Page 4

4 0 0
                                    

Ilang araw na at hindi pa rin nakikipagkita si Shana sa akin. Kada puntahan ko siya sa bahay nila ay wala naman daw siya roon palagi. Hinintay ko siya kada uwian ko galing sa school doon sa labas ng tindahan at hindi ko rin siya lagi maabutan doon. Napabuntong-hininga ako.

"Nasaan ka na ba, Shana?" Nagsimula na akong maghikab at pumupungay na rin ang mga mata ko. Ilang beses na ako napapaigtad dito sa baba ng bahay nila. Habang nakasandal ay may biglang tumawag sa akin.

Ring! Ring!

Inaantok 'kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone saka sinagot ang tawag.

"Ma." Sabay sa pagsalita ko ang paghikab ko ulit.

"Paul, nasaan ka na? Alas diyes na ng gabi. Umuwi ka na." Napabuntong-hininga ako saka tumango.

"Opo." Ibinaba ko ang tawag at tumingin sa bintana ng bahay nina Shana saka naglakad palayo. Sinisipa-sipa ko lang ang bato dito sa paanan ko. Iniisip ko na si Shana ito.

"Gan'un na lang 'yun? Hindi na siya magpaparamdam sa 'kin?"  Sa sobrang inis ko ay napalakas ata ang pagsipa ko at tumilapon sa bintana ng isang bahay malapit sa akin. Napalaki ang mata ko nang may narinig akong nabasag. Kaagad akong tumakbo palayo bago pa ako maabutan ng may-ari ng bahay.

Nakapamulsa lang akong naglalakad. Pakiramdam ko ay napakalayo ng bahay at hinihila ako pabalik sa bahay nina Shana. Pinipilit kong humakbang pauwi hanggang sa nakatapat ko ang gate namin ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Buti naman at nakaya ko pang umabot dito.

Inabot ko ang lock ng pinto saka binuksan at dire-diretsong umupo sa sofa at tumabi kay ate na nagpe-pedicure habang nagsa-sound trip. Balak ko sanang patayin ang radyo na napakalakas-lakas ngunit pinigilan niya ako. I heard her groaned. I just shrugged.

Naramdaman ko ang nakabuntot niyang titig sa likuran ko habang patungo ako sa kwarto. Humiga ako at hindi na nag-abalang maglinis ng katawan at magbihis. Niyakap ko lang ang bag ko. Kasama rin siguro sa pagod ko ang exams namin kanina. I feel drained. I feel empty.

"Akala ko pa naman, nang hindi ako magparamdam sa kaniya ng ilang araw ay maiisipan niyang kumustahin ako." Mas siniksik ko pa ang mukha ko sa bag ko. Isang pikit ko lang ay mabilis kaagad akong nakatulog.

Shana Morgez

Umuwi na ako sa bahay dala ang sabaw ng nilaga na hiningi ko sa karinderyang nadaanan ko pauwi. Lumulipad ang isip kong sinasali ang sabaw sa mangkok. Napaigtad ako sa hapdi ng paso na natamo ng hita ko dahil hindi pala mangkok itong nasalinan ko kundi pinggan. Mabuti nalang at may natira pa. Kaagad akong kumuha ng mangkok sa pingganan at isinalin ang natira.

Napakabigat ng pakiramdam ko. Sa tingin ko tuloy ay may kulang. Dinungaw ko si lola sa kwarto ngunit mahimbing na siyang natutulog. Tinignan ko ang kalawangin naming orasan. Alas diyes na pala.

Mag-isa lang akong kumain sa hapag-kainan. Parang hindi nga ako kumakain kundi pinaglalaruan ko lang ang kanin. Pagkatusok ko ay biglang tumalsik sa mukha ko. Pinahid ko ito. Sumandal ako sa bangkuan at huminga ng malalim.

"Kung alam ko lang sana ang bahay ninyo." Pinilit kong ubusin ang pagkain kahit wala akong nalalasahan.

Mainit din ang pakiramdam ko at lumalabas ang init ng katawan ko sa mata ko. Kanina pa ako maluha-luha. Mabigat din ang ulo ko. Ininom ko ang gamot na binili ko kanina at nagsimulang sunod-sunod na maghikab. Nilatag ko ang banig sa sahig at inayos ang unan saka nagbalot ng kumot. Iniwan ko lang muna sa mesa ang mga pinggan. Bukas ko na lang iyon liligpitin.

Kanina pa ako papalit-palit ng posisyon ngunit hindi talaga ako makatulog. Umabot na ng hatinggabi. Tumayo ako at naisipang uminom ng tubig. Dumungaw ako sa bintana namin at ang ganda ng buwan. Napangiti ako. Ang linaw linaw at ang laki. Bilog na bilog ito.

A Yesterday's PleasureWhere stories live. Discover now