Book Two: Chapter 3 - Irrationality

118 3 0
                                    

Ivan's POV

I was busy checking emails and mucnhing some chips nang makarinig ako ng mga murmur sa baba. Initially, I thought na may bisita si Charmaine and with that hindi ko naiwasang mainis dahil binilinan ko siya na wag tatanggap ng bisita dito sa bahay lalo pa at hindi ko alam.

Medyo lumalakas na yung murmur and I can no longer concentrate sa ginagawa ko!

Haaay naku Charmaine! Sabadong sabado nang iinis ka diyan.

Bad trip akong lumabas nang library at bumaba nakita ko agad si Charmaine na nakaupo sa sofa, medyo napaka kunot ang noo ko sa itsura niya. Magulo ang buhok, madusing at mukhang pagod na pagod. Anong ginawa ng babaeng ito.

Then, I saw my in-laws. O f*ck! Yung pagka badtrip napalitan agad ng pagkagulat. Bakit sila andito? Hindi ata nasabi sa akin ni Charmaine na darating sila.

Medyo kinakabahan akong bumaba at lumapit sa kanila. Nang makalapit ako sa kanila, I saw my in-laws' facial expressions, parang naiinis habang hindi makatingin sa akin si Charmaine.

I reached for their hands at nagbless at malalamig na "God bless You" ang narinig ko

"Mukhang hindi naman busy ang asawa Charmaine." cold na sabi ni Dad at napatingin sa hawak kog chips.

Shit! Ano bang nangyayari dito??!

"D-d-ad K-kk-asi.." nauutal si Charmaine pero sumabat na agad si dad at humarap sa akin.

"Alam mo ba na inabutan naming ngarag at pagod na pagod ang asawa mo sa paglalaba, pagluluto at paglilinis ng bahay samantalang ikaw mukhang ni hindi pinagpapawisan sa taas."

Naglalaba???! Bakit?! May taga laba kami ah at pumupunta siya pag Sabado pero bakit si Charmaine daw ang naglalaba??!

"Dad he's busy in.." si Charmaine..

"I'm not talking to you Charmaine. " matigas na sagot ni Dad at napayuko naman si Charmaine habang inakbayan ni Mommy. Ano ba to?!

Nagsabi na ba ng totoo si Charmaine?? Pero mukhang tungkol lang naman sa house chores ang kinakakagalit ni Daddy pero kung maka arte naman tong si Charmaine akala mo binugbog ko na.

"May taga-laba kami Dad, I didnt know kung bakit si Charmaine ang naglalaba." pagdedefend ko sa sarili ko.

"You didnt know? na nagka emergency ang taga laba ninyo and it's Charmaine na naglalaba and at the same time cooking lunch for us." si Mommy.

May emergency pala si Manang pero syempre hindi ko alam yun dahil nga hindi ko pinapansin si Charmaine dito and nagkulong ako sa library pero nagulat ako na hindi niya sinabi na dito maglalunch ang parents niya.

Hindi ito ang first time na maglunch sila Mommy dito at sa mga nakaraang pagdalaw nila dito ay sinasabi naman ni Charmaine bakit kaya ngayon ay hindi.

"Don't tell me hindi mo alam yun at hindi mo din alam na dito kami maglalunch." nabasa ata ni Dad sa mukha ko yung mga tanong ko.

"Meron ba kaming hindi alam, nag away ba kayong dalawa?" ang bilis talagang makaramdam ng mga nanay.

"No Mom, busy lang talaga si Ivan kanina, I didnt bother na abalahin pa sya, nakita nyo naman sa kitchen andun pa yung breakfast niya." si Charmaine.

"Sana nga ganoon Ivan, dahil hindi ko pinalaki ang anak ko para lang alilain mo." si Daddy na medyo kumalma na.

"Wala naman talagang problema Dad, kayo talaga, tara na sa dining area at maglunch na tayo." pag yayaya ni Charmaine sa parents niya at buti na lang at sumunod na rin ito sa dining.

How much pain can one heart take?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon