Sinalubong ako nina Marky ng bola.
"Tara, magpa-init ng katawan." Natawa naman ako sa kaniya. Habang nakaakbay kami sa isa't isa ay natanaw ko sa 'di kalayuan si Shana.
"Marky, mauna ka na." Papalag pa sana ang isang ito ngunit inapakan ko ang paa niya at tinulak siya. Pagkatingin ko sa gilid ay may nagtitinda ng buko juice. Binilangan ko ang oras ng pagbili ko at pagdaan niya sa harapan ko.
Bumili kaagad ako ng dalawang buko juice.
5... 4...
Sinuklian na ang ng tindera. Papalapit na siya. Teka naiihi ba ako?
3... 2...
Inabot ko na mula sa kamay ng nagtitinda ang dalawang buko juice, uminom ako ng kaunti dito saka humarap ako sa kaniya.
1...
"Psst." Pagtatawag ko sa kaniya ngunit nilagpasan niya lang ako na may nagtatagpong kilay. Hinabol ko naman siya.
"Psst... Ate..." Patuloy pa din siya sa paglalakad at halata namang iniiwasan niya ako. Mas binilisan ko ang paghabol sa kaniya hanggang sa maka-una ako sa kaniya at hinarangan siya.
"Ha?" Tinatago ko lang ang tawang gustong kumawala sa bibig ko at seryosong tinignan siya.
"Nakita mo ba si ate?" Umiiwas siyang matignan ako diretso sa mata. Nakatayo lang ako dito at mahigpit ang hawak sa buko juice.
"Ate mo 'yun, bakit mo hinahanap sa akin?" Ngayon niya lang ata ako sinagot ng pabalang. Kung hindi siya tahimik na nakikinig ay seryoso siyang kausap palagi. Prangka kumbaga.
"Ito nga pala." Napakamot ako sa batok ko at tinatago na makita niyang nahihiya ako. Inabot ko sa kaniya ang isang buko juice.
"Salamat na lang." Pilit siyang tumatanggi sa alok ko habang ako ay pinipilit sa kaniya na tanggapin niya. Nagtagal pa kaming ganoon lang ang ginagawa na nagpapatuloy sa paglalakad.
"Tanggapin mo na. Sige na." Tatanggihan niya sana ulit ngunit binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Masyadong sensitibo si Shana kaya't alam kong this time ay hindi siya tatanggi. Huminto ako.
"Dali na. May laro pa kami, e. Ma-le-late na ako." Bumuntong-hininga siya at napilitang kunin ang buko juice. Andali talaga niyang makonsensiya. Malapad akong ngumiti sa kaniya.
"Una na ko." Kumaway ako sa kaniya at tinatago ang kilig. Sinulyapan ko siya at sinenyasan na inumin niya na. Napakiskis ang dila ko sa harapan ng ngipin ko nang sundin niya nga. Yiiieee, parang bakla pero kinikilig ako, e. Parang mapapatalon ako sa tuwa.
"She kissed me back." Indirect kiss man but she still kissed me back. Big deal sa akin iyon.
Papalapit ako sa kinaroroonan nina Marky nang marinig ko siyang magsalita.
"'Tol para kang timang kakangiti diyan." Mas nginitian ko pa siya ng malapad. Nakita ko naman silang nakatunganga sa akin.
"Paul, what are you doing?" Naibaba ng isa naming kaibigan ang earphones niya na nakatingin sa akin.
"C'mon James, I'm dancing. Wanna join?" Agad siyang umiling. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Nilapitan ko siya at kinuha ang kamay niya saka pinatong sa balikat ko. Hinawakan ko siya sa beywang and we swayed.
"Paul, nakakabakla 'to. Stop this, dimwit." Inikot ko si James at ang kaibigan kong ito ay hindi pala marunong sumayaw. Para siyang tipaklong na nagti-tinikling habang ang tugtog ay sway.
YOU ARE READING
A Yesterday's Pleasure
RomanceOne choice can transform. One choice can break. Don't enter in someone's life if you can't take the risk of your actions. He needs assurance. She needs confirmation. You think their sacrifices will lead to love? Or they'll just end up as a memory o...