Chapter 3: Ang mga Enkantada at Engkanto

5 0 0
                                    

Nagkaroon ng ilang pagkawala ng mga alagang hayop ng mga taga bayan, at ang duda nila ay gawa ito ng mga aswang.

Di umano'y nabuksan na daw ang pintuan sa pagitan ng tao at mga engkanto. Sa pagbukas daw ng naturang pintuan ay nagsilabasan din ang iba't ibang nilalang.

Isa si Drafeo sa mga nawalan ng alagang hayop. Maraming mga tao ang nagtungo sa himpilan ng Baranggay, sa kasamaang palad sa daming naiulat na pangyayari, ni isang salarin ay di nahuli o namataan man lang. Kaya ang Baranggay kapitan na si Ignacio na isang matandang biyudo na hindi naman katangkaran at medyo kayumanggi ang kanyang kulay, ay inabisuhan niya ang kanyang mga nasasakupan na lahat sila ay mag-iingat kapag dumating na ang takip-silim.

(Sa mundo ng Estrofus)

Muling umalis ang inang reyna upang maglakbay sa niyebeng kaharian ni Asgaroth. Si Asgaroth ang hari ng yelo siya ay matipuno at hindi gumagamit ng anumang sandata tanging ang mga yelo at niyebe lamang ang gamit niya sa pakikipagsagupaan. Nagtungo roon ang Inang reyna Vietris dahil nabalitaan niyang ang mga oso roon ay nawawala at tila may kung anong nilalang ang kumukuha ng mga hayop roon.

Sa pag-alis ng Inang Reyna ay siya namang pagbangon muli ng masamang reyna na si Demetris. Muli niyang ipinaramdam sa mga tao sa kaharian ang kasamaang meron siya.
Nung nakaraan lamang ay inutusan niya ang magkapatid na Ero at Dreya na magtungo sa bulkan ng Ipopros upang kumuha ng pinaka-mainit na apoy sa kaharian na kayang tumunaw ng metal. Ilang araw na ang nakakalipas wala pa rin ang magkapatid.

(Sa paanan ng Bulkang Ipopros)

"Kaysama ni Reyna Demetris biruin mong ipakuha sa atin ang pinakamainit na apoy sa kaharian" Sambit ni Ero.

"Kung di naman natin to gagawin, tuluyan tayong papaslangin ni Reyna Demetris." Sambit ni Dreya

Si Dreya at Ero ay magkapatid mula sa lipi ng mga puting taong lobo. Si Dreya ay isang 15yrs.old na babae na may kakayanang umihip ng hangin na kasing lakas ng isang buhawi at si Ero naman ay isang 13 yrs.old na lalake na kayang tumakbo na kasing bilis ng kidlat. Ang magkapatid ay nag-aanyong puting lobo tuwing kabilugan ng Dalawang buwan sa kanilang mundo at sila ay nagiging agresibo kapag mayroong mga nilalang nais mang-agaw nang kanilang makakain. Karaniwan silang matatagpuan sa Nyebeng Kaharian, ngunit lumisan sila roon upang hanapin ang kanilang nawawalang ama at napadpad sila sa lupain ng Estrofus kung saan kasalukuyang nagrereyna reynahan si Demetris.

Nakaakyat si Ero at Dreya sa bulkan ng Ipopros, ngunit nagbabantay roon ang Dragon na si Velva. Nakiusap si Ero at Dreya na baka maaaring makakuha ng pinaka mainit na apoy sa kaharian.

"Papakuhain ko kayo ng apoy ng ipopros, ngunit kailangan niyo muna ako matalo sa isang dwelo". Ayon sa alamat wala pang nabuhay na nilalang ang nakatalo kay Velva.

Tinanggap ni Dreya ang dwelo, upang maging patas ang laban nila, si Velva ay nag-anyong tao. Isang magandang babae na may kulay kahel na buhok at kalasag na gawa sa platinum gold.

"Nais kong sabay kayong makipaglaban sa akin! Upang mabilis tayong matapos." Sambit ni Velva.

Ayaw man ni Eros, nakipaglaban pa rin siya para sa kapakanan ng kapatid niyang si Dreya.

At nagsimula ang kanilang labanan, bumuga ng apoy si Velva, at agad naman itong nasalag ng malakas na ihip ni Dreya. Hindi pa sila ganon kalakas dahil wala pa ang kabilugan ng buwan.

(Kaharian ng Estrofus)
"I am curious! Ano na kayang nangyayari sa magkapatid? Sa bulkan ng Ipopros. Nasagupa na kaya nila ang dragong si Velva?." Wika ni Demetris.

Upang makita ni Demetris ang nagaganap sa bulkan ay inutusan niya ang salangkay ng kanyang ina na ipakita ang pangyayari sa bulkan ng Ipopros. Masayang pinanood ni Demetris ang labanan habang kumakain ng ubas.

Eliarthea at ang Ginintuang OrasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon