Chapter 6: Intoxication

176 5 3
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Papasok sa isang restaurant bar sina Kayah at ang boyfriend niyang si Syd. They're celebrating their 11th month of being a couple.

Tumuloy sila sa isang bakanteng mesa na malapit sa pinto. Mayamaya lumapit ang isang waiter, at hinihingi ang order nila.

"What do you want Hon?" tanong ni Syd kay Kayah habang nakatingin sa menu.

"Hmmmm.. Ceasar Salad and Seafoods Pasta will do hon, and for the drinks i prefer four seasons." sagot niya na nilapag sa mesa ang menu.

"Tenderloin Salpicao, baked mussels and two blueberry cheesecakes" order ni Syd sa waiter at tumalikod na rin pagkaraan.

"So how's your best friend?" Syd asked her. Tinutukoy niya ay si Charmaine. Nagkakilala sina Syd at Charmaine week after na maging official couple sila ni Kayah.

"She's coping up. She has to. I know hindi pa siya fully recovered but I know she'll get through that. She's a tough girl Hon." Kayah answered smiling.

"I hope it will be soon. Kasi I know you're affected." ani Syd na hindi nakatingin sa girlfriend.

" Huh? What did you say?. " takang tanong ni Kayah

"I know Hon, it saddens you to see Charmaine hurting, she's your best friend. Alam ko na nasasaktan ka kapag nasasaktan siya, and my point here is I don't wat you to be sad or get hurt, that's why I want her to be okay as soon as possible so that you will too." mahabang paliwanag ni Syd.

Napangiti si Kayah sa narinig sa boyfriend. It's not everyday that she would hear him talk like that. He's not a sweet man when it comes to word, but his actions and surprises never fail to melt her heart.

Maya maya dumating na ang order nilang pagkain. They ate their meals while talking about random stuffs, about themselves, their plans, etc.

Patapos na nilang kainin ang inorder nilang blueberry cheesecake nang magkaroon ng komosyon di kalayuan sa mesa nila.

"You know what Pare, you better bring your buddy out of this place" narinig nila Kayah at Syd na malakas na sabi ng isang lalaki na nakatayo. Sa tabi nito ay may apat or limang lalaki ang nakatayo din sa gilid ng lalaking nagsalita.

Yung kausap nila, nakatalikod sa paningin nila Kayah at Syd.

"Pare pasensya na napaparami na inom nitong kasama namin." hinging paumanhin naman ng lalaking nakatalikod sa kanila.

"T-t-sheka brad, wag ka nga mashori jan." halatang lasing na na sabi ng lalaking katabi nung lalaking nagsalita kanina.

"Hon." tawag ni Syd kay Kayah.

Napatingin naman si Kayah sa boyfriend.

 "We better go." sabi ni Syd at tumingin sa komosyon hindi kalayuan sa table nila. 

 "Hon, wait lng, that guy is familiar" turo ni Kayah sa lasing na lalaki na nasa gitna ng komosyon.

"Ang yabang mo pala e! Tingnan natin kung saan ka dadalin ng yabang mo!" sabi ng lalaking nakagray na shirt sa lalaking pamilyar kay Kayah sabay mahinang tulak sa dibdib nito.

Agad namang pumagitna ang lalaking kasama ng tinulak.

"Brad, pasensya na lasing talaga to, pasensya na, ako na bahala dito." tumalikod na sa mga lalaki at inakay na neto palabas ang lasing na kasama.

Agad nakita ni Kayah ang mukha ng lasing na lalaki.

"Theo.. Ivan.. " nasabi ni Kayah.

"Hon, si Ivan nga yun ah." agad na tumayo si Syd at sumalubong sa lalaking umaakay kay Ivan. Tumayo na rin si Kayah at sumunod sa boyfriend.

How much pain can one heart take?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon