"Ansarap babe sige pa..." "Bilisan mo...Aaaaahhhh!"
"Next page na!" Halos lumuwa ang mga mata namin habang patago kaming nagbabasa ng comic book na kababalaghan ang laman. Dinala ito ni Marky sa tambayan malapit sa school at ito kaming magbabarkada, nagsisiksikan at sabay na binabasa ang nakalagay sa comic book.
Ilang beses akong napalunok, ako pa naman ang may hawak nito at hindi maalis ang tingin ko sa babae. Walang ingay ang lumalabas sa mga bibig namin.
Napapaungol din kami sa tuwing mapapaungol ang dalawa. Pinipigilan ko lang ang sarili kong labasan habang itong si James ay parang naiihi na.
"Tol 'di ko na kaya." Sigaw ng isa naming tropa. Nanghinayang naman kami kasi hindi siya tunay na lalaki. Ang mga tunay na lalaki ay hindi umaatras sa mga palabas.
Napasulyap ako sa isa naming tropa na nakatitig sa isang babae. Napayuko siya at parang may sinisilip. Sinundan naming lahat ang niyuyukuan niya at mapapaiyak ka sa biyaya ng hangin. Ang ikli ng short. Napapaawang ang mga labi namin habang hinihintay na may sumilip sa loob.
Dahan-dahang lumingon sa amin ang babae at ako ang unang nakabawi. Binatukan ko sila isa isa lalo na itong nauna na sinadya ko talagang lakasan.
"Sira ulo, si Shana 'yan! Bakit mo binabastos si Shana?" Binatukan ko ulit si Mike. Napaalog ang utak niya sa loob. Nangigigil ako sa kaniya. Sa dinami-dami ba namang pwedi bastusin si Shana pa, meron naman diyang palaging ini-i-spot-an niyang si Badiding ha. Bakit si Shana ko pa? Napangiti ako. Kinilig naman ako d'un sa 'Shana ko.'
"Sira ulo, nakigaya ka rin, ah. 'Di ko alam pare." Napaisip naman ako. Oo nga 'no. Kapag sa oras ng kagipitan gumagana ang kokote nitong si Mike. Naliligtas niya ang sarili niya.
"Ah, gan'un ba? Sige, batukan mo rin ako." Una umiiling pa siya na parang hindi niya kaya.
"Magkaibigan tayo pare pero dahil pinipilit mo ako, pagbibigyan kita." Halos maduling ako sa lakas ng pagkabatok niya. Sinalo pa ako ng ibang mga katropa. Nasaan ako? Sino ako?
Nakalimutan ko ata lahat. Gan'un pala ang dating kapag pinagbigyan ka. Ayaw ko ng pagbibigyan ulit ako. Nang maka-recover ako sa sakit ay nirolyo ko ang comic book at hinabol siya ng palo.
Nagmumurahan lang kaming dalawa, hindi ko namalayan na tumawid na kami sa direksiyon ni Shana sa labas ng tindahan. Naghahabulan pa rin kaming dalawa at tuwing maaabot siya ng palo ko ay malutong na mura ang ibabato niya sa 'kin.
"Tama na 'yan. Para kayong mga bata." Mahina na sabi ni Shana habang nagwawalis. Hindi siya namin pinansin at paikot kaming naghahabulan sa kaniya. Hinampas-hampas niya sa aming dalawa ang walis.
"Kapag hindi kayo titigil, ipapadakip ko kayo sa mga nagrorondang tanod." Napatigil kaming dalawa. Tanod ang mama ni Mike, hindi nga namin alam na nagtayo pala ang mama niya nga organisasyon para may magroronda rito gabi-gabi. Tiyak kapag tinotoo ni Shana ay matutulog si Mike sa labas ng bahay nila.
Kinuha ko ang tyempong 'yun para hampasin siya ngunit nakailag. Sa sobrang inis ata ni Shana sa amin ay hinablot niya sa kamay ko ang comic book. Napatigil kaming lahat at naghihintay na mabuksan niya.
Para akong natatae sa kalagayan ko ngayon. Sina Marky naman ay napatayo at naghihintay din. Ano kaya ang sasabihin ni Shana? Kasalanan 'to ni Mike, e.
Hindi ko na magawang huminga dahil nasa bingit na ako ng kamatayan. Binuksan niya at napatagal pa ang pagtingin niya rito. Napapalapit kami sa kaniya. Kumunot ang noo niya na nagpakunot din sa noo namin. Hindi ba niya alam 'yan?
YOU ARE READING
A Yesterday's Pleasure
RomantizmOne choice can transform. One choice can break. Don't enter in someone's life if you can't take the risk of your actions. He needs assurance. She needs confirmation. You think their sacrifices will lead to love? Or they'll just end up as a memory o...