Ika-Labing Isang Kabanata:

14 0 0
                                    

Ika-labing Isang Kabanata: Ang wagas na Pag-Ibig

-

"Hindi dahil iniwan ka ng isang tao ibig sabihin niloko ka na niya at manloloko na siya. At hindi rin lahat ng taong nag-i-stay sa tabi mo mahal ka talaga at masaya na kasama ka."

-

"

Bago ko makilala ang Lolo mo may minahal akong iba at masasabi kong lumipas man ang panahon, nagbago man ang lahat ang pag-ibig ko sa kaniya ay di magbabago. Ang pag-ibig ko kay Eduardo ay mananatiling buo..."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni lola. Buong buhay ko, buong akala ko, buong akala namin si Lolo ang una at huling pag-ibig niya. Akala namin masaya siya kasama si Lolo pero bakit ga'non? Ibig bang sabihin hindi talaga siya masaya kay Lolo? Na hindi niya mahal 'to?

"Ibig bang sabihin niyan La, h-hindi mo mahal at hindi mo minahal si Lolo?"

Tinignan niya lang ako.
Tingin na nagsasabing mahal niya si lolo at minahal niya pero di ko maintindihan. Bakit sinabi niyang mahal niya yung lalaking sinasabi niya? Na nanatili ang pagmamahal niya kahit lumipas na ang panahon? Ang gulo. Naguguluhan ako.

Ngumiti lamang siya bago magsalita.

"Makinig ka sa sasabihin ko sa'yo apo."

-

March 1, 1960

"ESMERAAAAAAAAAALDA!"

Malayo palang rinig ko na ang boses ng kaibigan kong si Isabel.

"Bakit ka ba sumisigaw diyan? Pinagtitinginan ka ng mga tao. Tumatakbo ka pa. Siguradong magagalit ang iyong ina na si Doña Carmelita sa pagkilos mong yan."

Kung wala lamang kami sa tapat ng simbahan at malayo sa mga kilalang tao na nakapaligid sa amin ay paniguradong hahayaan ko lamang siya pero iba ngayon. Kapag kasi nakita siya ng kaniyang ina ay paniguradong sesermunan siya nito at pagbabawalang lumabas. Masunget pa naman si Doña Carmelita dahil ang pamilyang Pelaez, ang pamilya nila ay isa sa pinakamayamang pamilya ng bayan ng Sta. Ana. Bukod doon respatado ang kanilang pamilya dahil sa pagiging totoong mabait nila sa ibang tao. Gayunpaman, ayaw ni Doña Carmelita na ang isa sa mga binibini ng kanilang pamilya ay ganoon na lamang kumilos. Walang pag-iingat at hindi pino.

"Di mo naman ako isusumbong diba?"

Nakangiti nitong tanong.

"Ano ba kasi iyon at mukhang may magandang bagay na nangyari saiyo?"

Tanong ko.

"Gusto kasi sana kitang ayaing pumunta sa kabilang bayan sapagkat piyesta roon. Paniguradong magugustuhan mo."

Magiliw na sabi niya.

"Alam mo namang hindi ako papayagan ni Ina at ni Ama ."

Malungkot na sabi ko. Totoo naman, masyado kasing mahigpit si Ina at si Ama pagdating sa akin. Bukod kasi sa ako ang nag-iisang anak nila, ang pamilya namin ang isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Hindi naman sa pagmamalaki pero, kung tutuusin pangatlo sa pinakamayaman na pamilya ang pamilya namin sa buong bansa. Mula kasi sa kanununuan namin lahat sila ay isa sa mga naging bahagi o nagtrabaho sa gobyerno. Tulad na lamang ng aking ama na isang Alkalde at ang aking Ina na isang sikat na mananayaw sa buong mundo.

"Sino bang nagsabi na magpapaalam tayo sa iyong ama at ina?"

Isang pilyong ngiti ang masisilayan ngayon sa kaniyang mukha. Nahihinuha ko na kung ano man ang tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Huwag mong sabihin na tatakas akong muli?"

Hindi makapaniwalang tanong ko. Paano kung mahuli ako? Unang beses ko lamang ginawa ang pagtakas na iyon dahil nais ko talagang pumunta sa pagdiriwang ng paborito kong aktor sa isang tiyatro. Hindi kasi ako pinayagan ng aking ama at ina. Hindi na rin naman muling naulit iyon at isa pa halos dalawang taon ang lumipas simula noong nangyari iyon.

"Ano pa nga ba?"

-

TO BE CONTINUED...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter To AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon