George's Rage Twelve

647 95 35
                                    

Owtor's Nowt: I love you all, pero di ko alam na ganito pala kayo ka-demanding? Kaloka kayo. Hahaha. Don't worry, hindi ako galit... Galit na galit lang. Hahaha Bipolar lang po ang peg.

Doon sa mga nakakakilala sa akin alam nyo ang ibig sabihin nito, doon naman sa hindi, ay patay tayo diyan. Hahahaha

Seriously po. Patay po talaga tayo diyan kasi mukhang galit si Georgina sa mga nangyayari. Aalis na naman po ba siya? Iiwanan na naman ba niya si Rage sa pangalawang pagkakataon?

Tara na. Alamin natin. Tayo ay maki-osyoso sa dalawang pusong nagtataguan.






















-------------------






















"George..." Sambit ni Rage ngunit hindi naituloy dahil iyak lang ito ng iyak.

"I'm sorry, too, Rage." Pinakawalan na niya ang lahat ng laman ng dibdib niya. "I am so sorry." Inilabas niya ang luha na dapat ay noon pa naubos.

Panandaliang katahimikan ang namagitan sa kanila dalawa ng sa wakas ay humupa ang kanilang pag-iyak ngunit patuloy ang pag-agos ng kanilang mga luha. Gusto niyang kumilos ngunit hindi niya magawa, para kasing natulos siya sa kanyang kinalalagyan dahil nakikita pa rin niya ang patuloy na pag-agos ng luha sa pisngi ng binata. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang umiyak ito. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang sakit na matagal ng naninirahan sa mga mata nito.

"No, George. It should be me asking for forgiveness." Panimula ni Rage  kahit parang hirap pa rin ito sa pagsasalita. Nakinig na lamang siya. "When Dad called and said that there's an unknown dead female found not too far from the hacienda's entrance, then Mom said crying that it was you, George, para akong masisiraan ng bait noon. I drove like a badass out of hell just to get to Hacienda in a fraction of time. Noong una, I don't want to come home kasi baka di ko kayanin. I was in denial. But when I got home and saw the burnt cadaver inside the coffin, inside your home, that's when I realized it was all true, I can't get myself to get through sitting at your wake kasi hindi ko kayang nakikita kang nakakahon. I can't get myself to accept the animalistic way they did to you. It was so cruel and flat out evil. Hindi kita kinanti or ginalaw dahil sa taas ng respeto at pagmamahal ko sa iyo, pero sila, binaboy ka nila at ang pinaka masakit, sinunog ka pa nila." Hindi nakakibo si George sa lahat ng sinasabi ng binata. Totoo ba itong naririnig niya. Totoo bang nasaktan si Rage ng akala nitong nawala na siya. Baka naaawa lang yan sa 'yo, Georgina. Wag kang ano. Napatunayan niyang may sariling isip ang utak niya.

"Rage, kelan mo nalaman na ako ito?" Naikwento na ng mga kaibigan ni Rage ang lahat ng ginawa ng binata dito sa Manila noong una itong dumating dito. Alam niyang hindi magsisinungaling ang mga kaibigan nito. Hindi naman kasi nila alam na siya at si Gina ay iisa. Pati na ang ginawa ni Ava, pinsan ni Levi.

Naramdaman niya ang bahagyang paghila sa kanya ni Rage tumayo. Ginabayan siya nito sa sala para maupo ng relax. Pinaunlakan niya ang gustong mangyari ng binata, umupo siya tabi ng kaunting distansya at tahimik na nakiramdam.

"Six months ago. I woke up late that morning and I was mad kasi nga nagpapagising ako sa iyo noon dahil gusto kong tapusin ang mga gagawin ko sa opisina. Gusto kong lumuwag ang sumunod na Linggo para sa akin dahil gusto ko sanang umuwi ng hacienda para tumambay sa libingan mo, but I know I won't have the time to do it anymore except that Saturday at dahil hindi nga ako nagising ng maaga ay paniguradong hindi ko matatapos ang mga plano kong gawin." Humugot muna ng hininga si Rage, dahan-dahan at malumanay na ibinigay. Pinisil ang kamay ni George na nagpapautang sa dalaga. "I went to your room to wake you up and had it with you. Inis na inis ako. I was mad because you ruined my plans. I was really looking forward on going home to Sto. Tomas and to stay the whole day at the cemetery. I was surprised when I pulled the comforter off of you  at yun na nga, nakita ko ang tunay mong pagkatao sa likod ng nagpapanggap kong driver. It took a lot out of me to control myself not to hug you nor kiss you kasi neither one will be good for both of you or me at the time. Hindi yun dahil sa nilalagnat ka kundi dahil nga sa namiss kita ng sobra. Ilang taon na kitang hindi nakakausap, nakakaharap o nayakap man lang. Pinigil ko talaga ang sarili ko. All I could do that moment was to stand by from a distance and stared at you. I don't even want to get too close to you, I feared kissing you kasi baka mawala ka na lang bigla at dahil gusto ko ring ikaw ang magsabi sa akin ng totoo. Gusto kong maipagtapat mo ng kusa kung sino ka. Hinihintay kong mapagod ka sa pagpapanggap.  I wanted it to end already. For six months, all I could do was wait. I told myself, if I was able to wait for more than four years to be able to be this close to you again, what is six more months. I can even wait for a lifetime if I have to. I had tried all the tricks that I could find to trap you, to make you come out and tell me who you  really are but you didn't. Ang hirap pala. Ang tibay mo eh I felt like I was running out of ideas. I feel like I was running out of time. But this... this was unplanned. Kung alam ko lang na ganito lang pala kadali gawin upang matapos na ang pagtatago mo, eh di sana noon ko pa ito ginawa. I shouldn't have waited for six more months." Pagak na napatawa si Rage. Napailing-iling ang binata. Napangiti naman siya sa tinuran nito. Mahigpit niyang ginagap ang kamay ni Rage at inilapit sa pisngi niya na parang unan.

George's Rage (Editing Mode)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon