Chapter 21

4 0 0
                                    

(Jaype's POV)

Nandito kami ngayon sa coffee shop. binigay ko rin sakanya ang jacket ko. basang-basa kase siya sa ulan. tahimik lang kaming umiinom ng kape dito. tinitignan ko lang siya, di parin siya nagsasalita.

naglilibot lang kase ako kanina sa daan baka makahanap ako ng chix. kaya lang may napansin akong babae na umiiyak sa gilid ng daanan. buti nalang at may dala akong payong, kaya bumaba ako at tinignan kung sino ba ang babaeng yun. kaya pinayungan ko agad ito, nakakaawa kase eh. tinignan ko lang siya, pagtingin niya saken. nagulat ako dahil nakita ko ang babaeng mahal ko. kaya pinatayo ko siya at yinakap. hayy, alam kong nasaktan na naman siya nang dahil kay shiro. Tsk. pag nakita pa kitang umiiyak aiko itutuloy ko na talaga ang--

"J-jaype.." mahinang sabi niya.

"Okay ka lang ba aiko? wala bang masakit sayo?" tanong ko agad sakanya.

"Nabasa lang ako ng ulan, walang masakit saken. pramis" matawang sabi niya. medyo tuyo narin ang buhok niya.

"Are you sure?" pagsisigurado ko sakanya. tumango lang siya at ngimiti ng napakaliit.

pinabayaan ko nalang siya. habang umiinom ako ng kape, minukmok niya ang kanyang mukha sa table. pagod na ata siya. mga ilang minuto ko siyang tinignan. nung napansin kong mukhang tulog na siya, tumayo agad ako at lumuhod ng kaunti para malevel ko ang mukha ko sa mukha niya. pinagmasdan ko ang mukha niyang tulog. Why so cute? tsk.

"Aiko.. kung alam mo lang na kung gaano kita kagustong mapasaakin. pero, wala eh. si Shiro talaga kasiyahan mo. dahil mahal kita.. pinabayaan nalang kitang piliin ang happiness mo" mahinang sabi ko, nagulat ako nang may biglang tumulo na luha sa mga mata niya. pinunasan ko agad ito.

"Pero wag kang mag-alala.. hihintayin kita. hihintayin kita hanggang sa makakaya ko." sabi ko, alam kong hindi niya ako naririnig dahil tulog nga siya. pero okay lang. inaayos ayos ko ang bangs niya habang nagsasalita ako.

"Pero kung pagod ka nang masaktan. nandito lang ako, tumakbo ka lang sakin."

(Aiko's POV)

"Pero kung pagod ka nang masaktan. nandito lang ako, tumakbo ka lang sakin."

paulit-ulit na bumabalik balik yan sa isipan ko. Oo, narinig ko lahat ng sinabi ni Jaype. Di ko nga alam bakit ako naguguluhan eh.

Hinatid ako ni jaype kagabi. gabing gabi na nga ako nakauwi eh. alalang alala sila mommy at daddy. Oo, nakauwi narin sila galing japan. kaya medyo nabawasan ng bigat ang dibdib ko. Nagpasalamat ng bonggang-bongga si Mommy kay Jaype kagabi. si daddy naman nagtataka dahil bakit daw di ko kasama si shiro.

*Ding Dong Ding Dong*

"I'll open it mom" sabi ko kay mommy, nag nod nalang siya. pagbukas ko ng gate, bumungad ang mukha ni Jaype.

Sabi kase ni mommy, dito nalang daw mag lunch si jaype. ewan ko kung anong nakain ni mommy.

"Hi babe" sabi niya habang nakangiti ng malapad. "Aray!" binatukan ko nga.

"Che! babe ka jan!" matawang sabi ko, pinapasok ko nalang siya.

"Oh. Hi hijo!" bungad sakanya ni mommy. hinalikan pa siya ni mommy sa pisngi. wow lang ha? close na  close talaga sila? eh kagabi palang siya nakilala ni mommy eh.

*****

pagkatapos naming kumain, pumunta kami ni jaype sa kwarto ko. sa totoo lang, siya ang pangalawang lalake na pinapasok ko sa kwarto ko. tanging si shiro lang kase ang pinapasok ko dito eh.

"Babe? movie marathon tayo plez?" sabi niya tsaka siya humiga sa kama ko.

"ikaw pumili jan ng panunuorin natin" sabi ko habang kumukuha ng pagkain sa ref.

So ang napili is The Conjuring. mas mabuti narin yan, ayoko ko kasi ng love churva churva ngayon.

"Babe! Wah!" akalain mo yun? ang dakilang playboy ay daig pa ang babae kung makatili at matakot. natawa nalang ako sa mga reactions ni Jaype. nung malapit na matapos ang pinapanood namin, nakayakap na talaga siya saken. Chancing ang mokong to! pero pinabayaan ko nalang. mukhang takot na takot talaga siya eh.

Nung natapos na ang movie, nagpahinga muna kami saglit. di daw siya maka Get Over sa The Conjuring. haha.

"Woooh! buti nalang nandiyan ang babe ko" sabi niya.

"Che landi mo!" sabi ko sabay hagis ng unan sa mukha niya. nag pout pa ang mokong.

"Wag kang ngumuso, nagmukha kang aso" sabi ko sakanya. Nagtawanan nalang kami.

lumabas na kami ng kwarto, nakita kong nakangiti si mommy saamin ng napakalapad. si daddy walang expression sa mukha. Natatakot tuloy ako sa ngiti ni mommy.

"Mga anak, kain na tayo" sabi ni mommy habang nakangiti parin. Mga Anak? -_- Pfft. Tsaka gabi na pala? di ko namalayan yun ah? Ay kain na nga ako, gutom narin kase ako eh.

"Mga anak, bagay na bagay talaga kayo" sabi ni mommy samin habang kumakain kami.

"Pero mas bagay sila ni Shiro" sabi naman ni daddy. tumahimik naman saglit. errr si daddy kase eh! san na kaya si shiro ngayon? di man lang nag text or nag tawag? baka busy talaga siya kay rise. tsk. bahala na, atleast nandito si Jaype. para hindi boring buhay ko~

"Mr. Salazar! Wag mo ngang isali si Shiro dito. Cant you see them? they're so perfect for each other right?" ngiting-ngiti na sabi ni mommy. tinignan ko si Jaype na nakangiti lang din habang kumakain. si daddy, still no expression parin sa mukha.

*****

Pagkatapos naming kumain, hinatid ko si Jaype hanggang gate lang. may sasakyan naman siya eh.

"Babe, salamat sa foods!" sabi niya. natawa lang ako sa sinabi niya.

"Wala yun. Osha, umalis kana!" sabi ko sabay tulak nang mahina. ngumuso ulit siya.

"Are you breaking up with me?" sabi niya -__- nag aacting pa siyang naiiyak  at may pahawak hawak pa sa dibdib.

"Gago ka. di pa nga tayo eh!" sagot ko sakanya tsaka ko siya inirapan. ngumiti nalang siya ng napakalapad.

"Pa? So may possible pang magiging tayo babe?"

Weyt? may sinabi ba akong PA? wala naman ah!

"Che! ewan ko sayo! umalis ka na nga" sabi ko sakanya sabay tulak, pero hinawakan niya ang kamay ko. seryosong seryoso ang mukha niya ngayon. nakatingin lang siya sa mga mata ko habang nakahawak parin sa kamay ko na nasa dibdib niya.

"Wo Ai Ni, babe" sabi niya saka hinalikan ako sa noo, at tumakbo papasok sa sasakyan niya.

>/////<

Wo Ai Ni? ano yun? Aish. at bat ka namumula Aiko ha? akala ko ba si Shiro lang? Arrggh. ang gulo talaga nito! pumasok na ako sa bahay, pagpasok ko nakita ko si mommy na nakangiti saken at yinakap ako.

"Be Ready, anak"

WHAT?

Bestfriends To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon