Kailan?

18 2 0
                                    

Kailan?
Hanggang kailan ba ako maghihintay sa'yong pagbabalik?
Hindi na maitago ang nararamdamang pananabik,
Na tila ba oras-oras nalang namimiss ang 'yong yakap at halik.

Kailan?
Hanggang kailan ba matatapos ang pangungulila?
Hanggang kailan ba mapapawi ang mga luha sa mata?
Hanggang kailan ba?
Paulit-ulit na tinatanong,
Nakakasawa na ang eksenang ganito.
Hanggang kailan ba? Sagutin mo ako, hanggang kailan ba ako magiging ganito?

Sa bawat oras na nasasayang,
Tanging nararamdaman ay panghihinayang,
Naiipit sa mga tanong na,
Lalaban pa ba?
O suko na?

Ngunit kahit ilang ulit pang tanungin,
Alam kong isa lang ang tanging sasabihin.
Lalaban pa, magpapatuloy pa.
Kasi mahal kita kahit parang naghihintay nalang sa wala.

Patuloy pa rin akong umaasa sa 'yong pagbabalik,
Kumakapit sa mga katagang' yoong sinambit.

"Babalik ako, hintayin mo ako."

Oo, maghihintay ako.
Kasi diba ako ang dakilang tangang nakilala mo.
Palibhasa kasi, alam mo kung paano kunin ako,
Nadadala sa mga ngiti't yakap mong parang totoo.

Pero bakit ganito?
Sabi mo babalik ka,
Ngunit bakit kasama mo siya?
Siya na una mong minahal at pinasaya.

Akala ko ba kaibigan lang?

Ngunit bakit sa tuwing tinitignan mo siya,
Namumulaklak ang 'yong mga mata?
Bakit sa tuwing kayo' y magkasama,
Binibigay mo ang ngiting akala ko'y sa aki'y nakareserba?

Sabi mo babalik ka?
Nasaan na ang pangako, sinta?
Oo nga pala, bakit ako aasa?
Kung sa simula pa lang, alam kong ako'y talo na.

Kasi oo, mahal natin ang isa't isa,
Ngunit walang permanente sa mundo, hindi ba?
Pagmamahala'y pwede ring mawala ng parang bula,
Lalong-lalo na't walang namamagitan sa ating dalawa.

Oo, inaangkin kita.
Pinagmamalaki natin ang isa't isa.
Pero kahit ni minsan, hindi mo nasabing, "tayo na"

Gusto ko lang malaman mo,
Ako'y patuloy na naghihintay sayo.
Kahit nagmumukhang tanga, okay lang ako.
Kahit paulit-ulit nalang tinatanong ang mga katagang,

"Kailan babalik ang dating tayo?"

Panloob na KaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon