Page 3

1 0 0
                                        

Kinabukasan ay dali-dali ko ng kinuha ang mga gamit. Sabado naman at tapos ko an din ang mga take home projects at written works namin kaya wala na akong gagawin. Kinuskos ko sa sahig ang sapatos ko para maging mukhang luma at masira. Binutasan ko ito gamit ang gunting nang bigla akong batukan ni mama.

"Binilhan kita ng bago para may masuot ka tapos sinisira mo lang? Hali kang bata ka." Piningot ako ni mama. Nakahawak naman ako sa kamay niya habang ang kabilang kamay ko ay hawak ang pares ng sapatos.

"Anong pumasok sa kokote mo at ginugupit mo iyon." Kiladkad niya ako palabas habang ako ay panay ang aray.

"Real life hacks po ang tawag doon." Sinubukan ko lang kung lulusot pero hindi pa din ako binibitawan ni mama.

"Wag mo akong masagot-sagot. Iyan ba ang natutunan mo kaka-basketball ha?" Napairap naman ako. Paano nasali ang basketball doon?

"Aray po. Kakasuhan kita under the Republic Act. 7610." Reklamo ko dito pero mas lalo pa niyang diniin ang kuko niya sa tenga ko kaya napapaangat ako.

"Wag mo kong takutin ha." Pinaupo ako ni mama sa tabi ni papa na nanunuod lang ng TV. Hinimas ko naman ang namumula kong tenga.

"Sige anak samahan kita mamaya sa DSWD. Nagsasawa na rin ako sa nanay mo e." Nag-apir kami ni papa at biglang namatay ang TV. Akala namin ay brownout iyon pala ay hinugot ni mama ang plug ng TV.

"Kinukunsinte mo kasi iyang anak mo at tinuturuan ng masama kaya lumalaking spoiled." Sigaw ni mama kay papa. Kumuha lang ako ng mani sa na nakapatong sa lamesa at kumain habang nakatingin sa kanilang nagsasagutan. Padabog na humarap si ate sa kanila na kagigising lang.

"Pwedi ba? Magpatulog muna kayo." Buong pwersa niyang sinara ang pinto na gumawa ng malakas na ingay. Napasulyap ako sa dalawa at nagsisisihan na sila habang ako nagme-make face sa gilid at nahuli ni mama.

"Ikaw na bata ka saan ka pumunta kahapon at sabi ng teacher mo ay hindi ka daw umattend sa klase niya." Humikab muna ako bago sumagot.

"Nakakabagot na kasi ang klase niya. Matagal ko ng alam ang lesson ma 'wag ka mag-alala." Si papa naman ay tumayo saka pinlug ulit ang TV. Nakita kong kinuha ni mama ang walis kaya 'kong niyakap ang sapatos ko at nagtatatakbo na ako papalayo. Binato naman ako ni papa ng isang pack na biskwit na naisalo ko naman kaagad.

"Wag kang magpapahuli. Baka sa labas ka na matutulog mamaya kaya mabuti na ang handa." Itinaas ko naman ang biskwit at ngumiti kay papa. Inis na sumigaw si mama sa bahay na dinugtungan din ni papa ng sigaw at ni ate ng sigaw. Iniwan ko silang nagpapalakasan ng sigaw.

Tinignan ko ang suot ko. Naka-sweat pants ako saka naka-sleeveless. Naisip kong pumunta nalang sa bahay nina Shana. Ayos lang naman kay lola na pumunta ako doon. Tumigil muna ako saglit para isuot ang sapatos ko. Habang abala ako sa paglalakad ay naisipan kong buksan ang biskwit at kumuha ng isa doon at kinain. Malayo-layo rin ang nilakad ko. Nagulat nga ako at naalala ko pa rin ang daan papunta sa bahay nila. Nakita ko sa hindi kalayuan si Shana na pauwi at may bitbit na pancit. Tinakbo ko papunta sa direksiyon niya saa sumabay sa kaniya sa paglalakad. Nagulat siya nang makita ako.

"Good morning, Shana." Nakangiti kong bati. Ngiti lang ang sinagot niya. Pinamulsa ko ang biskwit saka kinuha sa kamay niya ang supot ng pancit at naunang pumunta sa bahay nila. Nang pumasok ako ay nadatnan kong tulog pa si lola.

Sumunod naman si Shana sa loob at kinuha ang mga damit na nasa sahig. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Kumuha siya ng palanggana at balde saka nag-igib sa balon. Doon ko lang naisip na maglalaba pala siya kaya nagvolunteer na ako na ako na ang mag-iigib. Binanlawan muna niya ng isang beses ang lahat ng damit bago nilagay sa palanggana at nagsimula nang magkuskos. Kapag may pinapaabot siya at pinapasampay ay ako na din ang gumagawa. Sinisikap ko hindi magkamali at inaabot ako ng ilang minuto sa pagsasampay ng damit. Winisikan naman niya ako ng bula ng tubig.

A Yesterday's PleasureWhere stories live. Discover now