George's Rage Twenty-One

722 87 53
                                    

Otor's Nowt: Masyadong busy ang life. Bakit? Kasi buhay po tayo at may trabaho, pamilya at yun po ang realidad. Mahirap pong mabuhay sa pantasya na lang palagi, pero minsan kailangan natin yun para ma-relax natin ang ating mga isip at puso. Kaya nga minsan masarap managinip kahit gising, mangarap. Kadalasan sa panaginip at pangarap ang nagkakatotoo, katulad ni Rage. Nanaginip. Nangarap. Nagkatotoo. Not bad, di ba?

Hayaan nyo na muna ang typo, kahit na antok na antok na ako, update pa rin kaya, next week ko na aayusin. Pagdamutan nyo ang masabaw kong handog. 😊😊✌️












-------------------

















"Magnus, Ready ka na ba? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Brennan Kay Rage. Nagbibihis na ngayon ang tatlo sa kwarto nilang tatlo. Magkahiwalay kasi ang kwarto nila sa kwarto ng mga dalaga.

"Matagal na. Ten years old pa lang ako pinangarap ko na siya, kaya pinaghandaan ko na ito." Sagot ni Rage habang ikinakabit ang hiling butones ng kulay baby blue long sleeve na suot nito. Sa loob lamang ng isang oras at kalahati ay ikakasal na siya sa pangarap at buhay niya. Isang oras at kalahati na lang ay asawa na niya si George. Isang oras at kalahati na lang ay mag-iiba na ang buhay niya.

"Congrats, bro. Ang tagal mo ring nagtiis ah. Bilib nga ako sa iyo eh, ang tiyaga mo." Ngumiti lang siya sa sinabi ni Levi. "May I remind you though, nakabalik na si Ava, at konting panahon lang ay malalaman nun kung nasaan ka." Dugtong nitong ouno ng pag-aalala.

"I know. But she can't have me. I am already taken, long time ago. And I know she knows that." Alam niyang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya.

"You and Nikko." Makahulugang sabat ni Brennan. Magsasalita pa sana si Levi ng mag-ring ang phone ni Rage. Initsa-pwera niya na muna ang komentaryo ni Brennan para sa gutom ang tawag.

"Mark? Is everything okay?" Tanong ni Rage. Kanina pa nila ito hinihintay.

"Ayos lang. Pero napadaan ako sana condo mo kanina hoping na hindi mo tinuloy ang balak mong pagtakas kay Bunso, guess who's at the lobby arguing with receptionist  and the guard." Napatuwid ng tayo si Rage. Umaasa siyang iba lang ang paka-ibig sabihin ni Mark.

"Just a wild guess... she's there?" Nagtago ang bagang niya. Sumisibol ang galit sayo puso niya. Iniisip pa lang niya ang presensya ng babae ay pakiramdam niya ay bumaligtad na uli ang mundo nila.

"Yup. None other. Ano ba ang ginagawa niya dito?" Ramdam mo ang poot sa puso ni Mark.

"I don't know. Did she see you?" Gusto niyang makasiguro.

"No. Tinawagan ko ang staff ng condo, ipinagbilin ko na wag paaakyatin hangga't hindi ka dumadating." Ganito sila ka-close ni Mark. Hindi lang alam ng lahat pero may permiso si Mark na magdesisyon tungkol sa condo unit niya kahit wala siya. Nakakalabas-pasok ang binata kahit na anong oras at araw na gustuhin nito sa unit niya.

Hindi siya nagtanim ng galit o tampo kay Mark kahit na hindi nito sinabi ang tungkol sa pagkukunwari ni George, dahil ganu'n din ang ginawa niya sa pinsang si Cecilia ng pumunta ito ng Japan. Wala siyang may sinabihan kahit mga magulang niya. Hinintay ng mga magulang niya na si Cecilia ang unang tumawag.

"Thanks, Bayaw." Yan ang tawagan nila kapag silang dalawa lang.

"BAYAW?!" Duet. Yan sila Brennan at Levi. Hindi na niya pinansin ang mga kaibigan.

"No problem. Just do what you need to do. Wag nyo na akong hintayin, dito na tayo magkita." Sagot naman nito na nagpabalik-balik sa bahagyang paglakbay ng kanyang isip. "Ay, bago ko pala makalimutan. Nagkita na si Kuya Nikko at Cecilia." Dugtong pa ni Mark at natahimik na ang kabilang linya..

George's Rage (Editing Mode)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon