Book Two: Chapter 4 - Those Little Happiness

138 3 0
                                    

Charmaine's POV

"Congratulations Charmaine, nagustuhan ng client ang ginawa mong presentation!"  masayang sabi ng Ma'am Kate, boss ko dito sa ad agency na pinagtatrabahuhan ko. Nakalapit na pala siya sa cubicle ko, hindi ko man lang napansin. Busy kasi ako  sa pagtatapos ng iba ko pang presentation.

Napangiti ako sa narinig ko. It really feels good kapag naappreciate ang mga effort mo.

"Talaga po Ma'am? Congrats po sa atin! May bago na naman tayong client!"  hindi ko na maitago ang saya ko.

"Yes and thanks to you! Next time na ang celebration ha? need nating irush yung ad ni Mr. Salviejo."  she said sweetly and nagexit na siya sa cubicle ko.

Thank you Lord sa good news! Di mapawi ang smile ko ngayon at talaga namang mas ginanahan ako sa ginagawa ko ngayon.

Maya maya naramdaman ko na may bisita na naman ako sa cubicle ko. Pag angat ng paningin ko. I saw officemates. Si Jill at Yuri.

"Ang galing mo talaga teh! This quarter wala ka pa atang rejected." si Jill na A.E. namin, halos ka-edaran ko lang.

"Hindi naman.."  nakakalula talaga pag pinupuri ka ng mga tao tumataas ang confidence at tingin mo sa sarili mo pero syempre kailangan ding magpaka-humble.

"Siyang tunay ateng! Kakainggit ka. Ako nga eto may kababalik lang si Ma'am Kate sakin. Buti sayo muna pumunta at medyo good mood." Si Yuri naman na two years ang tanda sa akin at pareho kami ng position. Junior Graphic Arts Designer.

"Panong mapeperfect mo yung ginagawa mo Yurisha e, wala ka atang inatupag kung hindi magpa-cute kay Nathan e." asik ni Jill kay Yuri na kinatawa ko. She's referring to Nathan, bagong copy writer namin na type na type ni Yuri.

"Hoy gaga ka! Marinig ka naman." Nahihiya pang sabi ni Yuri.

"Sows. Wari pa, as if naman hindi alam ng buong opisina ang pagkire mo kay Nathan."  dere-derechong sabi pa ni Jill at nagsimula na silang magsabong.

I cant help but to smile. Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga na-aappreciate tong dalawa to. Yung napapatawa nila ko at pansamandali, nakakalimutan ko yung problema ko sa personal life ko.

"Oy wag na nga tayong mag away. Para na namang sira tong si Charmaine at pinagtatawanan lang tayo. Buti pa magpa-burger ka!." maarteng sabi ni Jill. Eto talagang isang to, medyo mahilig sa pagkain buti na lang hindi tumataba,

"Oo nga, samahan mo ngh kape! Haha" gatong naman ni Yuri.

"Sige, sige next time may pina-parush kasi sakin si Ma'am Kate." magkikita kasi kami ni Kayah mamayang dinner kaya kahit gusto kong itreat tong dalawang to, next time na lang.

"Narinig mo yun Yuri ha. Next time daw ah. Asahan ko yan." nakangiting sabi ni Jill at umexit na sa cubicle ko.

"Alam mo Charmaine, ang swerte mo. Ang okay ng career mo, tapos well-off naman yung family na pinanggalingan tapos yung married life mo pa okay na okay. Bonus na lang na saksakan ng gwapo ang asawa mo. Ikaw na teh ang pinagpala!." napangiti nalang ako sa sinabi ni Yuri then  nag she left my cubicle na din.

She is partly right, my career is doing okay. Ang bilis ko nga mapromote dito e. From Assistant Graphic Artist to Junior Graphic Artist na. Tama rin naman ang sinabi niya na well-off sila Mommy. Daddy's business is doing good. Isang part lang siya nagkamali at yun ay yung isang married life ko.

Akala din nila, I am living in a perfectly-happy married life. Ilang beses na rin kasi nilang nakita si Ivan na sinundo ako and syempre may ibang tao, ang attentive ni Ivan noon. Sinusundo lang naman ako ni Ivan kapag may mga event na pupuntahan kami at magtataka ang mga tao kung makikita nila na kong naka-taxi.

Haay. Pinagpapasalamat ko na lng din na nagagawa ko ding magpanggap na masaya ako sa harap ng ibang tao. I never thought na kaya kong tumagal sa ganitong klaseng sitwasyon. I never thought na ganito ako katatag.

Minsan talaga pagnagmahal ito, ipupush nito ang lahat ng limitations natin, kakayanin lahat ng pain at lulunukin lahat ng pride sa pag asa na magkaron ng happily ever after.

I sighed. Meron din kaya non? o parang taga Storybrooke ako sa Once Upon A Time na never magakaroon.

--------------------------------

Nasaan na kaya si Kayah? Mga ten minutes na rin akong nandito sa coffee shop e. Siya pa naman ang nagtext sa akin na medyo urgent daw , tapos wala pa rin siya.

Moments later, a waiter approached me and gave me my order. I checked my phone pero wala namang text si Kayah. Kaya ako na nagtext.

"Kay, I'm here na."  I texted and kept my phone sa bag ko.

Kayah is working as a interior designer. After we graduated from college, she decided na magtake ng interior design course sa ibang bansa. Isang taon din siya sa London and when she came back nagtayo na siya ng business niya. 

Kahit na medyo naging busy kami sa kani-kaniya naming mga buhay, we still managed to maintain our friendship. 

"Sorry friend, medyo traffic e."  bungad ni Kayah sa akin. 

"Okay lang, mga 10 minutes pa lang naman ako e. Order ka muna."  sabi ko.

Umupo siya at tumingin sa menu, tapos tinawag na yung waiter at umorder. Pagkaalis nung waiter ako na ang hinarap nya.

"Kamusta naman? Mukhang busy ka, ngayon ka lang uli pumayag sa date natin."  this girl missed me at gusto kong mangiti pero pinigilan ko, baka kasi mainis siya. 

Ilang aya na nga niya sa akin na magcoffee or dinner or movie date daw kami kaso lately tumatanggi ako dahil tinatapos ko yung project ko sa office.

"Sorry, busy lang talaga. Pero eto oh. Treat ko na to."  napangiti na ang best friend ko.

"Sayo ano bang latest?"  tanong ko sabay sipped sa frapuccino ko. Yung order kakadating pa lang. 

I saw her smile, yung smile na parang may tinatago. Tapos pinakita niya sa akin ang left hand niya ng patalikod. Nanlaki ang mata ng makitang may suot siyang isang diamond ring.

Tumingin ako sa kanya na para bang humihingi ng confirmation and she nodded while smiling.

"Oh my God! Kayah! Congratulations! I'm so happy for you!"  hindi ko na napigil ang sarili ko. Dahil magkaharap kami, lumipat ako sa may tabi niya and gave her a hug.

I'm so happy for her. Her relationship with Sydney is not perfect, minsan na silang nagbreak pero talagang mahal nila ang isa't isa at ito nga ikakasal na ang best friend ko sa lalaking mahal niya at mahal din siya. Hindi ko mapigilan ang maluha. Sobrang saya ko para sa kanya.

"Ohhh, bakit ka umiiyak? akala ko ba happy ka.? Hindi naman ako ganyan nung una kang kumire kay Ivan." pabiro niyang sabi sabay punas sa luha ko.

"Masaya lang talaga ko para sa inyo. Lalo na sayo, Parang last year kasi inip na inip kang magpropose na si Syd sayo, ngayon ayan na," last year kasi ay reklamo nang reklamo si Kayah na bakit daw ba hindi pa nagpo-propose si Ivan, gayong stable na sila at matagal na rin naman.

"Mukhang timing is everything talaga"  i can see the kilig and happiness in her eyes. Kumuha na ko ng upuan para magkatabi na kami.

"So when did it happen?" I wanna know, kahit hindi naman ako sa kaya, kinikilig ako.

"Nung anniv namin last week! Sa Tagaytay Cha, sa isang restaurant dun! Hay naku! Kinikilig pa din ako!." parang high school na kinikilig ang best friend ko.

At patuloy lang sa pagkwento si Kayah habang nakikinig ako at nangangarap na sana dumating din yung time na maging kasing saya ako ni Kayah pagdating sa pag ibig.

How much pain can one heart take?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon