita ko

parang sinaksak ang puso ko sa nakita ko. Natagpuan ko nalang na tumutulo na ang luha ko. ewan ko, bakit ang sakit'sakit saken ang nakikita ko ngayon. lumapit ako sakanila, at ikinabigla naman ni Zerl. siya lang ang nabigla kase, siya lang naman ang di lasing eh.

"Shiro?!" gulat na sabi ni Aiko.

sinuntok ko nalang bigla si Jaype eh. ewan ko nga, bat ko to ginagawa ngayon. ewan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon, ewan ko kung bakit tumutulo ang luha ko ngayon. bakla mang pakinggan, pero totoo talaga tung mga sinasabi ko.

"Fvck aiko. i-ikaw ba yan? ikaw ba ang Aiko na yan? i-ikaw ba ang bestfriend ko? shit. Aiko! alam mo ba na kinabahan ako kung ano na ang nangyayari dito sainyo?! alam mo ba na malapit akong mabangga dahil sa lakas ng patakbo ko sa sasakyan?! tapos, pagdating ko dito. yun ang m-makikita ko?! Nakahubad ang t-shirt mo habang naghahalikan kayo ng gagong yan?! Shit aiko

"

nagulat siya sa sinabi ko, imbis ako nagulat rin sa sinabi ko. lumabas nalang ako dun, at sumakay na sa sasakyan ko at bumalik na sa bahay. pagdating ko sa bahay, pumasok agad ako sa kwarto ko, at dun bumuhos ang mga luha ko. Di ko talaga naiintindihan!  bakit ako umiiyak? bakit ako nasasaktan?

ikaw ba naman makita ang bestfriend na may kahalikan na lalaki?! medyo bastos mga pre! di ko akalain na magagawa ni Aiko yun! di siya ang aiko na ganun! okay, OA na kung OA. under age pa kaya yang si aiko mga pre! tsaka never pa yang nakakiss ng ibang lalake! Lasing pa siya shet.

patuloy parin akong umiiyak. shit, ang bakla ko! bat ako umiiyak?! mga ilang oras narin ako dito sa kwarto ko habang nakatitig sa kisame. Nag-aalala na naman ako. ano kayang ginagawa nila dun? di ko talaga mapigilan mag alala. Wala ang Mommy at Daddy niya dun. tsaka stay out pa ang Yaya nila. si Manong Driver naman di ko nakita kanina. pati sasakyan nila wala! shit. nag-aalala na ako! nag-aalala na ako kay Aiko!

Bestfriends To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon