Ika-anim na Kabanata:

17 16 1
                                    

Ika-anim na Kabanata:

-

"Pinapasabi din pala niya na ingatan niyo daw po ang bagay na mahalaga sa inyo kasi baka pagsisihan niyo kapag napunta na sa iba. 'Yon lang po, sige mauna na po ako."

Di parin mawala sa isip ko yo'ng pinasabi ni Aries sa waiter. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-r-reply sa utak ko 'yon. Siguro dahil affected ako sa sinabi niya. Siguro kung iningatan ko lang yung taong mahalaga sa akin lalo na si Zeke siguro hindi siya mawawala sa akin at mapupunta sa iba. Tama nga siya na sa huli ang pagsisisi.

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

Nakita kong nakakunot ang noo ni Cathy habang nakatingin sa akin.

"Ha?"

Takang tanong ko.

"Anong Ha?! Ha?! ka diyan! Girl, FYI di mo kasalan kung iniwan ka ni Zeke. You did your best! You took care of him to the point na t-ni-take for granted niya. Okay lang sayo na magmukha kang tanga basta ang alam mo mahal mo siya. Nag-e-effort ka kahit di niya na-a-appreciate. Ginawa mo lahat pero sa huli di ka parin niya natutunang mahalin at ang masaklap di pa kayo naghihiwalay pero pinagpalit ka na niya tapos ano pupunta siya sa Condo mo at puro kawalanghiyaan ang sasabihin."

Galit na sabi nito. Dahilan para mapahinto kami ng paglalakad. So nasabi ko pala kung anong nasa isip ko.

"Kaya ikaw tigilan mo na kasisisi mo sa sarili mo para lang mabawasan yang sakit."

Ngumiti na lang ako at tsaka siya niyakap.

"Im lucky to have a best buddy like you."

Sabi ko habang yakap siya. 

"Nakuuu!"

Saad nito.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Kung ano-anong mga bagay ang napag-k-kwentuhan namin kaya tawa kami ng tawa 'tulad na lang noong nadulas ako sa putikan nung Grade 3 ako e ang dami pa namang tao no'n. Agad naagaw ang atensiyon namin no'ng marinig namin ang isang malakas na busina ng sasakyan.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Pagtingin namin papalapit na ito sa amin.

"ABEEEEEEEEEEEEEEEEEEEENG!"

Rinig kong sigaw ni Cathy bago ko tuluyang mawalan ng malay.

-

READ. V O T E. C O M M E N T. S H A R E !❤️
~Beyourself_AteGirl

A Letter To AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon