Kaarawan

7 1 0
                                    

Bago matapos ang araw na 'to,
Gusto kong magpasalamat sa mga taong nakibahagi sa kaarawan ko.
Sa mga taong hindi pinaramdam na nag-iisa ako,
Sa mga taong kasama ko sa bawat hamon ng buhay ko.

Masaya ako,
Oo, masayang-masaya ako.
Kasama ko ang mga mahal ko,
Kasama ko sila sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko.
Kasama ko sila at heto, pinapatawa't pinapangiti ako.
Oo sila ang kasama ko,
Kompleto naman kami pero bakit ganito?

Bakit parang...
Bakit parang kulang?
Bakit parang malungkot?
Bakit parang nangungulila na naman ako?

Kahit anong gawin ko,
Kahit ilang ulit kong balewalain lahat ng nararamdaman ko,
Hindi ko pa rin maitatangging ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko.

Kailangan kita,
Namimiss kita,
Mahal kita.
Pwede ba kitang makita?

Kahit ngayon lang,
Ibigay mo naman sa'kin ang araw nato.
Kahit ito lang ang regalo mo, solve na ako.

Pero kahit anong pilit,
Kahit anong dikit,
Kahit ilang ulit pumikit,
Wala ka pa rin,
Hindi ka na babalik.

Salamat.
Salamat sa mga sinabi mong namimiss mo ako.
Salamat sa mga katagang, "Mahal kita hanggang dulo."
Salamat kasi naging masaya ako.
Kahit sandali, kahit alam kong hindi na totoo.

Pero sinta, ako'y patuloy na nananalig.
Na isang araw,
Babalik na rin ang pag-ibig.

Ngayo'y lumubog na ang araw,
Tapos na ang kaarawan,
Tapos na ang kasiyahan.
Katulad na lang ng pag-ibig mong panandalian.

Panloob na KaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon