Chapter 2: Longstanding Pain

230 5 0
                                    

CHARMAINE'S POV

Hindi rin naman ako ganun nakapagpahinga kagabi, hindi ko nga rin sure kung nakatulog ako e. Slowly, naglakad ako papasok ng funeral chapel, I saw Mom, talking to some familiar faces, family friend siguro namin yun, then sa kabilang side naman, andun si Dad, nakaupo kasama si Tito Raffy, kapatid ni Mommy, and sa tabi ng casket ni Ate Chandi, nandoon si Ivan. Nakatingin lang siya kay Ate Chandi, hinihimas himas niya ang salamin ng casket. Mula sa lugar ko, tanaw ko na umiiyak siya.

"Ivan.." Mahina kong bulong. Naramdaman ko may tumulong luha sa pisngi ko. Nakatingin lang ako kay Ivan, habang siya nakatingin naman kay Ate Chandi.

For the past years, ganoon ang sitwasyon namin. I'm looking at him while he's looking at Ate Chandi, I'm pleasing him, while he's pleasing Ate Chandi, I'm chasing him, while he's chasing Ate Chandi and I'm loving him while he's loving Ate Chandi. Yes. I love Ivan. I love my twin sister's boyfriend. For the longest time I love him, hindi ko na maalala yung panahon kung kailan hindi ko siya minahal.

Childhood friend namin ni Ate si Ivan. His Dad and my Dad are colleagues in college. If my dad is into construction firm, Ivan's Dad is into Architectural firm.

Ate Chandi, Ivan and I are friends since 8 years old ata kami. We were playmates then, Yaya's Ivan would bring him to our house and he would play with us for whole day. Noon palang napansin ko na mas madalas gusto ni Ivan kausap o kalaro si Ate, Noong minsan na bigla na lang nawalaan ng malay si Ate Chandi while we were playing habulan, kitang kita ko kay Ivan yung pag-aalala at takot, siguro mga five times nung level pag nadadapa si Ate chandi at nasusugatan and when it was found out that Ate Chandi has  an arrythmia, hindi na kami pwedeng maglarong tatlo kagaya nung dati na naghahabulan, nagswiswimming at panhik-panaog kami sa treehouse namin mas naging extra caring at attentive si Ivan kay Ate nun kahit ang bata pa namin. Since, Ate Chandi was not allowed to play those kind of games, lagi na lang siyang nagbabasa ng books, at syempre lagi niyang kasama si Ivan nun. Hindi naman ako mahilig mabasa kaya parang O.P. ako sa kanila nun, ang tahi-tahimik kasi. Pag-ina-aya ko si Ivan na maglaro kami at hayaan na lang si Ate Chandi na magbasa, he would just tell me na, walang kasama si Ate Chandi dun, ako na lang daw ang sumali sa kanila, para daw matuto ako at matalino like my twin sister. But I will answer him na ayokong maging matalino, I want to be an artist, tapos aalis na ko sa study room kung saan andun silang dalawa.

When we became teenagers, schoolmate pa rin namin si Ivan, alam ko na nun na may special akong nararamdaman for him, kasi nakakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita ko na magkasama sila sa campus, magkakaklase sila, star section, pareho silang matalino e. Gusto ko rin na maging closed din kami ni Ivan kagaya ni Ate Chandi. Yung dadalin din niya yung bag ko at papayungan ako habang naglalakad sa may school grounds. Kaso it seems like na, na kay Ate Chandi lang ang attention niya. Sobrang dalang nung mga times na nagkasolo kami. Pag lang ata nasa sala kami at hinihintay niyang bumaba si Ate Chandi from her room, pagkatapos nun, hindi na maghihiwalay yung dalawang yun, either, tatambay sila sa garden, magbabasa sa study room, manonood ng mga classic films sa entertainment room o magluluto si Ivan sa kitchen, na alam ko naman na he's doing that not for us to have some snack but to cook for my twin sister.

Naiinggit ako nun kay Ate Chandi dahil sa atensyon na nakukuha niya from my parents and from Ivan, pero hindi naman ako naging "mean / evil" twin sister na pinapahirapan ang buhay ng kapatid nila kagaya nung sa mga soap opera. I love Ate Chandi, she's my sister and bestfriend rolled into one, hindi ko naman hinahayaang kainin ako ng inggit na yun, saka siguro normal na mainggit ka kung nakikita mo yung taong mahal mo e, mahal yung kapatid mo, yung tipong mapapahiling ka na lang na sana ikaw sya.

Dumating yung 16th birthday namin, at doon, nagtapat si Ivan na mahal niya si Ate Chandi. I knew it that, that day would come, I thought na-anticipate ko na na masasaktan ako, expected ko naman e, but I did expect na sobrang sakit, na napakasakit. To see him, saying "I love you" to someone else. Hindi ko nga alam nun kung paanong hindi ako nag-breakdown, kung paanong napaniwala ko lahat ng nandun na kinikilig ako sa kanilang dalawa, kung paano ko napaniwala si Mom and Dad na boto ako kay Ivan for Ate, at kung paano ko napaniwala si Ate Chandi at Ivan na masaya ko para sa kanila.

Kahit nag-confess na si Ivan kay Ate nun, hindi pa sya sinagot ni Ate, bata pa daw sila and hindi pa right time, kaya niligawan na lang muna ni Ivan si Ate Chandi for more than three years. Yeah, tama ang basa ninyo, three years. At sa loob ng three years, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiiyak pag gabi dahil sa sobrang sakit. For three years din, lagi akong kasama nila sa mga dates at lakad nila, dahil gusto ni Ate Chandi, noong una syempre parang awkward samin ni Ivan nun, pero kalaunan nasanay na rin sya, syempre gusto ni Ate na ganun yung set-up e, and imagine na lang the emotional torture and pretentions I have to go through pag ganu. Yung kunwari, kinikilig ako sa kanilang dalawa, tinutukso-tukso pa sila, pero deep inside me, durog durog na ko. Gusto ko ng tumakbo palayo sa kanilang dalawa at umiyak.

Hanggang four months ago, sinagot na ni Ate Chandi si Ivan, akala ko nga manhid na ko at hindi na ko masasaktan, pero ewan ko ba sa puso ko at nasasaktan pa rin, overnight kong iniyakan yun, and I had to pretend na may sore eyes ako kinabukas kaya ako nakashades, magpabili naman agad si Mommy na eye drops.

Sabi nga ng mga friends ko, na bakit daw hindi ko sabihin yung nararamdam ko o iparamdam ko. Ipa-realize ko daw kay Ivan, na worth din akong mahalin, na kaya ko din syang mahalin much more nung pagmamahal niya sa sister ko.

Kaya rin siguro, hindi na ako nag-attempt na iparamdam o sabihin kay Ivan, how much I love him, kasi noon pa man, alam ko na, na si Ate Chandi ang mahal niya and as friend lang tingin niya sa akin and most of all, alam ko din na mahal din ni Ate Chandi si Ivan, dahil naseshare at napagkukwentuhan namin yun (sobrang sakit lang pag iyon ang topic namin ni Ate), ayokong maging kontrabida sa kanilang dalawa. Oo nga, Mahal ko si Ivan, pero mahal ni Ivan si Ate, sana nga lang kung ganon lang pero hindi e, mahal din ni Ate si Ivan anong laban ko dun? Nagmamahalan yung dalawa e. Pero sabi ni Kayah, my bestfriend, atleast daw sabihin ko kay Ate Chandi, para naman daw hindi na ko kinakaladkad pag may date yung dalawa at hindi na ko natotorture, pero hindi ko rin kaya.Ate Chandi has the kindest heart, pag nalaman nun na nasasaktan ako, tiyak na maliligalig yun, baka layuan pa niya si Ivan dahil sa akin, at ayoko nun. Masasaktan siya, masasaktan si Ivan at masasaktan din ako.

Tiningnan ko uli si Ivan na, nakatingin pa rin kay Ate Chandi. I smiled bitterly and lumabas muna ako ng chapel para magpahangin.

How much pain can one heart take?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon