Ika-siyam na Kabanata:

15 13 1
                                    

Ika-siyam na Kabanata:

-

"Hija, kailan ka ba ulit magkakanobyo?"

Hindi ko mabilang kung ilang beses na bang naitanong sakin ni Lola ang tungkol sa bagay na yan. Simula nung na-hospital ako nandito na siya kasama ko. Nag-aalala kasi siya na baka kung ano nanaman ang mangyari sakin.

"Sa tamang panahon La."

As usual, iyon nanaman ang sagot ko sa tanong niya.

"Kailan naman ang tamang panahon hija kapag patay na ako?"

"La naman!"

"Ang sinasabi ko lang hija kalimutan mo na lang ang lalaking iyon. Matagal-tagal naman na kayong hiwalay. May nanliligaw naman saiyo bakit ayaw mong pumili sa kanila malay mo."

Mukhang alam ko na ang susunod na sasabihin ni Lola.

"Bakit hindi ka na lang makipagkita sa doktor na iyon. Mukhang hindi naman talaga niya gusto ang nangyari noong na-hospital ka, isa pa kasalanan mo naman dahil hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Tignan mo nga ilang bouquet na ng bulaklak ang pinapadala niya sa'yo may kasama pang liham. Mabait na tao siya hija. Ang kailangan mo lang gawin ay bigyan siya ng isa pang pagkakataon."

Hindi ko alam kung bakit ba ako pinagpipilitan ni Lola sa lalaking iyon. Hindi ko pa naman siya nakikita simula nung umalis siya at iniwan ako sa hospital dahil daw "kuno" may aasikasuhin. Gano'n ba talaga siya kabait at talagang nagustuhan siya ni Lola? Sabagay, kahit ako natutuwa kapag nababasa ko ang letter niya kasama ang bulaklak. Ilang beses na siyang nagpapadala ng bulaklak bawat bulaklak na dinadala niya inilalagay ko sa flower vase kaunti na nga lang pwede na kong magkaroon ng garden.

Sa tuwing gigising ako palaging nandoon na yung bulaklak sinasabi ni Lola pinadala daw. Noong minsang nagising ako na walang bulaklak medyo nadismaya ako heeep! Mali yung iniisip niyo. Nadismaya ako kasi naman wala ng dahilan para sumaya si Lola. Palagi kasi siyang nakangiti kapag ipinapakita niya sa akin ang bulaklak na galing mula sa lalaking misteryosong iyon. Well, sakin lang naman siya miateryoso kasi hindi ko pa siya nakikita.

"Alam mo apo, kailangan mong pahalagahan yung mga bagay na nandiyan pa baka magsisi ka sa huli kapag nawala na."

Biglang lumamlam ang mata ni Lola.

"Bakit po Lola may bagay na ba kayong pinagsisihan?"

-
TO BE CONTINUED...
-

A/N: Read. Vote. Comment. Share. Keep supporting.❤️

A Letter To AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon