George's Rage Twenty-four

984 96 55
                                    

Owtor's Nowt: Pwede na ba akong umiyak? Hindi pa? Okay. Pero kung tatanungin nyo ako may reason po kung bakit gusto kong umiyak, huli na po ito. Maraming salamat po sa maagang pamaskong ibinigay nyo sa akin. Nang dahil sa inyo inspirado akong ipagpatuloy ang aking ginagawa.

 Nang dahil sa inyo inspirado akong ipagpatuloy ang aking ginagawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marami pong salamat sa inyo.  😃😃😃














-------------------








Sa kwarto ng bagong kasal na sina George at Rage. Tahimik nilang ginawa ang kanilang mga gawain bago natulog.

“Mauna ka na, Love. Susunod na lang ako. Aayusin ko lang itong higaan natin.” Malambing na utos ni Rage sa asawa. Ngumiti namn ito naagmartsang papasok ng banyo dala ang damit pangtulog. Natawang naiiling si Rage sa pagiging mahinhin at mahiyain ng asawa. Wow! Asawa ko na talaga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa wakas ay sila pa rin ng pangarap niya.

“Love, ikaw naman. Tapos na ako. Bahagya pa siyang nagulat paglabas ni George sa banyo na nakapantog na, white cotton shorts at isang manipis na tank top.na may malalaking letra na PINK! na naka-print sa dibdib nito.

“Okay, Love. Sandali lang ako. Don't miss me that much, okay.” Kinindatan niya ito. Nandilat ang mga mata nito sa ginawa niya at namula ang pisngi. Nilapitan niya ito. “Love, you are so cute when you blush like that… Awww!” Sigaw niya. Hinimas-himas nito ang braso ng hinampas ni George.

“Ikaw kasi eh. Wag ka nga! Nakakainis ka namn eh.” Nakanguso niyang pagmamaktol. Kinabig niya ito at inakap ng may kahigpitan.

“You're still gorgeous, adorable, and most importantly, very much desirable.” Ginawaran ni Rage ng banayad na halik si George sa noo, pababa sa mga mata nito, sa tungki ng ilong, magkabilang pisngi at ang pinaka huli… sa labi. Banayad sa umpisa hanggang sa lumalim. Muntik na silang nadala sa init na lumulukob sa kanila, mabuti na lang at naaalala niyang maliligo pa siya kaya bahagya niyang itinulak ang asawa.  “I'll take a shower really quick. I'll be back. I love you.”  Bulong niya kay George at tumalikod na.

Nang makapasok na si Rage sa banyo ay mabilis na nagkakandirit sa sobrang kilig si George. Halos mapaigi siyang hindi niya mawari. Alam niyang sweet si Rage pero hindi niya akalain na may ikaka-sweet pa ito. And to think, halos anim na taon niya itong iniwasan, hindi kinausap, tiniis. Ugh!! Ang tanga mo George! Mabuti na lang, ako pa rin pala ang mahal niya. Pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kama at tinitigan ang kisame.

“Love, may tanong ako sa iyo.” Bungad ni Rage habang nakaakap kay George habang nakaunan naman ang ulo nito sa braso ng asawa. Nakatalikod ito sa kanya. Kinakabahan man siya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila ngayong gabi ay isinantabi na lamang ni George. Alam niyang kahit na iwasan niya yun ay mangyayari at mangyayari talaga yun. Wala eh, mag-asawa na sila.

Tahimik na ang gabi sa unit ni Rage. Hindi na nila naririnig ang pagtatalo nila Dean, Mark at Paolo sa sala kung sino ang natutulog sa mahabang sofa at kung sino and sa love seat at sahig. Kung sino ang nakakuha ng kung anong pwesto ay hindi na nila alam. Banayad na paghinga lamang ang kanilang naririnig at yun ang nagmumula sa kanilang dalawa ni Rage. Tulog na rin siguro si Cecilia sa dating kwarto inukupa ni George. Iniwan ito ni Rage nakikipag-usap kay Nikko kanina. Mukhang maraming pag-uusapan ang dalawang yun at sana naman ay maayos na nila ang lahat dahil alam ni Geroge na kailangang sabihin na ni Cecilia kay Nikko ang lahat para makuha na rin nila ang kanilang Happily ever after. Ang tagal na nilang nawalay sa isa’t isa at naunahan pa nila itong magpakasal.

George's Rage (Editing Mode)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon