Ika-limang Kabanata:
-
Nang malamang ni Cathy na top notcher nga si Aries wala na kaming ibang topic kung hindi siya. Sabagay kahit ako ay humahanga kay Aries. Bihira lang kasi ang mga katulad niyang nag-w-working student para masuportahan ang pag-aaral niya. Bihira lang yung mga katulad niya na matiyaga at talagang desididong makamit ang pangarap kaya't hayan siya top notcher sa board exam at di lang basta-basta 'yon kasi nag top notch lang naman siya sa pagiging Doktor. Panigurado maraming opportunities ang darating sa buhay niya. Siguro kung may kapatid lang ako hihilingin ko na maging katulad niya.
"Wait lang ha tumawag si Daddy."
Tumango naman ako kay Cathy.
Naghanap ako ng papel at ballpen sa bag ko pero tanging ballpen lang ang nakita ko. Ano ba yan! Balak ko pa naman sanang sulatan si Aries kasi gusto ko siyang batiin kahit di ko siya kilala dahil sobrang nakaka-proud siya."May problema ba?"
Takang tanong ko kay Cathy ng mapansin na tapos na pala siyang makipag-usap sa Dad niya.
"Wala naman pero we need to go na kasi may inuutos si Daddy, yah know bussiness matter."
Sabay irap niya. Hobby na niya ang pag-irap sa tuwing naiinis siya. Kaya sa unang tingin kung hindi mo talaga kilala si Cathy mapagkakamalan mong masunget.
"Sige pero wait lang may papel ka ba diyan? Kahit anong pwedeng sulatan."
"Para saan ba?"
Tanong niya.
"Basta."
Tinignan niya muna ako sandali bago ako bigyan ng piraso ng papel niya mula sa notebook niya. Agad ko naman itong kinuha at nakangiting sinulatan ito.
"Waiter!"
Tawag ko sa isang waiter na malapit sa akin.
"Yes Ma'am?"
Takang tanong nito.
"Pakibigay kay Aries . Salamat."
"Sige po Ma'am."
Hinintay ko namang maglakad palayo yung waiter bago ako tumayo.
"Tara na!"
Nakangiti kong sabi kay Cathy.
"Magkakilala ba kayo nung Aries na yon?"
"Hindi no sinulatan ko lang siya kasi binati ko siya sa tagumpay niya."
"Wow naman sa 'TAGUMPAY' mo ha, ang lalim di ko maabot."
Di ko na lang siya pumansin.
Naglalakad na kami ng biglang may tumawag."Miss teka lang!"
Lumingon kami. Ha? Siya yung waiter na inutusan ko diba?
"Pinabibigay po ni Kuya Aries, nakita niya po kasi na naiwan 'to sa table niyo, ballpen niyo po."
Ay nakalimutan ko pala yung ballpen ko?
"Pakisabi salamat."
Aalis na sana kami ng nagsalita muli itong magsalita.
"Pinapasabi din pala niya na ingatan niyo daw po ang bagay na mahalaga sa inyo kasi baka pagsisihan niyo kapag napunta na sa iba. 'Yon lang po, sige mauna na po ako."
Natulala naman ako sa sinabi niya habang hawak ang ballpen na pinaabot ni Aries.
"What was that?"
-
Dear Aries,
Congratulations dahil nakapasa ka sa board exam at di lang 'yon naging top notcher ka pa. Siguro noong una nahihirapan ka dahil pinagsasabay mo ang pag-aaral sa pagtatrabaho sa Restaurant na ito pero ngayon, isa ka ng lesensiyadong doktor. Nakakainspired. Nagtataka ka siguro kung bakit kita sinulatan e hindi naman tayo magkakilala. Isipin mo na lang na isa ako sa mabubuting mamayan ng bansang Pilipinas na proud sa achievement ng kapwa niya Pilipino. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo dahil isa ka sa dapat tularan ng mga kabataan ngayon. Congrats ulit.
Natutuwa,
Ms. A.
BINABASA MO ANG
A Letter To Aries
RomantikDear Aries, Congratulations dahil nakapasa ka sa board exam at di lang 'yon naging top notcher ka pa. Siguro noong una nahihirapan ka dahil pinagsasabay mo ang pag-aaral sa pagtatrabaho sa Restaurant na ito pero ngayon, isa ka ng lesensiya...