Kung iniwan ka na, Wag ng maghintay pa

8 1 0
                                    

Kung iniwan ka na,
Wag ng maghintay pa.
Wag magpapadala,
Sa mga linyang binibitawan niya.

Naalala mo pa ba?
Plano nating binuo ng magkasama.
Kay saya hindi ba sinta?
Ngunit bakit biglang bumitaw ka?

Ang sabi mo, babalik ka.
Ngunit nasaan ka na?
Iniwan mo akong mag-isa.

Sa tuwing kinakausap kita,
Parang anlayo-layo mo na.
Kasama naman kita,
Pero bakit parang ang hirap na abutin ka?

Nalilito sa bawat kilos mo,
Umaasa sa lahat ng motibong pinapakita mo.
Pakilinawan naman ako oh,
Ayoko ng lumipas pa ang mga araw
Na parang tangang umaasa't naghihintay sayo.

Heto na naman ako,
Umiiyak na naman mag-isa sa kwarto.
Gabi-gabi, minu-minuto.
Ikaw at ikaw pa rin ang laman isipan at puso.

Gusto kong makatakas,
Gusto kong makalimot.

Utak ko na ang nagsabing,
“Mag move on ka na”
Ngunit puso ko’y sadyang tanga,
Tangang nagsasabing kaya pa.

Ngunit sinta, nakakapagod na.
Nakakapagod ng lumaban mag-isa.
Nakakapagod ng umasa pa.
Nakakapagod ng habulin ka.

Kilala naman ako bilang taong madaling sumuko,
Lahat ng problema ko sinusukuan ko,
Oo inaamin ko,
Pati sarili ko sinukuan ko.

Ngunit bakit...
Bakit ang hirap-hirap sumuko sayo?
Ang hirap sukuan ng pagmamahal ko sayo.

Ngunit ngayo'y kailangan ko ng imulat ang sarili ko sa katotohanan.
Katotohanang ako'y iyong hindi na babalikan.
Bago matapos ang katangahan,
Walong salita lamang ang bibitawan.

Kung iniwan ka na,
Wag ng maghintay pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panloob na KaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon