Page 2

2 0 0
                                        

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang babae. Kanina pa ako nakatulala rito at nakatingin sa kawalan.

"Kumusta na kaya siya?" Kagat-kagat ko ang dulo ng aking ballpen nang marinig ko ang pagbagsak ng stick ni sir sa desk ko na siyang nagpaigtad sa akin.

"You aren't listening, are you?" Sinalubong ko ang mga mata niyang nagbabaga sa inis. Sinira ko nalang din ang araw ng terror teacher ko kaya lubusin ko na. Tumayo ako at sinabit sa balikat ko ang bag ko saka nilagpasan siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Hindi naman siya paniniwalaan ng lahat kapag nagsumbong siya kasi maganda ang records ko sa school habang siya ay kilala na laging headline sa mga dyaryo na nananakit ng mga estudyante niya. Both physically and verbally.

Pababa na ako sa daan nang mahagip ng mata ko ang babae. Agad akong napangiti at nakalimutan ko inis ko kanina. Pakiramdam ko ay biglang nakumpleto ang araw ko kahit kasisimula palang nito. Binilisan ko ang paglalakad upang palihim siyang sundan. Hanggang sa palayo ng palayo kami sa paaralan at hindi ko na ito matanaw ngunit ito parin kami na patuloy naglalakad. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ako sumusunod sa kaniya. Makitid ang daan at tahimik. May nadadaanan pa kaming mga batang walang damit na naglalaro sa paligid. Pakiramdam ko tuloy ay nang-iinsulto ako sa kanila. Kumikinang ang damit ko at agaw pansin kaya ang lahat ay napapalingon sa akin. Napayuko nalang akong naglalakad. Naaawa ako sa mga lagay nila. Hindi ko akalain na may ganitong klaseng pamumuhay. Malayong-malayo ito kung saan ako nakatira.

Malayo na ang narating namin kaso ngayon nag-aalinlangan ako kung ipagpapatuloy ko ba. Ngunit kada lingon ko ay wala kong pagpipilian kundi maglakad ulit. Humawak ako ng mahigpit sa bag ko at sumampa na sa sirang tulay na gawa sa kahoy. Pigil hininga akong naglalakad. Malayo na siya kaya kailangan kong bilisan. Hindi ko namalayan na may malaking bitak sa isang parte ng kawayan at lumusot ang isang paa ko. Mabuti nalang at kaagad akong nakahawak sa isa sa mga haligi nito. Napalunok ako at inangat ang paa ko saka humabol sa kaniya. Ngayon ay mas naging maingat.

Nang makalagpas na kami ay mas maayos ang lagay ng mga bahay dito. Maaliwalas at malinis. Sementado din ang daan. Hindi man katulad sa village pero pwedi na. Pataas ang mga bahay. Aakyat ka sa mga hagdan at doon nakahilera ang mga bahay hanggang tatlong palapag. Hindi ganoon kadikit ang mga bahay.

Umakyat siya sa isang makitid na hagdan saka pumasok sa loob ng bahay. Trespassing man kung tawagin pero sumunod ako sa kaniya sa loob. Iniwan niya ang tsinelas niya sa labas at sinalubong ang isang matanda. Nakikisilip lang ako sa maliit na siwang sa bintana. Maliit lang ang espasyo ng kanilang bahay ngunit may isang kwarto. Sumandal ako sa pader sa labas at nakaupo lang ako doon. Their home feels like mine. Napakakomportable kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil naramdaman kong may nakaharang sa sikat ng araw. Pagkadilat ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang babae. Napatili ako ng mabilis at napahawak sa dibdib ko.

"Nakakapanggulat ka naman." Habol ko padin ang hininga ko. Tumingala ako sa kaniya na nakatayo lang sa harapan ko at naka simangot.

"Paano ka nakapasok?" Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang uniporme ko. "Napadaan lang ako at nakita ko itong bukas. Dito ka pala nakatira." I tried my best not to stutter pero may nakatakas pa din. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Panay naman ang paglikot ng paa ko.

"Sino iyang kasama mo, apo?" Nabaling ang atensiyon naming dalawa sa matanda na naka dungaw sa pintuan. Napangiti ako ng kaunti sa kaniya.

"Papasukin mo dali." Tinignan ako ng babae at sumenyas na sumunod ako. Nasa likod niya lang ako at iniwan ang sapatos ko doon.

"Nako isuot mo lang iyan. Hindi pa kami nakakapagwalis." Nahihiya naman akong sinuot pabalik ang sapatos ko saka umupo sa mesa nila. May kinuha ang babae sa loob ng isang karton. Napakurap ako ng ilang beses ng makita iyon. Isinalin niyaang mga ito sa dalawang mangkok at umupo na din kasama ang matanda. Pumikit sila at nagdasal. Agad ko namang dinikit ang dalawang kamay ko at nakidasal din. Hindi ko akalain na may gumagawa pa nito kada bago kumain.

A Yesterday's PleasureWhere stories live. Discover now