Chapter 19

9 0 0
                                    

(Shiro's P.O.V)

Nandito ako sa bahay ni espren ngayon, hinihintay ko siya. 9:47  na kaya! san na kaya yun? kanina pa ako nakahiga dito sa kama niya. amoy na amoy ko nga ang perfume niya sa unan. amoy strawberry. nakakamiss tuloy siya, matagal ko na ding di siya nakasama. di ko namalayan na di na ako nag spend ng time sakanya, nasa rules pa naman namin yun. hayy, ako kase eh. di ko na siya binibigyan ng time.

"Hoy!" nagulat naman ako sa sumigaw kaya napatingin ako.

"Tagal mong umuwi ha?!" sabi ko habang nakahiga parin sa kama niya.

"wala ka namang pakialam dun eh!" sabi niya. "anong wala?! bestfriend kita kaya kaya nag-aalala rin ako!" sigaw ko. tumakbo naman siya at tinalunan ako dito sa kama niya.

"Aruuuy!" ikaw ba naman talunan. ang sakit kaya! "Talaga? nag aalala ka pa saken?" sabi niya habang nakapatong saken. sus baka anong magawa ko dito eh.

"Oo naman!" sabi ko at nag pout.

"Akala ko kase si Rise nalang inaalala mo" sabi niya at nag pout rin.

"Nagseselos ka?" tanong ko at ngumiti.

"Asa!" sagot niya at umalis sa pagkakapatong saken. ang cute niya. tumalikod pa siya saken at nagkumot. kaya binack-hug ko nalang siya at linagay ang mukha ko sa leeg niya. namiss ko talaga siya litse.

(Aiko's P.O.V)

(O_______O)

yung feeling na binack-hug ka niya habang nakahiga kayo. palagi niya naman ginagawa saken to eh. pero Iba yung ngayon. parang uminit ang pisngi ko at namula. nag init pa ang katawan ko. shet, ano ba tong ginagawa niya? mahal ko pa naman to.

"Espren?" sabi niya, kaya nafefeel ko ang paghinga niya sa leeg ko.

"Hmmm?" sagot ko naman.

"pwede bang ganito muna tayo? kahit ngayon lang? namiss kase kita" sabi niya habang nakayakap parin saken. Omay~ nagakamatis na ang pisngi ko.

"O-okay" mautal'utal na sabi ko. kaya, I let him nalang. kase naman, namiss ko rin siya eh. hihi, sarap sa feeling mga dre. Yung loves ko eh :'> Hihihi. landi ko talaga!

~ ~

*Poke*

*Poke*

*Poke*

"Ano baaaa!" sabi ko, tsaka ko tinalukbong ang kumot. kainis, natutulog pa ako eh!

"Ayaw mo talaga bumangon jan?!" sabi niya, blah blah. di ko nalang pinansin ang mga sinabi niya. Tss

"AYOKO TALAGA!" sigaw ko. habang naka talukbong parin sa kumot. kainis naman eh! sarap ng tulog ko!

*BOOOOOOOGSH*

"SHIRO DELA REYES, YOU'RE DEAD!"

"I'm so dead"

ano to?! Talk Back And You're Dead lang ang peg?! Tss. ikaw ba naman kase talunan sa kama mo. shet lang dre~ sakit kaya sa likod!

In 1, 2, 3, 4 . .

*BLAAAAAG*

*BOOOOGSH*

*PAAAAAAK*

*BOOOOOM*

"Tama na po~" Maiyak iyak na sabi ko. Inunahan ba naman ako! Ang sakit na ah. tapunan ka ba naman ng Unan, lotion, remote, tv, cabinet. Hihi Juk lang! Unan, lotion, remote, suklay lang. actually madami ang hinagis niya saken! buti nalang at may shield ako. salamat kay Unan ko. pero yung Remote! natamaan ako sa noo. ang sakit~ Ajujujuju!

"Pakingshet ka shiro!" ang noo ko! oh my beautiful forehead! ~ Ajujuju!

"Di kita tatanungin kung okay ka lang, kase alam kong di ka okay" matawa na sabi niya. Aba?! itapon ko kaya to sa sun?! pasalamat ka mahal kita!

"Gago" sabi ko habang hinihimas-himas ang noo ko. may bukol ata eh? awtsuu.

si shiro? ayun! lumabas na! wala atang plano na tulungan ako dito eh! Pakingshet~ ang sakit. kinuha ko yung maliit na salamin ko at tinignan ang noo ko. hala! ang laki ng bukol. waaaaaaaah! Shet ka loves! ang sakit nung hinagis na remote mo!

"Oh? laki ng bukol ah? HAHAHA" aba at bumalik pa ang loko na may dalang Ice at face towel.

"Ugh" ako, at sinuntok siya sa dibdib niya. malakas yun! pero walang effect sakanya -____-

"kamusta na bukol mo?" sabi niya habang linagay ang Ice na nakabalot sa face towel sa noo ko.

"Mas concern kapa sa Bukol ko kesa Saken? Wow lang ha!" sarcastic na sabi ko.

"Oo, baka kase maapektuhan ang utak mo nito eh. Babagsakin kapa naman, laging si F ang nakikita ko sa Card mo. Ajujuju! tsaka Suki kapa ni 0 sa quiz. Awtsuu!" sabi niya! litse to ah! grabe manglait to! Huhuhu! ayoko ko na! bigti na ako.

Sumimangot nalang ako! Tumawa naman siya. kainis!

"Oh ayan, medyo okay na si Bukol" sabi niya. tinignan ko naman sa salamin, namumula parin!

"litse ka" sabi ko. tinawanan lang niya ako. Lumabasa na kami sa kwarto ko, hala? wala pala si yaya moning~ Weekends kase. Day Off niya ngayon. di pa naman ako marunong magluto.

*Kruuuuu kruuuu*

Si tiyan! nagrereklamo na.

"Espren, magluto ka!" sabi ko. marunong naman siya eh. tamad nga lang.

"Ayoko. ikaw magluto dun" sabi niya naman. Eh? gusto ba niyang sunugin ang bahay namin?

"AYOKO" sabi ko. Ayaw ko talaga! Psh.

"Magluto ka"

"No"

"luto"

"ayaw"

"pakyu"

"ka"

Kulit! ayoko nga! natatakot ako. Ajujuju! ayokong kumain ng tustado ngayon!

"Edi wag tayo kumain" Huwaaaaat?! Gutom na gutom na ako! Waaaaaah!

"I'm hungry" padabog na sabi ko.

"Then? the hell I care espren" Pakingshet naman! espren naman eh! di mo talaga ako tinutulungan noh? galing mo talaga! dabest ka! Huhuhuhu.

*Kruuuu kruuuuu*

okay, magluluto na ako.

Lord jesus christ mama mary, gabayan po nyo ako sa pagluluto, thankyou po. Aylabyu and thankyou. mwah mwah chupchup.

pumunta ako sa kusin at nagiisip kung ano ang lulutuin ko -_- Oh please, wala akong alam dito. Hmmmmm. Pancakes? Okay.

kinuha ko yung mga ingredients tsaka ko finallow yung mga steps dun.

(Shiro's P.O.V)

Tinignan ko siyang nagluluto sa kusina. naka Apron, naka ponytail ang buhok habang yung mga bangs niya nakatakip sa mukha niya, pawis na pawis nga siya eh.

*chuckles*

Kaya mo yan espren! Go go go! Fighting!

linapitan ko naman siya at sumandal dun sa maliit na table sa kusina naka cross arms pa ang gwapo. pagtingin ko sa linuto niya. .

"Pft"

HAHAHAHAHA! alam na~

Bestfriends To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon