Chapter 9: Revelations

106 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Hindi mapigilan ni Ivan na mapangiti nang makita niyang tila bata na nageenjoy si Charmaine sa pagawa ng sand castle. Nagpaalam ito kanina na maglalakad lakad, dahil kachat niya ang mga kaibigan sa Maynila ay hindi niya nasamahan kaya naman sumunod na din siya dito pagtapos na maglog out ang mga ka-chat.

Mag iisang buwan na halos sila sa Zambales at aminin man niya o hindi ay masaya siya. Peaceful ang pakiramdam niya. Pagkatapos ng pagkawala ni Chandi ngayon lang ata uli siya ngumiti ng totoo. May mga panahon na naiisip niya ang yumaong nobya pero ang nakikita niya ay ang masayang mukha nito dahil mukhang masaya rin ang kakambal nito.

Nitong mga huling araw ay mas nakikilala niya ito. Before he had no time to know Charmaine better dahil naka-focus ang buong attention niya kay Chandi. He just knew her according sa kung ano ang kinukwento ni Chandi. Most of the time ang akala niya Kay Charmaine ay spoiled brat dahil nga sunod sa luho ng magulang maging sa kakambal. Pero hindi, she is a sweet, innocent and kind girl. Magkaibang magkaiba sila ni Chandi. Mature mag-isip ang una samantalang playful ito.

Kagaya ngayon na abot hanggang tenga ang ngiti nito habang ginagawa ang sand castle nito kahit ang dungis dungis na nito at puno ng buhangin ang damit. Lumapit na siya dito.

"Yan pala pinagkakaabalahan mo." aniya.

Medyo nagulat na napatingin ito sa kanya.

"Aahhh.. Ehh.. " caught off guard na nag-aapuhap ng sasabihin ang dalaga.

"Lowbatt na kasi yung ipad saka ayoko naman ng palabas sa TV" pagkuwan anito.

Sumalampak si Ivan sa buhanginan malapit kay Charmaine na nagpapatuloy pa rin sa paglalaro sa buhangin.

Hindi nakatingin ang dalaga kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. May dungis at dumi ito sa may bandang pisngi pero maganda pa rin. Bilugan ana may pagka-chinita ang mga mata nito, yung doll eyes kung tawagin ng iba, which is different from Chandi's eyes kasi bilog na bilog ang mga mata na Chandi na mapungay parang lagi inaantok samantalang itong mga matang pinagmamasdan niya ay mababakas ang saya .

Tumayo na ang dalaga at nagpapagpag ng damit.

"M-m-mauna na ko Ivan, nagugutom na ko e." nauutal na sabi ng dalaga at nagtatakbo na pabalik sa resthouse.

-------------------------------------------------------------------------------------

CHARMAINE'S POV

Ano ba to? Bakit ganito? Mentras naman pinapatay ko na yung feelings ko kay IVan mas parang tumitindi! For last days, ang attentive niya sa akin, ang sweet niya. Nakakapag usap na rin kami ng hinding awkward and ideny ko man. Masaya ako about. 

I never imagined na darating yung time na ganito. Na magkasabay kaming kumakain habang inaasikaso niya ko. Pinapanood niya kong magluto at naghihintay na matapos ko ito para tikman ko, Yung sasamahan niya ko sabeach dahil gusto kong magpaint. Yung magkukwentuhan kami na parang lahat ng topic pwede naming pag usapan pero syempre pwera yung about kay Ate Chandi or anything related to her.

Haaay. Ano ba naman to!! Ano ba kasing nangyayari?? Is he.. is he.. falling for me? Assuming ba ko o ano ba? Hay naku Ivan! 

---------------------------------------------------------------------------------

 IVAN'S POV

Siguro naman okay lang kung tatanungin ko si Charmaine kung pwedeng sa kwarto niya ko matulog, after all mag asawa naman kami. Pero i hope she wont get me wrong,pero syempre sooner pr later kailangan na naming masanay na magkasama sa room lalo pa at kasal na kami. Hindi naman porket tatabi ako sa kanya, gagawin na uli namin ung ginawa namin noon at yung ginagawa ng mag asawa talaga. Kailangan lang na magsanay na kami sa set up namin.

How much pain can one heart take?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon