Chapter 5: Ang Mundo ng mga Engkantada at Engkanto

3 0 0
                                    


Ang mga ministro ng enkantada sa kaharian ng Estrofus ay may anim na miyembro. Si Argon Mclornd na isang matanda na namamahala sa mga batas na ipinapatupad ng reyna siya ang may-suot ng gintong singsing, Si Revoir Burnige naman ay isa ring matanda na namamahala sa mga disenyo ng arkitektura ng kaharian siya ay kilalang tahimik na engkantado at siya ang may suot ng gintong polseras, Si Vanessa Untoldore siya ang nagiisang babae sa samahan ng mga ministro siya ay mahilig sa mga pusa, siya ang namamahala sa mga lutuin na inihahain tuwing may pagdiriwang sa kaharian, isa siya sa kinakatakutan sa kaharian dahil sa kanyang taray siya naman ang nangangalaga sa ginintuang tiara. Si Tribler Dunkined ay isang matanda na napaka-makata, siya ang nangangasiwa sa mga inaaral ng mga engkanto at enkantada siya rin ay nakisalamuha na sa mga tao kaya nadala niya ang wikang Ingles sa Estrofus at patuloy itong itinuturo sa mga studyante, siya naman ang nangangalaga sa ikalawang ginintuang singsing. Si Albert Denoism siya naman ay isang magaling na salamangkero na nagtuturo sa mga batang engkanto, ayon sa kanya ang majika sa kanilang mundo ay tunay na kakaiba at dapat lamang itong aralin ng mga tulad lamang nila, siya ay matanda na may mahabang balbas at may dala-dalang tungkod, siya ang nagtatago ng ginintuang kwintas, at si Reynian Voktre siya naman ang mensahero ng Estrofus, siya ang pinaka bata sa samahan ng mga ministro, siya ay bibo at masiyahing engkanto siya rin ay matalino at siya ang nangangalaga ng ginintuang susi.

Silang anim ay laging magkakasama dahil pinagbubuklod sila ng Golden Offer. Ang Golden offer ay koleksiyon ng mga ginintuang alay mula kay Nemisto ang Diyos ng Itim na bato. Ipinagkaloob ito sa anim na engkantado dahil sila lamang ang nagtataglay ng kakaibang dugo at alam ni Nemisto na balang araw sila ang poprotekta sa bagong tagapagligtas ng sanlibutan. Ang dalawang gintong singsing ay sumisimbolo sa panig ng mabuti at masama taglay ng dalawang singsing ang kapangyarihan ng liwanag at dilim. Ang gintong susi na taglay ang kapangyarihang magbukas ng mga lagusan sa iba't ibang mundo at ito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng hangin, ang susing ito lamang ang makakapagbukas ng ginintuang orasan na matagal ng nawawala. Ang ginintuang tiara at kwintas na nagtataglay ng kapangyarihan ng apoy at tubig, Ang tiara ay kayang gawing masmakabuluhan ang iniisip ng maysuot nito, Ang kwintas naman ay kayang bigyan ng mas kongkretong mga ideya at imahinasyon ang nagsusuot nito. Ang ginintuang polseras naman ay may kakayahang mas palakasin ang kapangyarihan at paghilumin ang sugat ng nagsusuot nito, taglay ng polseras ang elemento ng lupa. Nang ipamahagi ito ni Nemisto sa anim na nilalang agad siyang naglaho at ang lupain ng itim na bato ay tuluyan na ring naglaho kasabay niya.

Isang misteryo ang pagkawala ni Nemisto at ng lupain ng itim na bato.

Sabi ng nakararami marahil daw pinaslang si Nemisto ng kanyang kapatid na si Ervus.

Si Ervus ang panginoon ng pulang lupain, Siya ay may matinding galit kay Nemisto dahil siya ang hinirang na hari ng itim na bato, kung kaya't lumisan si Ervus at sa kanyang paglalakbay nakita niya ang lupain ng pulang lupain kung saan itinayo niya ang kanyang kaharian at sinimulang magplano upang maghiganti kay Nemisto.

Si Ervus ang panginoon ng pulang lupain, Siya ay may matinding galit kay Nemisto dahil siya ang hinirang na hari ng itim na bato, kung kaya't lumisan si Ervus at sa kanyang paglalakbay nakita niya ang lupain ng pulang lupain kung saan itinayo niya...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ang mapa ng buong Demotrufis, kung saan nakapaloob ang mga kilalang lupain ng mga Engkanto at Engkantada. Mayroong tatlong lagusan ang ginawa ng panginoong Nemisto. Lagusan sa Estrofus na nagdudugtong sa mundo ng tao. Lagusan sa dagat ng kamatayan na namamagitan sa mundo ng tao at ng Demotrufis. At ang lagusan sa banal na lupain na nagdudugtong sa mundo ng mga spiritu at sa mundo ng Demotrufis.

Makikita rin ang maliit na lupain ng Verokito kung saan nananahan ang mga Dwende at ang mga nilalang na nagtataglay ng kapangyarihan ng buwan tuwing gabi.

Sa lupain naman ng bulkan pinaniniwalaang nakatira ang isa sa pinaka-makapangyarihan na nilalang sa buong sanlibutan ang Minokawa. Ang Minokawa ang siyang lumikha ng mga lupain sa pamamagitan ng kanyang mga luha na pumatak sa katubigan. Maraming mga engkantada ang nais makakita sa Minokawa ngunit sa kasamaang palad, sa tuwing papunta sila sa Lupain ng bulkan ay agad silang hinaharang ng mga mababagsik na taong bulkan na may kakayahang bumuga ng apoy.

Ang Pulang lupa na pagmamayari ni Ervus, pinaniniwalaang naitayo ang kaharian roon upang maghanda sa pagpaslang kay Nemisto.

Ang natitirang labi ng itim na bato, kung saan pinaniniwalaang pinugadan ng mga pinakmababangis at mapanganib na lamang lupa at mga halimaw ng himpapawid. Ang lugar na iyon ay dating kasing lawak ng Estrofus ngunit lumubog sa di malamang dahilan.

Ang kaharian ng Niyebe, kilalang pinamumugaran ng mga taong Yelo at mga halimaw na Yeti. Ang hari nila ay kilalang salamangkero dahil hindi ito gumagamit ng sandata. Tanging lakas ng kapangyarihan lamang ng hari ang kanyang ginagamit.

Disyerto ng kamatayan, pinaniniwalaang kinamatayan ng milyong taong nakapasok sa Demotrufis. Ang buhangin sa disyertong iyon ay humahatak ng mga nilalang na walang kapangyarihan, ngunit maitatala sa kasaysayan na mayroong nilalang na makakatapak sa buhangin ng kamatayan sa Disyerto.

Sa Demotrufis naninirahan ang mga nilalang na di maaring makisalamuha sa mga tao. Ang Demotrufis sadyang nakahihiwaga dahil patuloy itong lumilikha ng mga panibagong nilalang. Bawat oras ay namimili ito ng nilalang na maaaring biyayaan ng bagong katangian.

Ang Demotrufis ay ipinangalan kay Veria Demotrufis ang babaeng unang nakatagpo sa mga lupain at ang dyosang nangangalaga sa Minokawa. Si Demotrufis ay isang magandang babae at siya ang may kapangyarihan ng lahat ng elemento sa kalupaan. Siya rin ang ina nila Herathia at Rouvenir. Si Herathia ay ipinilit na itinago ang kanyang pagkakakilanlan upang malayang makisalamuha sa mga ibang nilalang, habang si Rouvenir naman ang ina nila Vietris at Vernon. Asawa ni Rouvenir si Merophesto ang anak ni Ervus. Masaya silang namuhay hanggang nawala si Rouvenir at ito rin ay isang kataka-takang pangyayari sa buong Demotrufis. Ang pagkawala ni Rouvenir. Labis na nalumbay si Dyosa Demotrufis at si Herathia ay walang kaalam-alam sa pangyayari ukol sa kaniyang kapatid na si Rouvenir.

Hinanap ni Merophesto ang kaniyang asawa ngunit hanggang ngayon ay di pa rin siya nakakabalik sa Estrofus.

Si Vietris naman isinumpa ang kanyang kapatid na si Vernon dahil sa pagiging ganid nito. Magpasahanggang ngayon di pa rin nahahanap ni Vietris ang kanyang anak na di pa napapangalanan. Ipinasa niya ang kanyang tungkulin sa kanyang pamangkin na si Demetris. Si Demetris ay may pagkamasama at isang tusong nilalang, hangad niyang mapasakanya ang buong Estrofus, inilihim niya ito kaya hanggang ngayon ay di pa nasasaksihan ni Vietris ang kanyang tunay na budhi.

Ang kaharian ng Estrofus ay pinalilibutan ng mga puno ng Estraves na pumoprotekta laban sa mga nilalang na di maaring magtungo sa kaharian.

At iyan na nga ang Demotrufis.

Follow me on my IG account @aboutkc_21
Follow me on my FB account
@KcMagabo

Eliarthea at ang Ginintuang OrasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon