George's Rage Four

784 92 23
                                    



Walang natatago na di malalantad,
at walang lihim na di mabubunyag.
Kasabihang hango sa bibilya (Lucas 8:17)
na puno ng katotohanan.
 

~ Ms. J




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

George's Rage

"Usapan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





KINABUKASAN hinarap ng magkapatid na makuhanan ng lisensiya si George sa bayan ng Santo Tomas. Mabuti na lamang at may local LTO sa mismong bayan na ito. Kung papaanong nagawa nila yun, yung ang hindi malaman ni George. Basta ang alam lang niya ay may lisensya na siyang hinihintay.

Halos maghahapuna na sila nang makabalik sa hacienda. Tumuloy na sila sa bahay na kung saan ay naghihintay ang mag-asawang Luningning at Anastacio. Tahimik ang mga itong nakamasid lang sa kanila kaya parang naasiwa si George.

"Magandang hapon po, Nay, Tay." Panimulang bati ni Nikko sa mga magulang sabay tayo sa harap ni George.

"Bakit inabot na kayo ng hapon? Saan ba kayo nagsusuot na lima?" Seryosong tanong ni Mang Tacio, walang ngiti, walang bahid ng lumanay.

"Alas sais pa lang umalis na kayo para makakuha ng kakailanganin ng batang yan, tapos halos maghahapunan na kayo nang makabalik?" Salubong naman ang kilay ni Aling Luning na parang puputok na bulkan, natakot si George. Kilala nila ang ina, bagay na iniiwasan ng kanilang Tatay na magalit ito.

"Bumalik po kasi itong si Horhe sa kanila para kunin doon sa kapitbahay na pinag-iwanan niya ng gamit ang kakailanganin para sa application ng lisensya niya." Si Paolo ang sumalo. Magaling kasi ito sa paghabi ng kwento dahil nga ito ang palaging gumagawa ng script nung mga nag-aaral pa ito sa high school.

"Nakuha n'yo naman?" Nakataas ang kilay na tanong ng ina.

"Opo." Mabilis nitong sagot. "Kaya lang pagbalik namin, pananghalian na, alam n'yo naman ang mga empiyado sa gobyerno, matutulog pa yata ng isang oras ang mga yun pakatapos mananghali." high pitch nitong pagpapatuloy ng kwento.

"Oo na, Paulino. Ikaw na ang taga-kwneto." Singhal ng ina na ikinatahimik nito.

"Maghugas na kayo ng kamay at maghahapunan na." Utos ng kanilang ama sa napakababang boses. Ibig sabihin, lakad, bilis, gawa, balik, upo at kung hindi uubusan ka nito ng pagkain.

Matiwasay namang silang naghapunan. Konting huntahan, konting tawanan at konting asaran. Tahimik lamang na ngingiti-ngiti ang mga magulang.

"George, ano na nga pala ang nangyari sap amilyam o?" Tanong ni Mang Tacio na hindi napaghandaan ni George. Nilingon nito ang mga Kuya, pilit na humahanap ng pwedeng isagot dito.

"S-simula nung mawala a-ang T-tatay, nagkawatak-watak na po kami." Simple niyang sagot, hinarap na lang ang pinggan.

"Tacio, kumain ka na lang diyan." Saway ni Aling Luning. "Hayaan mo na muna ang bata at magkukwento din iyan sa atin. Kaiging nakikiloko sa kanyang mga Kuya, palulungkutin mo pa." Dugtong pa nito. Nagkatinginan ang mgakakapatid.

George's Rage (Editing Mode)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon