Ika-sampung Kabanata:
-
"Bakit La, may bagay na ba kayong pinagsisihan?"
Ilang sandaling nanahimik si Lola at tumingin sa malayo. Biglang lumamlam ang mga mata ni Lola at pilit na ngumiti.
"Oo hija..."
Isang sagot na nagbigay ng kuryusidad sa akin. Ano kaya ang bagay na iyon?
"Ang bagay na sana ginawa ko para sa lalaking pinakamamahal ko."
Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga kataga na 'yon. Nakangiti man siya pero ang mga mata ni Lola ang magsasabi na puno siya ng panungungulila. Puno ng kalungkutan at... pagsisisi.
"Ha? Si lolo ba ang tinutukoy mo La?"
Ewan ko ba! Ang commonsense lang ng tanong ko kasi syempre si Lolo yung tinutukoy niya kaya nga sila nagkatuluyan diba? Pero ewan ko ba may pakiramdam kasi akong hindi siya.
"Hindi ang Lolo mo ang tinutukoy ko apo."
Ibig sabihin---
"Bago ko makilala ang Lolo mo may minahal akong iba at masasabi kong lumipas man ang panahon, nagbago man ang lahat ang pag-ibig ko sa kaniya ay di magbabago. Ang pag-ibig ko kay Eduardo ay nanatiking buo..."
-
TO BE CONTINUED...
-PS: Keep R E A D I N G. V O T E. C O M M E N T. S H A R E❤️
-
Brought you by Beyourself_AteGirl ©2018-2019
BINABASA MO ANG
A Letter To Aries
RomanceDear Aries, Congratulations dahil nakapasa ka sa board exam at di lang 'yon naging top notcher ka pa. Siguro noong una nahihirapan ka dahil pinagsasabay mo ang pag-aaral sa pagtatrabaho sa Restaurant na ito pero ngayon, isa ka ng lesensiya...