Ika-tatlong Kabanata:

26 15 2
                                    

Ika-tatlong Kabanata:

-

"Oh tapos anong nangyari?"

Tanong ni Cathy habang sinisipsip yung iniinom niya.

Nandito kami sa isang sikat na restaurant na bagong bukas lang. Actually di naman siya talaga literal na bagong bukas mga limang buwan na rin ang lumipas simula ng buksan nila 'tong restaurant. Sobrang patok nga nitong restaurant na ito dahil bukod sa maganda ang view ay halatang binigyan ng pansin ang mararamdaman ng mga costumer. Para ka kasing kumakain sa ulap sa ganda ng ambiance at design ng retaurant. Maaliwalas.

"Ayon pumasok siya ulit sa cr at nagbihis."

Sumubo ako ng slice ng pizza bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Yung babaeng nakasalubong ko sa hallway... Yo'n ang kabit niya."

Dire-diretso kong ininom yung juice na nasa baso ko.

"Pano mo nalaman? I mean malay mo isa lang siya sa employee ni Zeke diba?"

Seryosong tanong niya sakin.

"Mabuti nga sana kung ganon kaso hindi e."

Ilang minuto akong di nagsalita. Pinipigilan ang luhang maaaring mabuo ano mang oras. Masakit parin pala. Yung limang taong pinagsamahan namin nasayang, No scratch that 'SINAYANG' pala ang tamang term. Sinayang niya ng dahil lang sa babaeng iyon. Pumikit ako ng mariin bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kasi nung nakita niya kaming magkasama ni ... Basta siya! Tinawag niya pa tong babe at alam mo ginawa niya? Kinompronta niya ko na para bang siya ang tunay na mahal nito, na parang hindi ako nag-e-exist sa buhay ni Zeke at ang una nitong babaeng minahal. Akala mo ikakasal na sila kung umasta. At alam mo pinakamasakit?"

Mabilis kong pinahid ang luhang agad kumawala sa aking mata.

"Yung pinakamasakit? Y-yung pinakamukha niya sa'yo kung gaano sila kasaya bawat detalye damang-dama niya. Yung pinamukha niya sa'yo na bawat araw, bawat oras lagi silang nagkakasama. Laging m-may nangyayari sa kanila..."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. Kailangan kong magpakatatag kahit ang totoo nahihirapan na ako.

"And guess what?... He remain silent. Hindi man lang niya pinigilan ang babaeng 'yon o kaya hinayaan man lang  niya ang sarili niyang magpaliwanag. Even a worthless sorry of him hindi niya ginawa. Pinagmukha niya kong tanga. NILA!"

Nakatitig lang siya sa akin at seryosong nakikinig.

"And guess what kinabukasan ng gabi pinuntahan niya ko sa Condo ko kasi di niya ko nakita sa bahay, I thought hihilingin niyang patawarin ko siya at makipagbalikan kasi diba five years din yon. For Petes sake FIVE YEARS din yon, but again I was wrong. Sobra kong nasaktan sa mga salitang binitawan niya."

Tuloy-tuloy lang umuhos ang luha ko.

"I thought mas mababawasan yung sakit kapag nag explain siya kasi sobrang gulo ng isip ko no'n. Sobrang praning ko at kung ano-anong dahilan na ng pumapasok sa isip ko kung bakit iniwan niya ako. Saan ba ko nagkamali o kung nagkamali nga ba ako. Kung may pagkukulang ba ako. But NO! For the last time I was WRONG! Mali ako! Kasi mas lalo pa kong nasaktan no'ng matininig ko ang sinabi niya. Para akong sinaksak ng paulit-ulit. Know why? *I smile bitterly* Kasi sabi niya di niya ko minahal. Sa lloob ng ilang taong pinagsamah namin di niya ko minahal. Akala niya matutunan niya pero hindi. Mali daw siya. Sobrang boring ko daw. Lahat nang lalaking makakakilala sa akin ay iiwan ako at di gugustuhing makasama ako. Ginawa niya lang naman daw 'yon kasi sinabi ng Daddy niya. His dad threaten him. Ang impluwensiya lang naman ng family ko ang silbi ko. O diba ang sakit."

Hindi ko na napigilang kumawala ang mga luha ko.

"E siraulo pala talaga yang ex mo!" Gag*ng yon! Lagot sakin yon kapag nakita ko."

I wiped my tears and smile bitterly.

"Nuh! Im okay."

Kahit hindi.
Nasabi ko na lang sa isip ko.

"I'm okay... At least 'di mo ko iniwan tulad niya."

This time a genuine smile form in my lips.

"Gaga! Of course di kita iiwan we're best buddy remember."

Then she hugged me. A hug that make me feel secured.

-

VOTE. COMMENT. SHARE.

A Letter To AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon